Cassey's POV "Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sumama sa inyo. This is kidnapping." Sambit ni Denver saka tumingin kay Decker habang naglalakad kami. Papunta kami ngayon sa sementeryo dahil doon mas ligtas buksan ang libro matapos ko yung kunin sa bahay. "Saka, sino ba 'tong lalaking 'to? Cassey, sumasama ka sa kung sinu-sinong lalaki? Baka mamaya kung anong gawin sa'yo nito." Matapos akong makapagdesisyon na muling sumama kay Decker pabalik ng Parcean ay bumalik kami sa school para hanapin si Denver at isama rin pabalik. "Nawalan ka lang ng alaala pero lumala yata lalo 'yang bibig mo." Malamig na sabi naman ni Decker na diretso lang ang tingin sa daan. "Anong sabi mo!?" Mabilis ko namang pinigilan si Denver sa tangkang pagsugod niya kay Decker. "Denver, magtiwala ka na lang sa

