CHAPTER 114 Mga bandang hapon na nang magising si Breigh mula sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Maaga kasi silang nagising nung umaga dahil mahaba ang biyahe nila papuntang San Francisco California. At nang makarating sila sa lugar ay mga bandang tanghalian na 'yon. Kumain lang sila ng lunch saka nagpaalam na si Breigh na matutulog muna sa isa sa mga guest room dahil antok na antok talaga siya. Nang bumaba siya sa sala ng rest house ay tanging si Lee lang ang nadatnan niya doon na may kausap sa cellphone nito ngunit nang makita siya nang binata na pababa na nang hagdan ay doon na nagpaalam si Lee sa kausap saka siya nito binatuhan nang simpleng ngiti. "Gising ka na pala. "Tanging na sambit lang sa kaniya nang binata. Hindi naman muna nagsalita si Breigh dahil hinintay muna niya

