"So tell me about yourself Miss Mellanie." seryosong sabi ni Zackeus habang nakatingin kay Mellanie.
"Hindi ba nasayo resume ko bakit hindi mo basahin para naman makilala mo ko." mataray na sabe ni Mellanie.
"Your looking for a job Am I right? Pero kung umasta ka parang ikaw ang boss satin dalawa." naiinis na sabi ni Zackeus..
"Alam mo naghahanap nga ako ng trabaho. Yung trabahong mabait ang boss. Sabihin mo nalang kung hindi ako tanggap para maka alis na ako dito sa kumpanya mo...
Nagulat si Mellanie ng lumapit ng malapitan si Zackeus sa kanya. "Your hired. Ikaw ang magiging personal secretary ko." sabi ni Zackeus na ipinagtaka naman ni Mellanie.
"Tanggap na ako? Teka lang hindi pa natin napag uusapan ang sahod ko ni hindi mo nga binasa resume ko eh." nagtataka na sabe ni Mellanie.
"Hindi ko na kailangan basahin ang resume mo dahil sa ugali mo palang basang basa na kita. Tawagin mo si Paolo at aalis tayo." utos ni Zackeus.
"Secretary mo ba talaga ako o katulong?" tanong ni Mellanie na masama ang tingin kay Zackeus.
"Kilos na." pasigaw na sabi ni Zackeus..
"Oo na mahal na hari ihampas ko sayo to eh." bulong ni Mellanie saka lumabas ng office ni Zackeus.
Tinawag ni Mellanie si Paolo at nagtaka silang lahat dahil hindi manlang umiiyak si Mellanie ng lumabas ng opisina ni Zackeus. "Bakit ganyan kayo makatingin sakin?" tanong ni Mellanie.
"Alam mo bang walang applicant na hindi umiiyak pag lumalabas ng opisina ni sir. Ano nga palang balita? Tanggap kana ba?" tanong ni Dazy.
"Oo tanggap na ako. Nga pala Paolo pinapatawag ka ng mahal na hari aalis daw tayo." sabi ni Mellanie..
Natawa nalang si Paolo at pumunta na sila ni Mellanie sa opisina ni Zackeus. "Sir aalis na po ba tayo?" tanong ni Paolo.
Tumango lang si Zackeus at sabay sabay silang lumabas ng office. Hindi naman mapalagay si Mellanie ng pumasok sila sa loob ng elevator. "Ayos ka lang ba?" bulong ni Paolo.
"Ang totoo hindi eh. Kumukulo kasi ang tyan ko parang sasabog na." sagot ni Mellanie..
"Naku pigilan mo mayayare tayo kay sir kapag nag cr kapa." sabi ni Paolo.
"Hindi ko naman mapipigilan to lalabas na talaga sya....
Pinagpapawisan si Mellanie kahit aircon naman sa loob ng elevator. Hanggang sa hindi nya napigilang mautot. "Damn it sino yun?" tanong ni Zackeus.
"Hindi ako yun sir." sagot ni Paolo.
Tumingin si Zackeus kay Mellanie at nilapitan ito sabay sabing. "Ang baho ng utot mo." sabi ni Zackeus at natawa naman si Paolo.
"Ang yabang mo bakit may mabango bang utot." mataray na sabi ni Mellanie habang hawak hawak ang tyan nya.
"Meron yung utot ko." sagot ni Zackeus.
"Wow talaga ba? Baka nga mas mabaho pa yung utot mo sa utot ko eh." naiinis na sabi ni Mellanie habang masama ang tingin kay Zackeus.
Pagbaba nila nagmamadaling pumunta si Mellanie sa CR. Hinintay naman ni Zackeus at Paolo si Mellanie sa lobby. "Sir kung tatanggalin nyo po ako maiintindihan ko. Alam ko pong hindi nyo gusto ang nakuha kong secretary." nahihiyang sabi ni Paolo.
"Sino naman nagsabe na hindi ko sya gusto. Ayoko sa babaeng iyakin at ayoko ng mahina pero yung nakuha mong secretary malayong malayo sa mga dati kong secretary." seryosong sabi ni Zackeus.
"You mean sir okay sayo si Mellanie?" nagtatakang tanong ni Paolo.
"Oo." tipid na sagot ni Zackeus at natuwa naman si Paolo.
Pag labas ni Mellanie sa CR nakita nya si Zackeus at Paolo na naghihintay sa kanya. "Nailabas muna ba lahat?" tanong ni Zackeus.
"Oo ang sarap sa pakiramdam mahal na hari." ngiting sabi ni Mellanie.
"Okay lets go wala na tayong oras....
Pag dating nila sa Shangri-La hotel nandun na ang ka meeting ni Zackeus na si Samantha. "Hi Zackeus good to see you again." masayang sabi ni Samantha at humalik sa pisnge ni Zackeus.
Alam ni Paolo na matagal ng may gusto si Samantha kay Zackeus pero wala lang kay Zackeus yun dahil business lang talaga ang pakay nya kay Samantha..
"Umupo ang tatlo at naupo naman si Samantha sa tabi ni Zackeus." Ahm Mam Samantha sya nga po pala si Mellanie ang bagong secretary ni sir Zackeus." pakilala ni Paolo.
"What happen to Ella?" tanong ni Samantha ang dating secretary ni Zackeus.
"She resigned." sagot na lang ni Zackeus kahit ang totoo tinanggal nya si Ella.
"Can you see your proposal first? Oh by the way nice meeting you Mellanie." ngiting sabi ni Samantha.
"Nice meeting you din." sagot ni Mellanie dahil hindi nya gusto ang kaartehan ni Samantha.
"Ah mam hindi po ba nabigay ko na sa inyo ang proposal." sabi ni Paolo.
"Oh sorry I forgot. Can you move the meeting tomorrow." maarteng sabi ni Samantha.
"I have a meeting tomorrow with Mr. Zheng." seryosong sabi ni Zackeus.
"Okay sige ituloy natin ang meeting pero okay lang ba kung sa bahay ko nalang? Nandoon kasi ang proposal." sabi ni Samantha.
"Pero sir hindi po ako pwedeng gabihin." sabi ni Paolo kay Zackeus dahil may date sila ng girlfriend nyang si Gail.
"Its okay Paolo kahit hindi kana sumama si Zackeus lang naman ang kailangan sa meeting." ngiting sabi ni Samantha.
"Pero ako sasama ako dahil secretary nya ako." mataray na sabi ni Mellanie.
Masamang tinignan ni Samantha si Mellanie. "Kailangan ko si Mellanie dahil sya ang personal secretary ko. Kung ano man ang mapag uusapan natin dapat alam yun ng secretary ko." sabi ni Zackeus at hindi na lang nag salita pa si Samantha.
Natutuwa si Paolo dahil malayong malayo nga ang mga dating secretary ni Zackeus kay Mellanie.