Malakas ang buhos ng ulan at nagngangalit ang kulog at kidlat ng gabing iyon. Nagising siya sa malakas na sigaw ni Don Guillermo mula sa itaas. Galit na galit ito. “You bastard!” malakas na kalabog ang narinig niya matapos iyon. Bigla siyang nag-alala sa asawa nitong hindi na niya nalaman ang pangalan mula’t sapul pa na tumira siya roon. Bawal siyang magtanong kahit na kanino at hindi rin naman iyon nababanggit ng don. Lalong hindi naman din ito nagpakilala noong araw na pinatakas siya nito. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto at umakyat sa second floor kung saan naroon ang mga ito. Kitang-kita niyang sinasakal ni Don Guillermo ang asawa. Nakaangat ito sa ere habang nakasandal sa pader. Namumula na ang mukha nito at hirap na itong huminga. Bahagyang nakalawit na ang dil

