“Nice to see you back, son,” bati ng kanyang ama nang makarating si Gavin sa opisina nito. “Marunong akong tumupad sa pangako,” malamig ang tono na sabi niya. Naupo siya sa silya na nasa tapat ng desk nito. “What is my first mission?” Ngumiti naman ang kanyang ama saka may kinuha itong isang attaché case at binuksan sa harapan niya. Naglalaman iyon ng mga malaking halaga ng pera. “Here’s the money. You will pay Mr. Chen for the illegal drugs that he will hand to you. That was 5 kilos of shabu.” Naningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang attaché case na may lamang pera. “Gagawin mo akong front para sa illegal transaction mo?” “Yes, may reklamo ka ba doon?” “Wala akong alam sa mga ganito,” sabi pa niya. “Don’t worry son, Leo will assist you. He will teach you every thing t

