Chapter 1

2601 Words
Where it all started… Sa‘n nga ba nagsimula ang lahat ng ‘to? Simula nang makasal kami ay hindi pa rin naman nababago ang pakikitungo niya sa ‘kin. Tinuring niya pa rin ako bilang isang kaibigan o baka ang tingin niya pa rin sa ‘kin ay isang kapatid. Sinusubukan ko ang lahat para mapa-ibig ko siya sa ‘kin. Nararamdaman ko namang mahal niya rin ako pero, hindi niya pa rin ako ginagalaw. Kasal na kami, eh. Mahal niya ‘ko at Mahal ko siya— sabi niya. Hindi pa rin ako panatag na sinasabi niya lang ‘yon, dahil hindi niya pa rin ako kayang makipag-talik sa ‘kin. Gusto ko nang magka-anak nalulungkot ako araw-araw kapag wala siya rito at nasa trabaho. Lagi niya ‘kong tinatawag kapag may bakante siya oras. Hindi siya nagkulang sa pag-alaga at pagpaparamdam sa ‘kin na mahal niya ‘ko. Lagi ko siyang inaayang mangyari ang kagustuhan ng magulang niya— ang magka-anak kami. Nakaupo ako ngayon sa Veranda ng Penthouse niya. Nakatanaw sa paborito kong tanawin. Habang inaabala ko ang sarili ko sa balintataw. Hanggang ngayon ay pinapagawa niya pa rin ang bahay na para sa ‘min. Alam kong hindi ako ang nauna sa puso niya, pero pinipilit ko pa rin. Ako ‘yong nandiyan no’ng araw na nasaktan siya. Pinasaya at minahal nang walang kahit anong kapalit. Ang sakit-sakit lang sa parte ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pala mapalitan ang taong nasa puso niya. Umaasa ako na balang araw, ako naman ang uukupa ng bakante sa puso niya. Na ako lang ang nasa puso niya at wala akong kahati. Nasaksihan ko lahat ng nangyari sa kaniya, mula pagkabata hanggang sa maabot niya ang pinapangarap niya. Ako ‘yong nando’n sa kaniya nang kailangang-kailangan niya ng tulong. Saksi ako sa pinagdaanan niyang hirap at sakit. Sumisimsim ako ng tsaa nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, pumihit niya ang seradura at ngumiti sa ‘kin nang malawak. Lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako dala ang masayang balita. “Nakuha ko ‘yong deal, love. Akala ko ma-di-dissapoint na naman sa ‘kin ‘yong parents ko, mas mapalalawak ng deal na ‘yon ‘yong company. Magiging abala na naman ako. Okay lang ba ‘yon sa ‘yo?” I smiled at him faintly. I hugged him back and kissed him. Pero hindi pa lumalapat ang labi sa kaniya nang tumunog ang cellphone niya. “Hello, Ma? Okay na ma. Na-close ko ‘yong deal,” sinenyasan niya ‘kong babalik siya rito kaya‘t tinanguan ko siya. When he’s now gone on my sight. I read books all about babies. Nakangiti ako habang hinahaplos ang mga litrato ng sanggol sa librong binabasa. Habang nagbabasa ako ay napatawag ang mommy ko. “Hello, Ma? Ano na pong nangyayari riyan? Okay lang po ba si Bunso?” I said as I answered his call. “Okay lang ‘nak. Ikaw? Kumusta ka? Ang galing ng asawa mo kanina sa meeting anak. Hindi ka nagkamali sa piniling asawa,” mabuti naman kung gano‘n. Natutuwa talaga ako sa achievements ng asawa ko. Sa mga papuri sa kaniya, sa lahat. “Gano’n ba, Ma? Nasabi nga ni Justin na na-close niya ang deal kanina. Napakagaling talaga ng asawa ko. Matalino na at madiskarte pa.” “Totoo anak…” nagpatuloy ang pakikipag-usap niya sa ‘kin ng kung ano-anong bagay. Mula a mga socialites niya at sa magagandang bagay tungkol sa kapatid ko at sa aking ama. Tunay ngang masaya sila, samantalang ako ay lugmok dito at gumagawa ng paraan upang May mangyari sa ‘min ng asawa ko. Napuno ng pait ang sistema ko. Masaya na sila, ako hanggang ngayon ay naghihirap at