Nilinis nang mabuti ni Gavin ang kanyang baril na bigay rin mismo ng kanyang ama. Isa itong caliber .45 na may kasamang magazine, bala at silencer. Nakalagay ito sa isang gun box na mukhang maliit na attaché case. Nakalatag ito sa lamesa na nasa sala. Naniningkit at matalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa baril. Mukha ng sariling ama ang nakikita niya mula roon. Nag-uumapaw ang galit sa kanyang puso sa nalaman kaya't walang tumatakbo sa kanyang isip kundi ang patayin ang sariling ama. Hindi niya matanggap ang katotohanan na ito ang bumaboy sa babaeng minamahal niya. Nakatingin lang sa kanya si Zoey na nanginginig sa takot . Panay pa rin ang hikbi nito. Takot ito sa maaari niyang gawin. “K-kung anuman ang binabalak mo Gavin, huwag mo nang gawin,” pakiusap nito na halos mabul

