CHAPTER 112 MABILIS na lumabas si Castiel sa elevator nang tuluyan na itong bumukas. Talagang nahuli na kasi siya ng dating sa condo ni Breigh dahil naipit siya sa traffic. Nagdire-diretso lang siya sa paglalakad at dahil sa pagmamadali niya kaya naman hindi niya nakita ang matandang lalaki na si Chairman na sasakay pa lang noon sa elevator na halos kalalabas lang din sa condo ni Breigh. Buti na lang at hindi sila nagkatagpo nang landas dahil kung nangyari 'yon ay tiyak na tapos na talaga ang lahat. Hanggang sa tuluyan na ngang sumarado ang pinto ng elvator ay hindi nga nakita ni Chairman ang binata. Isang malalim na pag buga naman ng hininga ang ginawa ni Castiel nang nasa tapat na siya mismo nang nakasaradong pinto ng condo ni Breigh. Ramdam na ramdam niya ang malakas at mabilis

