Lexter's POV Pagkahatid ko kay Allen ay dumaan na muna ako sa Crisostomo para bumili ng bulaklak. Gusto kong bumawi kay Shasha dahil sa pagiging immature ko noong mga nakaraan. ''Good day sir Lexter!'' sambit niyang bugad sa akin. ''Hi Lyka, can I have fresh red roses today?'' ''Okidoki sir, just wait a minute.'' Ngumiti siya at tumalikod na. Habang masayang naghihintay sa kaniya ay tumitingin tingin muna ako sa labas ng flower shop. Pero isang iglap, bigla na naman napalitan ng inis ang mukha ko! Nakita ko na naman kasi ang sekretarya ni mommy, walang iba kundi si Elda. Hindi na ako nakatiis kaya lumabas muna ako sandali para lapitan siya. ''Elda, ano ba? Bakit mo pa rin ba ako sinusundan!'' ''Sir, it's my job to keep you safe,'' ''WHAT! Sa pagkaka-alam ko ay sekretarya ka lan

