CHAPTER 103 MABILIS na pinalakpakan ng mga tao sa audience si Breigh nang mabanggit na ng host ang kaniyang pangalan. Makalipas kasi ang halos kalahating oras simula nang makarating si Breigh sa set ay saka pa lang magsisimula ang interview sa kaniya. Nagkaroon pa sila ng konting rehearsal kanina at ngayon ay tuluyan na ngang nagsimula ang programa. “Good day to you Ms. Breigh Walkerson.”Agad na bati ng babae sa kaniya na host ng Asia’s star nang makalapit na kasi siya sa pwesto nito. Ang set up kasi ng stage ay parang maliit lang na sala set kung saan may solo couch na inuupuan ng host at isang malaking couch na pang dalawa hanggang tatlong tao ang pwedeng maupo na pag uupuan naman ng bisita o ng guest. Agad naman na ngumiti si Breigh sa host. Hindi niya masyadong kilala ang babaeng y

