CHAPTER 104 "Pre, okay ka lang? "Agad na tanong ni Brian habang naglalakad lang sila sa may labas ng Up Land Company kung saan may mga benches doon na pwedeng pagtambayan kapag walang work or tuwing break time. Katatapos lang kasi nilang kumain ng lunch at naisipan ni Brian na yayain si Castiel na maglakad upang makapag-usap sila. Kapag kasi sa Cafeteria sila nag-usap ay hindi malabong may makarinig sa pag-uusapan nila dahil nga maraming mga empleyado ang nandoon. Kanina niya pa rin kasi napapansin ang pagiging tahimik at walang kibo ng kaibigan. Actually, nu'ng matapos nilang mapanood ang naging interview ni Breigh ay doon na nagsimula ang pagkawalang gana ni Castiel. Akala ni Brian ay hindi magsasalita o sasagot si Castiel sa tanong niya kaya naman magsasalita sana siya ulit pero sa

