Inutusan ni Dazy si Paolo na humanap ng bagong secretary ni Zackeus kaya naman naisipan nyang tawagan ang girlfriend nyang si Gail. "Bakit napatawag ka babe?" tanong ni Gail sa boyfriend nyang si Paolo.
"May problema ako yung boss ko nagpapahanap ng bagong secretary may kilala kabang walang trabaho?" tanong ni Paolo sa kabilang linya...
Napatingin naman si Gail sa kaibigang si Mellanie na masayang kumakain ng orange. "Meron." ngiting sabi ni Gail habang nakatingin sa kaibigan.
"Talaga? pwede ba sya pumunta rito bukas urgent kasi dahil need na talaga ni sir Zackeus ng bagong secretary." sabi ni Paolo kay Gail.
"Okay sige papupuntahin ko sya dyan bukas." nakangiting sabi ni Gail saka nagpaalam kay Paolo.
Halos mabingi si Mellanie sa tili ng kaibigan na si Gail. "Anyare sayo? Sino ba yung kausap mo at ganyan kana lang kung makatili." tanong ni Mellanie sa kaibigan.
"Bruha ka kaya ako natili dahil magkakaroon kana ng bagong trabaho." masayang sabi ni Gail at niyakap si Mellanie sa sobrang tuwa.
"Trabaho? Saan naman yan?" tanong ni Mellanie.
"Sa mga ALTAMERANO kung saan nagta-trabaho si Paolo." ngiting sabi ni Gail.
"ALTAMERANO? Ngayon ko lang ata narinig yan! teka lang yang boss ba nila may itsura? baka naman mataba rin ang boss ko dyan." sabi ni Mellanie at natawa naman si Gail.
"Hindi mo nga pala kilala ang nag iisang Zackeus Altamerano sya lang naman ang may ari ng ALTEMARANO's Corp. Isa syang magaling na golfers at sya rin ang pinaka batang businessman na maraming achievements hindi lang sya matalino ubod pa ng gwapo." kwento ni Gail.
"Whatever." sabi na lang ni Mellanie saka sumubo ng isang pirasong orange.
Samantala natapos naman ang meeting ni Zackeus kay Mr. Duke at nakuha nila ang approval nito na maging investor ng ALTAMERANO kaya naman tuwang tuwa si Zack. "Sir mukhang masaya kayo hah." ngiting sabi ni Mang Rolly..
Si mang Rolly ay personal driver ni Zackeus at matagal ng naninilbihan sa mga ALTAMERANO. "Masaya nga ako mang Rolly. Saan mo gusto kumain?" tanong ni Zackeus..
"Kahit saan ho sir di naman ako mapili kahit sa turo turo nga lang okay na ako." sagot ni Mang Rolly.
"Turo turo?" tanong ni Zackeus..
"Ah hehehe wala po yun sir." ngiting sabi ni Mang Rolly..
Hindi na lang nagsalita si Zackeus pero iniisip nya kung anong ibig sabihin ng turo turo....
________
KINABUKASAN dumating ang araw na pinaka hihintay ni Mellanie...
"Oh paano galingan mo sa interview for sure naman ako makakapasa ka dyan sisiw na lang sayo yan." pagpapalakas ng loob ni Gail sa kaibigang si Mellanie.
"Oo salamat Gail papasok na ako sa loob...
Nagpaalam na si Mellanie kay Gail at pumasok na ito sa loob. Hindi alam ni Mellanie kung sino sa mga reception ang kakausapin nya. "Ang dami naman reception dito saan nga bang floor yung Zackeus na yun? Nakalimutan kong itanong kay Gail." mahinang sabi ni Mellanie.
Nilapitan ng isang reception si Mellanie at kinausap ito. "Mam pasensya na po pero bawal kayong tumambay dito." sabi ng reception kay Mellanie.
"Hindi ako tatambay dito meron akong appointment kay Zackeus." mataray na sabi ni Mellanie.
"Kay sir Zackeus po? Girlfriend nya po ba kayo mam?" tanong ng reception kay Mellanie.
Nakaisip naman ng kalokohan si Mellanie at ngumiti sa reception. "Yes girlfriend nya ako pwede mo ba akong ihatid sa opisina nya. Hindi ko kasi pinasabe na pupunta ako rito." ngiting sabi ni Mellanie.
"Sige po mam ipapahatid ko po kayo." sabi ng reception at nagpasalamat naman si Mellanie.
Pag dating ni Mellanie sa 15th floor sinalubong sya ni Paolo. "Pasensya kana Mellanie hindi ko alam na nasa lobby kana pala ngayon lang naitawag ni Gail sakin." hinging paumanhin ni Paolo.
"Okay lang Pao." ngiting sabi ni Mellanie.
"Halika ipapakilala kita kay sir Zackeus wag ka matakot o kabahan kung ano man ang sabihin nya sayo wag kang iiyak lakasan mo loob mo." seryosong sabi ni Paolo.
"Bakit multo ba yang boss mo para matakot ako tska hindi ako kinakabahan." sabi ni Mellanie saka pumasok sa loob.
"Hindi lang multo demonyo pa." bungad ni Dazy.
"Dazy ano kaba naman baka mamaya maniwala si Mellanie." sabi ni Paolo saka kumatok sa opisina ni Zackeus.
Pag bukas ni Zackeus bumungad sa kanya ang mukha ni Mellanie tinignan nya ito mula ulo hanggang paa. "Sir good morning po sya po pala si Mellanie yung nahanap namin ni Dazy na magiging secretary nyo....
"Ikaw si Zackeus Altamerano? Hindi kana man pala ganun kagwapo." sabi ni Mellanie at nagulat si Paolo ng sabihin yun ni Mellanie kay Zackeus.
"Bakit ano ba ang definition mo ng pagiging gwapo?" seryosong tanong ni Zackeus.
"Sir pasensya na po kayo kay Mellanie." hinging paumanhin ni Paolo.
"Its okay Paolo iwan muna kami. Gusto kong makilala ang bago kong secretary." seryosong sabi ni Zackeus habang nakatingin kay Mellanie.
Hindi naman nagpatinag si Mellanie at tinaasan nya ng kilay si Zack dahil ang sama rin makatingin ng binata sa kanya. "Kahit ikaw pa presidente ng pilipinas hinding hindi ako matatakot sayo." sabi ni Mellanie sa sarili habang nakataas ang kilay kay Zackeus.