Pabalik-balik si Zoey sa paglalakad sa may sala. Hindi siya mapakali at matindi pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. Mula nang umalis si Gavin dala ang baril nito ay takot na takot na siya sa maaaring gawin nito o sa kung anong mangyari dito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyari mang masama sa lalaking pinakamamahal niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi dapat siya nagpahawak sa leeg kay Don Guillermo. Hindi dapat nagalit sa kanya si Gavin kung nakaya sana niyang magsabi dito ng totoo. Ngunit hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Kinamumuhian na siya nito. Hindi na niya nagawang pigilan ito sa balak na paghihiganti kay Don Guillermo. Dalangin na lamang niya na wala sanang masamang mangyari kay Gavin. Bahagya pa siyang nagulat nang biglang mag-ring ang kanyang ce

