Nagmamaktol si Zoey na bumalik sa kama. Wala pang lalaking tumatanggi sa katawan niya. Si Gavin pa lamang ang gumawa niyon sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa tuwing inaakit niya ito ay hindi ito bumibigay kahit pa nga inaamin naman nito na may pagtingin ito sa kanya. “Wala bang epekto sa kanya ang alindog ko? Maganda naman ako at sexy. Hindi niya man lang ba gustong tikman ang katawan ko. Tsk! Bahala siya! Kawalan niya, hindi sa akin!” inis na sa sabi niya sa sarili sabay cross arm. Sinimaan niya ng tingin si Gavin at nakasimangot na humiga patalikod. Lumapit naman si Gavin at kinalabit siya. Inis naman niyang tinabig ang kamay nito. Inulit pa nito ang ginawang pagkalabit sa balikat niya pero hindi niya ito pinansin. “Galit ka ba?” tanong pa nito sa kanya. “Obvious ba?” parang ba

