Lexter's POV
Dalawang araw mula noong kaarawan ni Miracle, sariwa pa rin sa alala ko ang mga nangyari no'ng nakaraan.
Sinubukan kong habulin si Shasha no'n pero hindi ko talaga siya mahagilap. Napakabilis din ng takbo ng sasakyan ko na animo'y makakasagasa na ako ng tao ng mga panahong 'yon.
Hanggang ngayon ay napaka-init ng ulo ko, kaya rin siguro wala akong magawang maayos dito sa aking opisina.
''Nasaan na ba 'tong sekretaryo ko! GLEN!'' malakas na sigaw ko mula sa aking kinauupuan.
''Sir, ito na po ang kape niyo.'' Yumuko siya at dahan-dahan inilalapag ang mainit na kape sa ibabaw ng lamesa.
''Pasensya na po sir, nasira po kasi ang brewery sa pantry kaya -- ''
''At bakit hindi kaagad ginawa ni Edgar!''
''May -- ''
''HIS FIRED!''
''Pero sir -- ''
''Ano gusto mo! Na masisante ka rin Glen!'' singhal ko, kaya hindi na siya nagsalita pa at yumuko na lang papalabas ng aking opisina.
Napahinga akong malalim at humigop ng aking kape. Habang nakaupo sa aking swilver chair, dinukot ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Shasha.
''Bakit ayaw niya sagutin!'' taimbagang usal ko at sinubukan muling tawagan siya. Nag-ring ang kaniyang cellphone at sa wakas, sinagot niya na ang tawag ko.
''Shasha.'' Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa may bintana.
''Shasha, I'm sorry,''
'''Yan lang ba ang dahilan kung bakit ka tumawag? Sana -- ''
''Shasha please, makipagkita ka naman sa 'kin. Please, I want to talk to you.'' Siya naman ang narinig kong bumuntong hininga sa kabilang linya.
''Fine, puntahan mo na lang ako dito sa La Acosta.''
''Ano? Diyan ako galing kanina, sabi nila wala ka!''
''Malamang nagbilin ako na sabihing wala ako,'' sagot naman niya.
Anak ng! Sabi ko na nga ba!
''Humanda lang ang mga staff diyan pagdating ko.''
''Oo, humanda ka rin sa 'kin kapag inaway mo sila,'' saad niya, pero hindi na ako nakipagtalo pa, para tuluyan na kaming magkaayos dalawa.
''Pupunta na ako diyan,''
''Okay I'll wait you, let's celebrate. I have something to tell you too.'' Napakunot ako ng noo ko at lalo lang ako na-excite para makita siya.
Pinatay ko na ang tawag at dali-dali nang bumaba sa gusali ng Frante Bldg.
Bago ako pumunta sa kaniya ay dumaan muna ako sa Crisostomo para bumili ng bulaklak kay Amara.
''Look who's here,'' bungad sa akin ni Amara. Mabilis namang yumakap ang anak niyang si Miracle sa 'kin.
''Tito Chris I miss you! Where's my other fairy godfathers?''
''Nako, hindi ko kasama sila eh. Bibili lang sana ako sandali ng bulaklak para sa tita Shasha mo.'' Ngiting sambit ko sa bata.
''Miracle, come inside at baka nagmamadali na sa date ang tito Lexter mo.'' Yumakap na lang sa 'kin ang bata at pumasok na ulit sa loob.
''Mukhang ngayon ka lang ulit napadaan dito Lexter ha.''
''Sobrang busy lang sa kompanya Amara, ni hindi na nga kami lumalabas nina Chris.''
''Nako, paano na kung malipat na si Shasha sa malayo? Baka pati kayong dalawa ay bihira na rin magkita?'' Napakunot muli ako ng noo dahil sa sinabi niya.
''Bakit, ano bang mayro'n at -- ''
''Genevieve! Sandali lang Lexter ha at ibibigay ko lang sa kaniya ang mga orders niya,'' saad niya at iniwan na kaming dalawa.
Mga ilang minuto lang ay lumabas na muli si Amara dala ang bulaklak marahil para sa kasama ko dito na naghihintay.
''Here's for you Geneveive. Grabe, ang dami mo talagang raket ha!'' Ngumiti lang ang dalaga at iniabot na ang bayad.
''Salamat dito sa red roses, magugustuhan 'to ng buyer ko,'' dagdag pa niya at lumabas na ng flower shop.
''Ito naman ang para kay Shasha, sun flowers.'' Iniabot niya sa akin ang bulaklak nang buong ingat. Kukunin ko na sana ang wallet ko nang bigla siyang nagsalita.
''Huwag mo ng bayaran 'yan Lexter please,''
''No, business 'to. Huwag mo naman ako ilibre dahil lang sa kaibigan ko si Chris,''
''At sa tingin mo hindi ko kaibigan si Shasha?'' pagsingit niya dahilan para hindi na ako makipagtalo pa.
''Tutuloy na ako.'' Ngiti na lang ang ibinayad ko sa kaniya at bumalik na sa parking lot.
Inilagay ko na ang bulaklak sa tabi ko at pinaandar na ang sasakyan.
''Hindi ko na ulit natanong si Amara kanina tungkol kay Shasha. May kinalaman kaya ito sa isi-celebrate naming dalawa mamaya?''
Tinahak ko na ang daan papunta sa La Acosta hotel. Pansin ko na rin na dumidilim na ang langit dahil mag-aalasais na pala ng gabi.
Paakyat na ako sa elevator nang mapansin ko ang isang staff kanina na nagsabing wala raw si Shasha. Pagagalitan ko sana, kaso naalala kong mayayari rin ako sa babaeng 'yon kaya pinalampas ko na lang.
''Nako kung empleyado lang kita ay malamang sisante ka na ngayon,'' bulong ko sa sarili habang bitbit ang sun flower.
Pumasok na ako sa opisina ni Shasha at pansin kong namiss niya rin ako dahil sa malumanay niyang mga mata.
''Hey,'' panimulang bungad niya.
''I'm sorry about last time baby girl. Sorry boo,''
''It's okay, at least now your here,'' usal niya. Lumapit ako para humalik sa kaniyang mapupulang labi.
''Tama na, baka saan na naman tayo dalhin ng mga halik mo boo eh.'' Napangiti na lang ako sa sinambit niya at lumabas na kami sa kaniyang opisina.
''Tara sa president suite tayo,''
''Woah, I deserve to have you now Shasha.'' I smirk at her at napahawak sa kaniyang baywang.
''Siraulo ka talaga. Hmm anyway, doon din tayo mag-ce-celebrate boo.'' Nang mabanggit niya ang mga katagang 'yon, bigla ko na naman naalala ang mga sinabi ni Amara kanina sa flower shop.
''O bakit bigla ka tumahimik diyan?'' tanong niya nang makapasok kami sa elevator.
''Wala, si -- ''
''Wait may tumatawag sa 'kin boo. Sandali, sagutin ko lang.'' Dinukot niya ang kaniyang cellphone at agad sumagot do'n.
''WHAT? THAT'S AWESOME!'' malakas na sigaw niya sa elevator.
''Anyway I'm with Lexter, I'll call you back. See you tomorrow,'' masayang sambit niya at pinatay na ang tawag.
''Sino -- '' hindi ko na natuloy ang magtanong, dahil no'ng bumukas na ang elevator ay bumungad na sa akin ang napakagandang set-up dito sa suite.
Napaliligiran ito ng red roses at ng mga kandila na kung iisipin ko ay bago kaming kasal ni Shasha. Dahil dito ay napahawak ako sa aking ulo.
''Lexter bakit? Masakit na naman ba ang tahi sa ulo mo?''
''Ha? Hindi, hindi. Nagandahan lang talaga ako sa paligid -- lalo na't nandito ka na,''
''Akala ko sumasakit na naman ang opera mo sa ulo,'' pag-aalala niyang sambit. Dahil do'n ay yumakap na lang ako nang napakahigpit sa kaniya.
''Boo, my baby Lexter,'' malagkit na saad niya at pinapunta na ako sa malaking kama.
''I know I've been so busy this week boo, kaya babawi ako ngayon sayo,'' usal niya, dahilan nang pagkabuhay ng alaga ko.
At sa hindi ko na napigilan ang sarili ko, I grabbed her and share the evening with the woman a deeply in love with.