Chris POV Halos dalawang buwan noong nagkaaway sina Lexter at Shasha, salamat sa wakas dahil okay na naman ang dalawa. Nandito ngayon si Lexter sa opisina ko at mukhang masayang masaya ang mood. "Anong mayron at naligaw ka dito?" usal ko sa aking kaibigan. "Bakit bawal na dumalaw sa 'yo Chris?" Itinaas ni Lexter ang isang kilay niya at lumapit sa anak kong si Miracle. "Hi baby Miracle, kumusta ka na? I have something for you." Iniabot niya ang regalo sa dalawang taong bata. "Lexter ini-i-spoiled mo ang anak ko ha," singit naman ni Amara habang ginagawan ng kape ang bisita. "Pagbigyan mo na ako Amara, minsan lang naman naman eh." Hindi na siya nagsalita at iniabot na lang sa kaniya ang tasa. "Kumusta naman kayo ni Shasha?" pangungumusta ang aking kabiyak sa kaniya. "Nako ba't ka nag

