CHAPTER 113 TAHIMIK lang si Breigh habang nakatingin siya sa may labas ng eroplano ng hapon na 'yon at tahimik lang din naman siyang pinagmamasdan ni Lee. Dapat sa lunes pa ang flight nila pero mabilis na nagbago ang isip ni Breigh kaya naman kinabukasan ay nagyaya na siyang umalis. Kaya naman nakasakay sila ngayon sa isang pribadong eroplano. Nu'ng umaga kasi ay nakatanggap si Breigh nang tawag mula sa asawa ng kaniyang kapatid na si Alleysa at ibinalita nito na gising na ang Kuya Art niya mula sa pagkaka- coma nito. 'Yun ang isang rason kung bakit siya nagpasya na mapaaga ang alis nila ni Lee. Ngunit, ang isa pang rason ay dahil tanggap niya na sa sarili niya na tapos na ang lahat-lahat sa Pilipinas. Wala na siyang babalikan pa doon at wala na siyang dahilan para bumalik pa. Nasab

