Idinilat ni Zoey ang kanyang mga mata. Pinunasan pa niya ang konting laway na tumulo sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay napahaba ang kanyang tulog. Napansin niyang nakatigil na ang sasakyan ni Mang Damian sa isang squatter’s area at kung hindi siya nagkakamali, nasa Tondo sila. Bumangon siya at inikot niya ang paningin sa paligid. Napansin niya ang maraming tao na may kanya-kanyang kumpulan. Mga batang naglalaro at naghahabulan sa daan. Mga nanay na nagti-tsismisan habang naglalaro ng bingo at mga kalalakihang malalakas din magkuwentuhan habang nag-iinom ng alak. Katanghaliang-tapat pero ganoon ang kanilang ginagawa. Nailing na lamang siya. Bumukas ang kotse at sumilip mula roon si Mang Damian. “Gising ka na pala, hija. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod na pagod ka,” nakangi

