Malalaki ang mga hakbang na tinahak nila ang madilim na daan. Walang segundong sinasayang ang bawat bilis ng kanilang ginagawang pagtakbo. Punong-puno ng kaba ang kanilang dibdib ngunit hindi sila nagpatalo sa takot. Mas binilisan pa nila ang kanilang pagtakbo para lamang makatakas sa mga taong humahabol sa kanila. Mahigpit ang kapit niya kay Gavin. Ayaw niyang mahiwalay sa binata kahit na saglit dahil alam niyang ligtas siya sa tabi nito. Poprotektahan siya nito. Hindi rin naman siya nito binibitiwan. Hindi na sila lumilingon habang nakikipaghabulan sa buhay at kamatayan. Kailangan nilang makalayo. Hindi sila puwedeng mahuli ng mga ito. Isang malakas na putok ang bigla na lang pumailanlang sa kalagitnaan ng gabi. Kusang tumigil ang kaniyang mga paa sa pagtakbo. Waring natulos siya sa

