Lexter's POV After eight long years ago and back to track ... Katabi ko pa rin si Shasha ngayon sa kama, mahimbing pa rin na natutulog. Nagustuhan ko ang ginawa niyang surprise dito sa isang room sa La Acosta, lalo na't napaliligiran ito ng mga bulaklak. Sumilip ako sa relo at napansing alasdose na pala ng gabi. Nagsuot ako ng damit pangbaba at tumungo sa balcony. Masaya sana ako ngayon, pero ewan ko ba. May iba akong nararamdaman na 'di ko maipalawag. Kaya dahil sa mood ko, napilitan ako pumasok ulit sa loob at kumuha ng tubig. Pagkalapag ko ng baso, biglang nag-ring ang cellphone ni Shasha sa loob ng bag niya. ''Sino kaya 'tong tumatawag kay boo.'' Dali-dali ko itong binuksan at tiningnan agad ang nakalagay sa phone screen. ''Gin Bustamante.'' Aba ito 'yong lalaki na dapat ko itan

