CHAPTER 105 MABILIS lang lumipas ang araw para kay Breigh at ngayon ay Sabado na. Buti na lang at isang araw lang niya nakasama si Castiel kahapon sa opisina dahil hindi niya gusto ang presensiya ng binata sapagkat hindi nga sila masyadong nagpapansinan. Siguro ay dahil na rin s nangyaring sagutan nila nung gabi. Hindi niya nga maintindihan kung bakit hindi niya pa tinatanggal sa trabaho niya si Castiel bilang personal assistant niya kahit na nakuha na niya ang lahat ng gusto niya dito. At ngayong araw nga ay naisipan niyang pumunta sa ospital para magpa-check up dahil yun naman talaga ang plano niya. Naramdaman na naman kasi niya ang pagkahilo kahapon ng umaga aty medyo naa- alarma na siya doon kaya naman kailangan niyang malaman kung may mali na ba sa katawan niya na hindi niya alam

