(Authors Note: This scene is just a flashback before the scene on Chapter 13) Phae's POV "Alam mong kahit anong gawin natin, mangyayari pa rin ang propesiya at wala na tayong magagawa ro'n, Decker." Seryoso kong sambit. Nang maibalik ni Velchor sina Cassey at Denver sa mundo ng mga tao ay kinausap kami ni Velchor kaya naman nandito kami ngayon sa tanggapan niya para mag-usap. Tumingin si Velchor sa seryosong si Decker. "Tama si Phae. Hindi niyo mapipigilan kung ano ang nakatakdang mangyari. Kailangan niyong gawin ang tungkulin niyo. Kailangan mong gawin 'yon, Decker. Hindi mo 'yon matatakasan." "Paano kung tama si Decker?" Napatingin kami sa nagsalitang si Aeify na kanina pa rin tahimik. "Paano kung may iba pang paraan para maibalik sa dati ang Parcean, para mailigtas ang lahat ng nil

