Pagdating nila Zackeus namangha si Mellanie sa laki ng bahay ni Samantha. "Ahm mayaman pala ang bruha." bulong ni Mellanie.
"What did you say?" tanong ni Samantha kay Mellanie.
"Wala sabe ko maganda ka hehehe." ngiting sabe ni Mellanie..
"I know." mataray na sagot ni Samantha at nilapitan si Zackeus.
"I know.. arte mo." inis na sabe ni Mellanie sa sarili habang nakatingin kay Samantha.
Nagsimula na ang meeting habang nakikinig naman si Mellanie. Nag take down notes din sya para hindi nya makalimutan lahat ng sinasabe ng boss nyang si Zackeus.
Pagkatapos ng meeting nagpaalam na agad si Zackeus kay Samantha para umuwi dahil pagod na rin at maaga pa ang meeting nya kay Mr. Zheng.
"Sir uuwi kana?" tanong ni Mellanie sa boss nya.
"Yes." tipid na sagot ni Zackeus
"Paano ako?" tanong ni Mellanie.
"Sumakay kana ihahatid na kita." utos ni Zackeus at natuwa naman si Mellanie.
Habang nasa byahe hindi maiwasan tignan ni Mellanie ang gwapong mukha ng boss nya. "Gusto mo bang kumain?" tanong ni Zackeus.
"Ah hindi na baka kasi kumulo lang ang tyan ko tapos magalit kapa kapag umutot nanaman ako." wika ni Mellanie.
"Much better pa nga na wag kanang kumain." turan ni Zackeus at napasimangot naman si Mellanie.
"Walang puso." bulong ni Mellanie.
Hindi na umimik si Zackeus kahit narinig nya ang sinabe ni Mellanie.
Isang oras din ang inabot bago nakarating sa bahay ni Mellanie. "Dito kaba nakatira?" tanong ni Zackeus ng makita ang tinitirahan ni Mellanie.
"Pasensya kana mahirap lang ako kaya sa squatter kami nakatira ng nanay ko. Salamat nga pala sa paghatid." sabe ni Mellanie saka bumaba ng sasakyan.
Hindi agad umalis si Zackeus at nakita nyang sinasabunutan si Mellanie ng matandang babae. "Nanay kaya nya yun?" tanong ni Zackeus sa sarili.
"Uwi ba ng matinong babae yan hah Mellanie? Anong oras na." galit na sabe ng nanay ni Mellanie sa kanya.
"Nay nagkaroon kasi ng meeting sinama ako ng boss ko. Wag nyo naman akong sabunutan at sermunan dito sa labas." inis na sabe ni Mellanie sa nanay nya saka pumasok sa loob.
Pinaharurot na ni Zackeus ang sasakyan nya saka umalis.
________
Kinabukasan maagang nagtungo si Zackeus sa opisina para kausapin si Paolo. "Sir good morning po pinatawag nyo daw po ako." kinakabahan na sabe ni Paolo.
"Hanapan mo ko ng apartment." sabe ni Zackeus habang nirereview ang design na ippresent nya kay Mr. Zheng.
"Apartment sir? Bakit sir hindi na po ba kayo umuuwi sa bahay nyo?" takang tanong ni Paolo.
"Hindi para sakin kundi para kay Mellanie." seryosong sabe ni Zackeus na ikinagulat ni Paolo.
"Kay Mellanie sir? Sigurado po kayo dyan?" tanong ulit ni Paolo.
"Bakit ba ang dami mong tanong." naiinis na sabe ni Zackeus kay Paolo.
"Sorry sir.. sige po maghahanap ako ng apartment para kay Mellanie." sabe nalang ni Paolo saka lumabas ng opisina ni Zackeus.
Samantala nalate naman ng gising si Mellanie dahil hindi sya nakapag alarm. "Naku po late na ako." dali daling tumayo si Mellanie at naligo.
Pagkatapos maligo nakita nya ang nanay nyang natutulog. "Alis na ako nay sorry kagabe... para sa inyo naman tong ginagawa ko I love you nay." mahinang sabe ni Mellanie saka hinalikan ang noo ng nanay nya.
Pagdating ni Mellanie sa opisina halos pagtingin sya ng mga kasamahan nya lalo na si Paolo. "Hoy ano ginawa mo kagabe kay sir?" tanong ni Dazy.
"Wala akong ginawa sa kanya hinatid lang nya ako." sagot ni Mellanie at binaba ang gamit nya sa table.
"Hinatid ka nya? Alam mo bang never naghahatid ng empleyado yang si sir Zackeus naku parang may special treatment ata si sir." nagseselos na sabe ni Dazy.
"Special treatment? Ano kaba Dazy mukhang labag nga sa loob nya yung paghatid nya sakin kagabe eh kundi ko pa tinanong kung uuwi sya di nya maiisip na ihatid ako eh." kwento ni Mellanie.
"So ako pala ang topic nyo." bungad ni Zackeus.
"Good morning po sir Zack." bati ni Dazy na hindi makatingin kay Zackeus.
"Ikaw Ms. Mellanie late kana nga nakikipag kwentuhan ka pa nagawa muna ba yung pinapagawa ko sayo?" seryosong tanong ni Zackeus.
"Kararating ko lang di ba? Ikaw na nga nagsabe na late ako so ibig sabihin nun di ko pa nagagawa." naiiritang sabe ni Mellanie saka binuksan ang loptop nya.
"Mellanie boss natin yan." bulong ni Paolo.
"Okay lang Paolo naiintindihan ko dahil lumaki sya sa squatter kaya wala syang breeding." insultong sabe ni Zackeus at galit na hinarap sya ni Mellanie.
"Ano sabe mo hoy lumaki nga ako sa squatter pero may breeding ako. Ikaw nga mayaman pero asal hayop ka naman mabuti nga may mga taong nagtya-tyaga sa ugali mo eh. Wag ka mag alala sir tatapusin ko yung pinapagawa mo sakin para naman hindi nakakahiya sayo." mataray na sabe ni Mellanie.
Hindi na kumibo si Zackeus at umalis nalang. "Grabe ka girl ibang klase ka." natutuwang sabe ni Dazy dahil wala pang empleyadong nag taray kay Zackeus.
"Wag nya akong mamaliitin hindi ko sya uurungan." mahinang sabe ni Mellanie.
Pagkatapos magawa ni Mellanie ang pinapagawa ni Zackeus pinuntahan nya ito sa opisina at nakita nya itong nakayuko. "Aba dinamdam ata nya yung sinabe ko... eh kasalanan naman nya eh." sabe ni Mellanie sa sarili habang nakatingin kay Zackeus.
"Hoy lalaki ito na yung pinapagawa mong report sakin baka gusto mong tignan." sabe ni Mellanie ngunit walang naging sagot si Zackeus kaya nilapitan na nya ito.
Nakita nyang nakapikit si Zackeus kaya naisip nyang natutulog ito. "May itsura ka pala sa malapitan sige na nga gwapo kana pero ayoko parin sayo. Grabe ang pula ng labi mo masarap ka kayang humalik?...
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Zackeus ng makitang nakadikit ang mukha ni Mellanie sa kanya.
"Ah eh pinatay ko yung lamok nasa pisnge mo kasi. Ito na nga pala yung pinapagawa mo sakin basahin mo nalang kapag may mali sabihin mo para marevised ko." sabe ni Mellanie habang iniiwasan tignan si Zackeus.
"Okay thank you. Maghanda ka aalis tayo." sabe ni Zackeus.
"Aalis? Hindi ba pwedeng wag na akong sumama sayo nandyan naman si Paolo eh." nagrereklamong sabe ni Mellanie.
"Ikaw ang secretary ko at hindi si Paolo kaya sasama ka sakin." seryosong sabe ni Zackeus.
"Okay fine." saad ni Mellanie at lumabas na ng opisina ni Zackeus.
Sumama nga si Mellanie kay Zackeus pero ang buong akala nya makikipag meeting ito kay Mr. Zheng. "Saan mo gustong kumain?" maya maya'y tanong ni Zackeus.
"Gusto kong kumain sa turo turo." sagot ni Mellanie.
"Turo turo? What turo turo?" tanong ni Zackeus at natawa naman si Mellanie.
"Gusto mo ba talaga malaman kung ano yung turo turo hehehe. Itabi mo." utos ni Mellanie at tinabi naman ni Zackeus ang sasakyan at bumaba si Mellanie.
Bumaba rin sya at nakita nya ang mga tambay sa kalsada na kumakain. "What the hell." sambit ni Zackeus ng makitang kumakain din si Mellanie.
"This is turo turo sir. This is fishballl, kikiam, kwek kwek, and also my favorite squid ball." ngiting sabe ni Mellanie.
"I don't like this kind of food." inis na sabe ni Zackeus na aalis na ng hawakan sya ni Mellanie.
"Tinanong mo ko kung saan ko gustong kumain di ba
Dito ko gustong kumain try mo wala naman mawawala eh." ngiting sabe ni Mellanie at binigyan ng stick si Zackeus.
"Okay I'll try." sabe ni Zackeus saka kumuha ng fishball.
Napangiti naman si Mellanie ng magustuhan ng boss nya ang fishball. "Masarap po ba?" tanong ng tindero kay Zackeus.
"Yeah its very delicious how much is that?" tanong ni Zackeus at kumuha pa..
"Piso isa ang fishball sa squidball dalawang piso isa ganun din sa kwek kwek." sagot ni Mellanie.
"Talaga?...
Nagulat si Mellanie ng abutan ni Zackeus ang tindero ng dalawang libo. "Here." sabe ni Zackeus saka umalis.
"Naku mam paki bigay to sa boss nyo sobra sobra po to 50 pesos lang naman nakain nya eh." sabe ng tindero kay Mellanie.
"Sa inyo na po yan may sayad kasi yung boss ko hindi marunong mag bilang hahaha." natatawang sabe ni Mellanie saka umalis.