nalulungkot. Mahal niya ko ‘di ba? Gusto ko nang magka-anak. Bakit hindi niya maibigay ito sa ‘kin? Nababaliw na ‘ko kakaisip sa mga bagay na alam kong balang-araw ay magagawa rin naman namin. Mag-ga-gabi na at nakaharap pa rin sa laptop niya ang asawa ko. Gusto ko siyang ayaing matulog na, at ayain siya ng kung anong bagay. I quit looking at him and turned off my lampshade. Itutulog ko na lang siguro ito. NAALIMPUNGATAN ako ng may tumabi sa tabi ko. He hugged me tight from my back and kissed my nape. Ito na ba ang araw na May mangyayari sa ‘min? Umaasa akong may mangyayari sa ‘min, pero ‘yon na lang ang dismaya ko nang patulugin niya na ‘ko. “Let’s sleep, may pupuntahan tayo bukas,” I looked at his side and kissed him aggressively. He answered my kisses back without hesitation. I tried to touch him, but he stopped my hand and glared at me. “H’wag ngayon, please? Pagod ako.” Ito na lang lagi ang palusot niya sa ‘kin kapag gusto kong may mangyari sa ‘min. I nodded at him as disappointment is written all over my face. Pero, hindi niya makikita ‘yon dahil sa dilim na umuukupa sa k’warto namin. I tried to sleep back, and luckily nakatulog naman nang walang kahirap-hirap. NAGISING ako ng alarm ko hudyat na kailangan ko nang maghanda para sa date namin ngayon. I took a bathe and wore my best dress for today. Ito ang pangalawang beses na aayain niya ‘ko ng date, matapos ang ilang buwan. Hindi niya na ‘ko inaayang lumabas matapos ang kasal namin. Sa totoo lang, pinilit lang talaga siya ng magulang niya para mangyari ang first date namin. Laking tuwa ko pa nang pumayag siyang makipag-date sa ‘kin. Kaya’t para ‘kong isang batang excited sa kaniyang Birthday no’ng araw na ‘yon. Lumabas ako ng k’warto namin na nakasuot ng isang eleganteng kasuotan. I walked down the stairs as he stared at me lovingly. He smiled at me and offered his hand. I took it his hand and smiled sweetly. Magkahawak-kamay kaming bumaba sa building ng Penthouse. Nasa parking na kami nang tumunog ang cellphone niya hudyat na iiwan niya na naman ako at hindi matutuloy ang date namin. “Hello?— Yes, yes. Parating na ‘ko riyan. Pahintay na lang ako,” he looked at me with disappointment written on his face. “Sorry love, hindi na naman matutuloy ang date natin. May emergency sa company, eh. Okay lang ba na ituloy na lang natin ‘to sa ibang pagkakataon?” I smiled assuring him that it’s okay, even though it’s not. Ang sakit-sakit lang dahil hindi niya ‘ko kayang ipagpalit sa trabaho niya. Minsan gusto ko na lang na maging ibon kami para maging malaya kami sa lahat ng ito. Ako hang humuhuni ng isang awitin kasabay siyang umaawit sa puno ng narra kung saan gumawa kami ng pugad na maituturing naming tahanan. Ako habang nakabantay sa mga itlog namin kung saan naroon ang mga anak namin. At siya habang naghahanap ng makakain. He drove his car away from the Penthouse, leaving me there while looking at him with dismay. Hindi ko talaga maramdaman ang pagmamahal niya. Ngumiti ako nang mapait bago ako bumalik sa elevator. I dialled my BestFriend Tiffany to ask him to go out. Gusto kong mag-pa-spa at magpasalon. Gusto kong i-relax ang sarili ko para naman ma-divert ang sarili ko paalis sa mga masasakit na iniisip ko. Gusto kong ipakita kay Justin kung gaano ako kahalaga at kamahal-mahal. Gusto kong malaman niya na mas maganda ako sa ex niya. I changed my clothe and my sandals. I wore a choker and a tight off-shoulder para ma-depina ang katawan ko. I wore my favorite sandal kung sakali mang mag-aya si Tiffany na mag-bar kami. NANG makarating sa Mall ay hinintay ko siya sa parking. Tinawagan ko siya kung nasaan na siya at kung bakit ang tagal niya. Sanay na rin naman ako sa kaibigan kong ito. Kung ga‘no siya kabagal sa galaan. Nang sa wakas ay nakita ko siya ay kumaway-kaway ako sa kaniya upang malaman niya kung nasaang p‘westo ako. She run towards me and hugged me tight. She kissed me like a maarteng spoiled-brat ng isang mayamang negosyante. Hays, hindi ko nga alam kung pa‘no ko naging kaibigan ‘to eh. Basta ang naaalala ko lang ay dahil ‘yon sa natapong juice. “Hey! Ano ba! ‘Yong juice ko oh! Natapon na, gosh. Look, if you don’t want me to sampal you ay bilhan mo ‘ko ng two ng ganitong juice,” she eyed me from head to toe and while lowering her sunglasses. Nasa school kami pero ang get up ng isang ‘to ay akala mo nasa run-away fashion show. I cringed on that thought and decided to buy her two. “Here po, Señorita,” I put the tray and wait for her to look at me. I waited there like a Maid! Sa ganda kong ‘to pinaghihintay niya ‘ko? Huh! “Oh, thank you, my Maid. You can go na,” he sho’ed me there that made my blood boiled. “Aba’t. Hoy! Kung maka-asta ka akala mo isa kang reyna diyan, ah! Ako ang reyna ng school na ‘to. Naiintindihan mo?” but the best didn’t mind my rants so I tried to stop her from drinking her juice. Agad kong kinuha ‘yon kasama na ang dalawa niyang bread. “You! Why did you kuha my tinapay, huh?!” she stood up while holding her waist. An epitome of maldita and maarte is now at my front. “Kasalanan mo rin naman kaya natapon ang juice mo, eh. Tapos no’ng binigyan kita. Hindi ka man lang nagpasalamat? Ang kapal mo, ah!” so I did what she did. Nilagay ko rin sa bewang ang kamay ko at umarte nang katulad niya. Nagbago ang mood niya at ngumiti nang nakaloloko. “Anong nginingiti-ngiti mo?” “You, I like you,” she smiled and drag me out of there. Dinala niya ko sa mall at bibili raw kami ng skin care niya. Hindi ko naman siya kaibigan pero hinila niya ako kung saan. First day ng klase pero wala nag-ditch agad ako. Oh, my! Baka pagalitan ako ni Daddy. “Ibalik mo ko roon, hindi kita kilala ano ba!” but her stature remained there checking for lipstick. Hindi ako mahilig mag lipstick kaya‘t hinintay ko lang siya roon. Natural nang mapula ang labi ko kaya‘t hindi ko kailangan ng ganito. Gusto ko ng natural beauty kaya’t hindi ako bumibili ng ganito. She offered me a nude red lipstick na tinanggihan ko. She looked at me with a dark expression. “Tanggapin mo! Tingnan mo sarili mo, kailangan mo ‘to para ‘yong beauty mo girl mas lumabas,” pero hindi ko pa rin ito tinanggap kahit anong pilit niya. Isa pa hindi ko siya kilala kaya‘t bakit ko tatanggapin ‘yan? MATAPOS niyang bumili ng skin care at cosmetics niya ay dumiretso na kami sa kotse niya. Dinala kami ng driver niya pabalik ng school na ikinatuwa ko. “H’wago na ‘kong isama sa mga ganito mo, ah! Hindi kita kilala pero kung maka-asta ka parang kilalang-kilala mo ‘ko,” she rolled her eyes at nag-inarte. She even have the guts to look at her nails. “Look, I’m Tiffany. Bestfriend mo na ‘ko ngayon. Walang pero-pero. Tayo lang ang maganda sa school na ‘to kaya‘t kailangan nating magsama. God, ang papangit ng mga tao riyan. Ikaw lang nagustuhan ko kaya’t sasama ka sa’kin araw-araw,” I rolled my eyes and left her there. “Hoy! Bestfriend, tommorow okay! Gagala tayo!” I smiled happily as I reminisce that nostalgic memories. Dumiretso kami sa isang boutique na malapit at hinintay siyang makapili ng gamit. And as usual natagalan na naman kami dahil sa kaniya. Pero, habang naghahanap kami ng magandang damit ay kinukumusta niya ‘ko. “Are you okay, Sis? May problem na naman ba kayo ng Husband mo? I know you, girl. Wala kang matatago sa ‘kin,” I sighed deeply as I’m holding my tears. Nagbabadya ang mga luha ko, nakita niya ito at niyakap niya ‘ko. “Okay lang ‘yan, Ana. Malalampasan mo rin ‘yan. You’re pretty, hindi mo kailangan ng lalaki. Look at me, still young and free.” “Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi ka pa naman na-i-inlove. Ang sakit lang kasi na mas mahal niya pa rin ‘yong babaeng ‘yon. Ako ‘yong nandiyan sa kaniya no’ng kailangan niya ‘yong babaeng ‘yon, eh. Lagi ko siyang pinipilit na magkaroon ng anak sa ‘kin, pero. Wala talaga eh,” I lean my head on her as tears flooded my eye. Hindi niya pinansin ‘yong mga luha ko sa damit niya. Nababasa ko ang damit niya kaya’t nag-alala ako. Kilala ko ‘to, eh. “Sorry, nabasa ko tuloy ‘yong damit mo. Hindi ko lang talaga mapigilan ‘yong luha ko, Sis.” “Sshh, okay lang. Alam mo namang mahal kita, right? Ako makakalaban ng asawa mo kapag May nangyari sa ‘yo. Ako advice ko lang, ah. ‘H’wag ka nang magpaka-martyr, Sis. Ewan mo na ‘yan,’ ako ang naiiyak sa ‘yo eh,” inalo niya ‘ko pero ang mata niya ay nakatuon sa damit na may magagandang fur. “Sige, na. Kunin mo na,” napatawa siya sa sinabi ko kaya’t napangiti ako. Siya na lang talaga palagi ang nandiyan. Kaya’t mahal na mahal ko ‘tong babaeng ‘to, eh. Nang mabayaran niya ang pinamili niya at nabayaran ko na rin ang akin ay, dumiretso na kami sa Spa and Salon. Kilala na kami ng may-ari nito dahil kay Tiffany. She’s a social butterfly, kaya’t lahat ng kaibigan niya ay kilala rin ako. Hindi naman na ako nag-inarte pa dahil isa rin naman akong social butterfly. No doubt kung bakit kami naging magkaibigan. Lahat ng social gatherings na kasama siya ay sinasama niya ‘ ko. Kasi gano‘n daw ang bonding. Kaya‘t para makabawi. Sinasama ko rin siya sa mga social gatherings na meron ako, kahit na kasama ko ang asawa ko. Para na kaming magkapatid ni Tiffany. Walang makapag-hihiwalay sa ‘ming dalawa. “Madam! Long time no see! Ano ang ipapaayos niyo ngayon? O, didiretso muna kayo sa Spa bago rito?” bati sa ‘min ng baklang kaibigan pagkapasok namin ng Salon and Spa. Napangiti ako sa kaibigan kaya’t niyakap ko ito at nakipag-beso. “Bakla! Long time no see rin. Later na lang kami here, Spa muna kami para makapag-relax naman ‘tong bebeluvs natin,” hiyaw ni Tiffany at bineso rin sa kaibigan. “Sige mga bakla, umawra na kayo sa lonsa namin. Babush, hintayin ko kayo here,” we waved goodbye at him and smiled. Ito ang gusto ko sa Salon and Spa ng kaibigan. Mababait na staff. Makapag-re-relax ako nang maayos dito. Mabuti naman at makapagpapahinga ako rito nang maayos. Dumiretso kami sa Spa ni Tiffany at nagpamasahe. Swedish Massage ang kinuha ko at natuwa naman ako dahilan ang galing ng nagmamasahe sa‘kin kaya‘t nakatulog ako agad. Bukas ay panibagong sakit na naman ang mararanasan ko. Kaya ihahanda ko ang sarili ko. Ang kagustuhan kong magka-anak ay isasantabi ko muna. Para sa ‘ming dalawa ni Justin. Gagawa ako ng masasayang bagay kasama siya. Pangako ko ‘yan. To Be Continued... ?︎?︎?︎?︎?︎?︎ ?︎?︎?︎?︎?︎?︎?︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD