Nagising siya sa malambot na kama at malamig na hangin buhat sa aircon. Saglit na kumunot ang kanyang noo at nag-isip. Saka lamang niya naalala na nasa ibang bahay na siya at nasa kuwarto siya ngayon na inilaan ni Gavin para sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang mukha ng binata. Bumangon siya at lumapit sa may bintana. Binuksan niya ang kurtina. Saka lamang niya napansin na hindi pala iyon bintana kundi terrace. Binuksan niya ang sliding glass door at humawak sa handle ng terrace. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Ninamnam niya ang sariwang hangin na dumampi sa kanyang pisngi. Masarap iyon sa kanyang pakiramdam. Idinilat niya ang kanyang mga mata at iginala niya ang paningin sa paligid. Nahagip ng mata niya si Gavin na nakaupo sa silya na nasa hardin at may

