Chapter 1: Cruel Reality

2206 Words
Cassey's POV Namangha ako habang inililibot ko ang aking paningin sa lugar na napuntahan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito. Basta ang alam ko lang, nagising na lang akong na'ndito na ako sa mahiwagang mundong ito. "Ang ganda." Bulong ko habang nakatingin sa mga punong mistulang may mga christmas lights dahil sa mga ilaw na kumikinang sa mga dahon nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong puno. May sarili itong mga ilaw na tila mga bunga nito. Mali, mga bunga nga ito ng puno. Kumikinang din ang katawan nito na lalo pang nakapagpaganda rito. Inilibot ko pa ang paningin ko. May mga taong may pakpak na animo'y isang paru-paro sa isang maganda at malawak na hardin at masaya silang lumilipad. Napaisip ako, mga tao nga ba sila? May mga dwende rin na nagtatrabaho. Kung titignan, mukha silang nagmimina. Hindi mawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Mukhang gusto nila ang kanilang ginagawa. Bumalik ako sa reyalidad nang buhusan ako ng tubig at pagkatapos ay harina nina Claire. "Ayan, dapat 'yan sa'yo! Hahaha. Poor b*tch." Maarteng usal ni Claire. Naririnig ko ang mga tawanan sa paligid. Tawanan ng dalawa niyang kasama na sina Keira at Beatrice. Tawanan ng mga studyante sa paligid. Nakalupagi ako sa sahig habang ibinubuhos nila sa'kin ang isang harina. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang lahat ng 'yon. Ang lahat ng pang-iinsulto nila sa'kin. Ang lahat ng mga ginagawa nila sa'kin. Umupo sa harapan ko si Claire at hinawakan ang baba ko para magtama ang mga mata namin. "Look at you, you look so totally dumb." Patulak niyang binitawan ang baba ko. "Such a disgusting creature with no value." Tumawa siya bago tumayo at iniwan ako. Unti-unting nawala na rin ang mga studyanteng nasa paligid. Naiwan akong nakalupagi pa rin sa sahig. Naikuyom ko ang mga kamay kong nakalapat sa sahig na punung-puno ng harina. Araw-araw ganito ang eksena. Ganito ang buhay ko. Isang patapon at walang kwentang buhay. Para sa lahat, isa lang akong walang kwentang tao. Walang nagmamahal, walang nagmamalasakit. Wala, kahit pa sarili ko. Minsan iniisip ko, ano pa bang purpose ko sa mundo? Bakit kailangan ko pang mabuhay kung wala rin naman akong kwenta? Araw-araw yung ipinapamukha sa'kin ng mga taong nakapaligid sa'kin. Na wala akong kwenta. Na wala akong karapatang mabuhay sa mundo nila. Na wala akong halaga. Kaya bakit pa? Bakit pa ako binuhay ng Diyos para lang maranasan ang mga bagay na 'to? Masama ba akong tao no'ng past life ko para iparanas sa'kin 'to? Kumawala ang isang luha galing sa mga mata kong palagi na lang umiiyak. "Walang kang halaga, Cassey." Bulong ko sa sarili ko. "Wala kang kwenta." "Need help?" Napatingala ako sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa'kin. Iniabot niya ang kamay niya sa'kin pero tinignan ko lang 'yon. Kapag inabot ko 'yan, paniguradong mapapasama na naman ako lalo kay Claire. Mas lalo niya akong pag-iinitan. Nakatayo sa harapan ko ngayon at nag-aabot ng kamay niya sa'kin ay ang nag-iisang si Denver Montes. Sikat siya dahil nagbabanda siya, siya ang vocalist ng bandang DeadLand. Kinahuhumalingan siya ng mga kababaihan dito sa school namin at isa na ro'n si Claire. "K-Kaya kong tumayo." Tugon ko. Nagulat ako nang sapilitan niyang kinuha ang kamay ko at hinigit patayo. Nanlaki ang mga mata ko dahil nagkadikit ang mga katawan namin sa pagtayo ko at dahil na rin sa konting distansya naming dalawa. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mabilis na lumayo sa kaniya. Naiilang ako at hindi makatingin sa mga mata niya. Muli akong nagulat nang kunin niya muli ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang panyo niya. "Clean yourself." Aniya at pagkasabi niya no'n ay nilagpasan na niya ako. Naiwan akong nakatingin sa panyong nasa kamay ko bago muling tinignan ang papalayong si Denver. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing binubully ako, palagi siyang dumadating para tulungan ako. Hindi niya ako as in tinutulungan, dahil hindi naman niya ako pinagtatanggol sa mga nambubully sa'kin. Tinutulungan niya lang ako kagaya ng ginawa niya kanina. Hindi ko alam, pero sa tingin ko dahil do'n kaya mas lalo nila akong pinag-iinitan, lalo na ng grupo nina Claire. Pinulot ko ang bag ko na nasa sahig saka nagpasyang magpunta ng locker room. Binuksan ko ang locker ko at bumungad sa'kin ang mga notebooks at libro ko na punit-punit na ang mga pahina. Pati na rin ang uniform ko na nakalagay roon ay puro sulat na. Puro sulat din ang loob ng locker ko. B*tch! Such a loser! HAHAHA! Bagay lang sa'yo 'yan! Stupid!!! You have no value! Such a stupid girl! Ilan lang 'yan sa mga nakalagay ro'n. Napabuntong hininga na lang ako. Sanay na ako sa ganito kaya nagdadala na ako ng extra uniform sa bag ko. Dumiretso na ako ng shower room para maligo at magpalit. Umupo ako sa sahig noon at niyakap ang hubad kong katawan. Hinayaan kong pumatak ang tubig sa katawan ko galing sa shower. Kumawala na naman ang mga luha sa aking mga mata at sumama ito sa tubig na bumabalot sa aking katawan. Hanggang kailan ko ba 'to mararanasan? Tumingala ako at pumikit habang dinadama ang bawat buhos ng tubig sa aking mukha. At habang walang humpay ang pagtulo ng mga luha kong parang hindi nauubos sa kakaiyak. Inalala ko ang lugar na palagi kong napapanaginipan. Kahit paano ay napangiti ako sa alaalang 'yon. Hindi ko alam kung bakit ko napapanaginipan lagi ang lugar na 'yon. Kahit na panaginip lang 'yon, pakiramdam ko totoong-totoo 'yon. Minsan naisip ko na sana hindi na lang ako magising. Pakiramdam ko kasi mas nabibilang ako sa mundong 'yon kesa sa sarili kong mundo. "Sana totoo na lang ang lugar na 'yon." Bulong ko. I just want to escape reality. I just want to escape this cruel world full of cruel people. "Is dreaming is the only way to escape this cruel life?" Pumatak muli ang isang luha galing sa aking mata. Tinapos ko na ang aking paliligo. Nagbihis na rin ako at lumabas ako ng shower room na maayos na ulit ang itsura ko. Nagpasya akong magpunta muna ng library upang makapagbasa ng mga interesting books. Lingid sa kaalaman ng iba, hilig ko talagang magbasa ng mga libro. Mga librong about sa mga fantasies. Kaya rin siguro napapanaginipan ko ang mahiwaga at magandang lugar na 'yon. Naghanap ako ng libro na pwede kong basahin. Napangiti ako ng makanap ako agad. Tungkol ito sa isang kastilyo na may nawawalang prinsesa. Sumandal ako sa isang book shelf at sinubukan ko itong basahin. Hindi pa man ako nakakapagsimula sa pagbabasa ay may kung anong kakaibang tunog na akong narinig mula sa kabilang book shelf. Sinarado ko yung librong hawak ko at ibinalik iyon sa lagayan niya. Dahan-dahan akong sumilip sa isang book shelf na nasa harapan ko kung saan nanggagaling yung kakaibang tunog na hindi ko maipaliwanag. Pero bago pa man ako makasilip ay nagulat ako nang may biglang humawak ng balikat ko. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba may klase pa kayo?" Nakataas ang kilay na tanong sa'kin ng aming Chief Librarian. Yumuko ako. "S-Sorry po." Nagmadali na akong umalis dahil baka lalo pa akong mapagalitan. Habang naglalakad ako papuntang classroom ko ay iniisip ko pa rin kung ano yung tunog na narinig ko kanina. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon. Yung tunog niya parang...parang tunog ng isang— Napatawa ako sa iniisip ko. "Baliw ka na, Cassey. Kakabasa mo %yan ng mga libro eh." "HOY! BUMALIK KA RITO!" Nabigla ako at agad na napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang sigaw na 'yon galing sa Chief Librarian namin. Pero bago pa man ako makalingon ng tuluyan ay nadanggil ako ng isang lalaking kumakaripas ng takbo na sa tingin ko ay siyang sinigawan ng Chief Librarian namin. Nagulat ako sa kaniya kaya nawalan ako ng balanse pero bago pa man ako tuluyang matumba ay nakapitan niya ako sa bewang ko at hinapit para hindi ako matumba. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya. Nakatitig lang din siya sa'kin. Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko habang ganito ang tayo namin. Hindi ko rin maintindihan dahil habang nakatingin ako sa mga mata niya ay pakiramdam ko, nahihipnotize ako. "HOY! SINO KA, HA!?" Doon lang kami parang bumalik sa reyalidad. Agad niya akong itinayo ng maayos at mabilis na tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin habang hinahabol din siya ni Mrs. Lopez. Hindi siya mukhang nag-aaral dito dahil hindi naman siya naka-uniform. Base na rin sa reaksyon sa kaniya ni Mrs. Lopez. Hindi ko rin alam kung paano siya nakapasok sa school namin gayong mahigpit ang security rito dahil isa 'tong exclusive school. Hindi basta-basta nakakapasok ang mga outsiders sa school namin. Winaksi ko na 'yon sa isipan ko at nagpasya na akong magpunta sa classroom ko. Fourth year highschool na ako kaya konti na lang at gagraduate na ako at makakaalis na ako sa impyernong school na 'to. Natapos ang klase ko na gano'n pa rin ang pakikitungo ng mga kaklse ko sa'kin. Mukhang hindi na naman yata magbabago 'yon. Tahimik akong nag-aabang ng masasakyan ko sa labas ng school namin nang biglang may tumigil na kotse sa harapan ko. Bumaba ang bintana nito at bumungad sa'kin ang mga mapang-asar na ngiti nina Claire kasama sina Keira at Beatrice. "Oh, look what I have found, girls." Maarteng usal ni Claire sa mga ito. "An ugly loser. Hahaha!" Nagsitawanan din ang dalawa pa niyang kasama. "BYE LOSER!" Sabay na sigaw nina Keira at Beatrice habang natawa. Pinaandar na ni Claire ang kotse niya. Nagulat ako nang tumalsik sa'kin ang sanaw ng tubig nadaanan ng sasakyan niya. Lumingon pa sa'kin si Claire ng may mapang-asar na ngiti. "Oops, sorry!" Sigaw niya saka tuluyan nang umalis. Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga na lang. Palagi namang gan'to. Palagi akong walang ginagawa at hinahayaan silang insultuhin ako at kung ano pa mang gusto nilang gawin sa'kin. Nabigla ako nang may biglang maglagay ng jacket sa balikat ko. Pumunta siya sa harapan ko at saka isinuot sa'kin ang hood ng jacket. "Bakit ba palagi mo na lang hinahayaang gantuhin ka nila?" Tanong sa'kin ni Denver. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ano bang dapat kong isagot? Kahit nga ako hindi ko masagot ang tanong na 'yon. "Hindi ka ba marunong lumaban?" Muli niyang tanong sa'kin. Napatigil ako sa tanong niya. Mas lalong hindi ko ngayon masagot ang tanong niya. Mahina kasi ako. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Tumigil ang isang bus sa harapan namin. Naglakad ako papunta sa pintuan no'n pero bago ako sumakay ay nilingon ko muli siya. "Mahina ako. Hindi ko kaya." Sagot ko saka sumakay na ng bus. Nakatingin pa rin siya sa'kin habang palayo na ang bus na sinasakyan ko hanggang sa hindi ko na siya makita. Noon ko lang din napansin na hindi ko pala naibalik yung jacket niya. Nang makarating ako ng bahay ay tahimik akong pumasok sa loob. Nadatnan kong nanonood ng TV sa salas namin sina Auntie Anna at Uncle Lenard. Sila ang kumupkop sa akin nang mamatay si Mama. Si Auntie ang panganay na kapatid ni Mama at si Uncle Lenard naman ang asawa nito. Nagmano ako sa kanilang dalawa. "Mabuti naman at na'ndito ka na. Magluto ka na dahil kanina pa kami gutom ng Uncle Lenard mo." Sabi ni Auntie na nakatutok pa rin ang mga mata sa TV. "Bilisan mo at kanina pa ako gutom!" Sigaw naman ni Uncle. "O-Opo." Tugon ko. Ibinaba ko muna ang bag ko at hinubad ang jacket na suot ko saka nagsuot ng apron at ipinuyod ang buhok ko. Naghanap ako ng pwede kong lutuin sa ref pero dalawang itlog lang ang nakita ko. Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi 'yon ang lutuin. Habang niluluto ko 'yon ay nagsaing na rin ako sa rice cooker. Matapos kong maluto ang lahat ay naghain na ako sa lamesa saka sila tinawag para kumain. "Itlog!? Bakit ito lang ang ulam!?" Sigaw sa'kin ni Uncle. "A-Ayan lang po kasi yung nasa ref." Nakayuko kong sagot. "Hindi ka kasi namamalengke. Puro ka kasi pagbubulakbol!" Sabad naman ni Auntie saka umupo sa upuan. Padabog na umupo rin si Uncle sa upuan. "Puro lang naman gastos 'yang pag-aaral na 'yan! Saka hindi ka naman nag-aaral, mukhang nakikipaglandian ka lang naman do'n!" Aniya. Hindi na lang ako umimik at umalis na lang. "Hoy! Bukas pagkaawas mo, labhan mo na ang mga damit. Naiipon na naman, wala na kaming maisuot ng Uncle mo." "Opo." Kinuha ko ang bag ko at yung jacket saka dumiretso ng kwarto ko. Isa na namang buntong hininga ang pinakawalan ko. Nagbihis na ako saka pabagsak na nahiga sa kama ko. Hinawakan ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ko. Ito ang kaisa-isang alaala ni Mama sa'kin. Ibinigay niya ito bago siya mawala. Hugis puso ito na kapag binuksan mo ay may picture naming dalawa. Ang disenyo nito ay diamond kaya itinatago ko 'to sa loob ng damit ko dahil baka makita nina Auntie at pag-interesan. Muli na namang tumulo ang aking taksil na mga luha. "Sana totoo na lang talaga ang mahiwagang lugar na 'yon." I wanted to escape the cruel reality of life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD