CHAPTER 5

979 Words
Nagtataka si Mellanie habang binabaybay nila ang ang kasagsagan ng Makati. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Mellanie. "Sa bahay ko." sagot ni Zackeus.. "Sa bahay mo? Bakit may opisina rin ba sa bahay mo?" nagtatakang tanong ni Mellanie. "Pwede bang wag kana maraming tanong. May nakalimutan akong kunin sa bahay kaya kailangan kong kunin." naiinis na turan ni Zackeus. Hindi nalang sumagot si Mellanie dahil umuusok na sa galit ang mukha ni Zackeus. Pagdating nila sa bahay ni Zackeus halos malula si Mellanie dahil napakalaki ng bahay nito. "Maupo ka lang dyan may kukunin lang ako." seryosong sabe ni Zackeus at naupo naman si Mellanie. Hindi naiwasan ni Mellanie na tignan ang picture frame na nasa lamesa. "Ang pogi naman nito. Grabe artista ba to?" sabe ni Mellanie habang hawak hawak ang picture frame. "Bakit mo pinakikialaman yan.... Nagulat si Mellanie ng makita si Zackeus kaya nabitawan nya ang picture frame. "Sorry." hinging paumanhin ni Mellanie saka pinulot ang nabasag na picture frame Pinulot ni Zackeus ang picture at tinignan ng masama si Mellanie. "Sorry na nga." nakayukong sabe ni Mellanie. Nakita naman ni Zackeus na may dugo ang kanang kamay ni Mellanie kaya nawala ang galit nito. "Halika gagamutin ko yang sugat mo." sabe ni Zackeus at kinuha ang first aid kit.. "Hindi na malayo naman to sa bituka. Mas masakit pa nga to sa palo ng nanay ko eh." sabe ni Mellanie at tumaas ang kilay ni Zackeus dahilan para magalit nanaman ito. "Hindi ako ang nanay mo. Akina yang kamay mo kung ayaw mong magalit ako." sabe ni Zackeus. Walang nagawa si Mellanie ng hawakan ni Zackeus ang kamay nito. "Ang gaspang naman ng kamay mo parang di kamay ng babae." sabe ni Zackeus at nainis naman si Mellanie. "Sorry hah hindi kasi ako katulad nyong mayayaman." mataray na sabe ni Mellanie. "Namatay ang kuya ko sa plane crash. Yung nakita mo kapatid ko yun." kwento ni Zackeus at nilagyan ng band aid ang kamay ni Mellanie. Hindi makapaniwala si Mellanie ang poging lalaking nakita nya sa picture ay kapatid pala ng boss nya. "Kaya pala ang pogi nya kasi kapatid mo sya." sabe ni Mellanie at napatingin si Zackeus sa kanya. "Akala ko ba Ms. Mellanie hindi ako pogi sa paningin mo." seryosong sabe ni Zackeus. "May sinabe ba akong pogi ka wala akong sinabe. Pero seryoso condolence hah." saad ni Mellanie. "Wala na sakin yun. Ilang taon na ang lumipas mula ng mamatay sya." sabe ni Zackeus at tinabihan sa sofa si Mellanie. "Ganun ba. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit masungit ka kasi malungkot ang kabataan mo." sabe ni Mellanie. "Hindi malungkot ang kabataan ko." masungit na sabe ni Zackeus at tumawa si Mellanie. "Pero ang swerte nyo sir kasi pinanganak kayong mayaman. Ako kasi pinanganak na mahirap yun bang di ko makuha yung mga bagay na gusto ko." sabe ni Mellanie. "Ano ba yung mga bagay na gusto mo?" tanong ni Zackeus. "Gusto ko magkaroon kami ni nanay ng sariling bahay Yung hindi na kami titira sa squatter kaya lang malabo yun sa sahod ko palang kinakapos na ako." kwento ni Mellanie. Hindi naiwasan ni Zackeus na maawa kay Mellanie. "Tara na sir kailangan ko pang tapusin yung mga pinapagawa mo." saad ni Mellanie. "Hindi na tayo didiretso sa office hahatid na kita sa inyo." seryosong sabe ni Zackeus. "Talaga? Wala kabang sakit hehehe." ngiting sabe ni Mellanie at hindi nalang sumagot si Zackeus. Pagkahatid ni Zackeus kay Mellanie dumiretso sya sa opisina para pirmahan ang dapat pa nyang pirmahan. "Sir mag OOT po ako." sabe ni Paolo ng makita si Zackeus. "Paolo. Alamin mo nga ang background ni Mellanie gusto ko within this week." utos ni Zackeus at nagulat si Paolo. "Bakit sir?" takang tanong ni Paolo. "Anong bakit. Gusto ko lang malaman kung sino ba talaga sya." sagot ni Zackeus. "Yun lang ba talaga sir hehehe." ngiting sabe ni Paolo. "Gusto mo bang hindi ko pirmahan ang OT mo." seryosong sabe ni Zackeus. "Nagbibiro lang sir. Sige po aalamin ko." sabe nalang ni Paolo saka lumabas ng opisina ni Zackeus. _________ SUNDAY... Dahil walang pasok si Mellanie naisipan nyang ipag grocery ang nanay nya. "Anak saan ba tayo pupunta?" tanong nito kay Mellanie. "Sa puregold nay ipag gogrocery kita." ngiting sabe ni Mellanie at natuwa naman ang nanay nya. Ilang buwan na rin mula ng pumasok si Mellanie sa ALTAMERANO at natutuwa sya na tumagal sya trabaho. "Inay sorry hah kung lage kita binibigo pero pangako ko sayo na iaahon kita sa hirap." sabe ni Mellanie. "Ang drama mo anak. Basta wag kana mg reresign alam mo naman mahirap ang buhay." sabe nito at tumango naman si Mellanie. Papalabas na sila ng puregold ng makita ni Mellanie ang boss nyang si Zackeus na naka suot ng shade. Hindi man maamin ni Mellanie sa sarili nya pero napaka gwapo ng boss nya. "Anak bakit?" tanong ng nanay nya. "Kailangan mo ba ng tulong?... Nagulat ang nanay ni Mellanie ng lumapit si Zackeus sa kanila. "Sino ka iho?" tanong nito kay Zackeus. "Ah nay sya po si sir Zackeus ang boss ko." sabe ni Mellanie habang nakatingin kay Zackeus. "Hi I'm Zackeus Altamerano." pakilala ni Zackeus. "Artista kaba iho? Ang gwapo mo." puring sabe ng nanay ni Mellanie. "Sir anong ginagawa nyo rito?" tanong ni Mellanie. "Gusto kong kumain sa turo turo. Tinatawagan kita hindi ka sumasagot." sabe ni Zackeus. "Sir sunday ngayon wala akong pasok." sagot ni Mellanie. "Sunday o Saturday pa yan dapat sasagot ka sa tawag ko. Samahan mo ko kumain." utos nito saka nag lakad. "Kundi ba naman tungaw tong boss ko. Nay pwede bang mag taxi kana lang pauwi ako na magbabayad baka kasi pag hindi ako sumunod baka mawalan ako ng trabaho." sabe ni Mellanie sa nanay nya. "Sige anak ayos lang samahan muna ang boss mo. Mag iingat ka." ngiting sabe ng nanay ni Mellanie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD