“Nice to meet you, Zoey,” nakangiting bati nito sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang titig nito sa kanya. Malalim at may kahulugan ang mga titig nito. Hindi niya kinakayang tingnan iyon. Muli niya iniyuko ang kanyang ulo at nagsumiksik sa dibdib ni Gavin. Pasimple rin niyang pinisil nang mariin ang kamay ni Gavin na nakahawak sa kanya. Para bang nais na niya itong yayain pauwi. “May problema ba?” bulong sa kanya ni Gavin. “You’re father is so intimidating,” bulong din niya. “Yeah. He has that personality.” Binalingan nito ang ama at sinamaan ng tingin. “I know that my girlfriend was gorgeous but please don’t look at her like you want to strip her clothes.” Tumawa naman ito. “Oh, I’m sorry. I thought she’s the girl I met long time ago.” Lalo namang nanginig ang kamay ni Zoey. Ala

