Cassey's POV Kinabahan ako bigla nang malaman kong isa siyang Parician. Naalala ko noong unang beses akong makarating dito sa mundo nila. Kung paanong hinigit ako patago no'ng estrangherong lalaki na tinawag na Decker ni Phae. Yung balisang itsura ni Phae noon. Isa lang ang naiisip ko...delikado ang buhay namin ngayon ni Denver sa lalaking ito. "T-Teka lang ah? Alam mo kasi naguguluhan ako eh. H-Hindi ko maintindihan ang nangyayari." Napatingin ako sa nagsalitang si Denver. "Anong Parician? Anong Parcean? Ano bang klaseng nilalang ka? Anong bang klaseng lugar 'to?" "Paumanhin pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang tungkol sa mundo namin." Sagot ni Hebrews. "Delikado para sa Parcean at delikado rin para sa inyo." Napahawak naman sa ulo niya si Denver. "This is insane. Am I just dream

