CHAPTER 1

987 Words
"Mellanie.... Halos mabingi si Mellanie sa sigaw ng nanay nya na si Hellen. "Bakit ho ba kayo nasigaw? May sunog ba?" tanong ni Mellanie habang nakapikit ang mata.. "Hoy Mellanie baka nakakalimutan mo may pasok ka aba baka malate ka nyan. Marami tayong bayarin kaya hindi ka pwedeng umabsent." lintanya ng nanay nya sa kanya. Nag iisang anak lang si Mellanie at lumaki rin syang walang ama dahil namatay ang tatay nya sa cancer mula ng pinag bubuntis sya ng nanay nya. "Ma nag resigned na po ako pero wag kayong mag alala makakahanap din ako ng trabaho." seryosong sabi ni Mellanie... "Ilang beses kana ba nag resigned sa pinapasukan mo anak? Wala pang taon nag reresigned kana hindi mo gayahin yang kaibigan mong si Gail limang taon na sa trabaho nya..... "Hay naku ito nanaman po kami paulit ulit na lang." mahinang sabi ni Mellanie saka tumayo para puntahan ang kaibigan na si Gail. "Saan ka pupunta kumain kana muna." habol na sabi ng Mama ni Mellani. Hindi na pinansin ni Mellanie ang Mama nya at lumabas na sya ng bahay para puntahan si Gail sa bahay nito.... "Ano nag resigned ka?" sabi ni Gail saka napabuntong hininga sa sinabi ng kaibigan. "Wag kang bingi Gail narinig mo di ba.... "Hay naku Mel hindi ko na alam kung ano ba gusto mo sa buhay mo matalino ka naman pero bakit walang tumatagal na trabaho sayo." sabi ni Gail.. "Simple lang dahil ayoko ng panget na boss. Nakita mo naman yung boss ko ang taba at ang lakas kumain ako ang nahihiya pag kasama sya." kwento ni Mellanie saka itinaas ang paa... "Paano ka tatagal sa trabaho mo kung ganyan ka. Ang dami mong ayaw!! ayaw mo ng mataba, ayaw mo ng panget, ayaw mo ng pandak, ayaw mo ng matakaw Mellanie kung ganyan wala kang mahahanap ng trabaho dahil sa kaartehan mo." naiinis na sabi ni Gail sa kaibigan. "Hindi ako maarte sinasabi ko lang yung totoo. Gail hanapan mo ko ng trabaho hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho sigurado akong bubungangaan nanaman ako ni Mama." sabi ni Mellanie na nagmamakaawa sa kaibigan. "Oo na sige na hahanapan na kita pero sana huli na to sana tumagal kana sasabunutan na talaga kita kapag di kapa nagtagal." mataray na sabi ni Gail saka ngumiti sa kaibigan.. Natatawa na lang si Mellanie dahil di naman sya matiis ng kaibigan... Samantala maaga naman nagising si Zackeus ang may ari ng ALTAMERANO's CORPORATION. "Good morning po sir." bati ng katulong kay Zack. "Good morning. Dumating na ba si Mommy?" tanong ni Zack habang seryosong nagbabasa ng dyaryo... "Wala pa po. Hanggang ngayon po nasa Australia parin po sya." sagot ni manang Nena. "Okay salamat po manang kumain na rin po kayo pag alis ko." sabi ni Zack saka tumayo na para maligo. "Ang pogi talaga ni sir." kinikilig na sabi ni Brenda. "Kung sya magiging asawa ko pwede na ako kunin ni lord ang yummy nya at ang bait pa." sabi naman ni Jackie. "Tumigil nga kayo baka marinig kayo ni sir sige na mag trabaho na kayo." seryosong sabi ni manang Nena... 8:30 ng makarating si Zack sa opisina halos kabahan ang mga empleyado ng makita ang boss nila. "Nandyan na si sir mag focus kayo." sabi ni Dazy ang HR/ADMIN.. "Good morning po sir." bati ng mga empleyado kay Zack. Hindi naman bumati si Zack at dire-diretso lang itong naglakad papunta sa office nya. "Dazy pakitawag si Paolo." utos nito saka pumasok sa loob ng opisina nya. "Opo sir." tugon ni Dazy saka nagmamadaling puntahan si Paolo sa IT department. "Paolo tawag ka ni sir." sabi ni Dazy.. "Ako? Bakit daw?" tanong ni Paolo habang kinakabahan dahil takot sya sa boss nya kahit na matagal na syang nagta-trabaho sa ALTAMERANO. "Hindi ko alam puntahan muna baka mainip yun pagalitan pa tayo lahat." sabi ni Dazy. Kinakabahan si Paolo habang papunta sa opisina ni Zack. "Sir pinatawag nyo daw po ako." kinakabahan na sabi ni Paolo. "What do you think about that?" tanong ni Zack saka inihagis sa harap ni Paolo ang designed. "Sir hindi po ako ang gumawa nito pwede ko naman i-revised sir." natatakot na sabi ni Paolo. "Revised? What time is it? Its almost 9:30 AM and I have a meeting to Mr. Duke around 10:00 AM, " seryosong sabi ni Zack.. Hindi naman makatingin si Paolo dahil alam nyang mainit ang ulo ng boss nya. "Get out Paolo!" sabi ni Zack at nagmamadali naman na lumabas ng opisina si Paolo. "Bakit mainit ang ulo?" tanong ni Dazy. "Dahil dito. Sino ba gumawa ng designed na ito? Ako ang pinagbuntungan ng galit." sabi ni Paolo. "Sorry Pao, ako gumawa nyan pasensya kana kung ikaw pinagalitan ni sir sorry talaga." hinging paumanhin ni Camille. "Okay lang Camille ako na lang mag re-revised nito dahil kailangan ito ni sir dahil ito yung ipe-present nya kay Mr. Duke." sabi ni Paolo at napahinga naman ng malalim si Camille. Tinawagan ni Zackeus si Mr. Duke na kung pwedeng mamove ng 11:00 AM ang meeting nila at pumayag naman si Mr. Duke kaya hinintay nyang matapos ni Paolo ang designed na kailangan nya. Pag labas ni Zackeus agad nyang tinanong si Dazy kung nasaan ang secretary nya. "Where's Ella?" tanong ni Zack kay Dazy. "Nasaan daw si Ella." tanong ni Dazy kay Kate. "Hindi ko alam." sagot ni Kate. "You are the HR Admin and you don't know where is Ella?" sabi ni Zack at kinabahan naman si Dazy. "Ang totoo po sir wala pa po siya baka nalate po." nakayukong sabi ni Dazy. "Late? Please find me a new secretary I don't need a secretary like Ella." sabi nito saka pumasok sa loob ng opisina.. "Patay." sabi ni Kate.. "Naman kasi si Ella sinabi ko na sa kanya na agahan nyang pumasok alam naman nya may pagka demonyo si sir eh." sabi ni Dazy at natawa na lang si Kate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD