Untitled
OH, No! aniya habang marahan itinabi ang kotse. Kung bakit ngayon pa na flat ang gulong nito. Pinatay niya ang ignition at bumaba ng kotse.
Tinignan niya ang hulihang gulong sa kanan. Nanlumo siya. Ano ba naman Malay nya niyang mag palit ng gulong? Luminga siya sa palagid sa paghahanap ng vulcanizing shop. She is going to North at sa ganitong highway, natitiyak niyang hindi mawawalan.
Bumalik siya sa sasakyan at hinugot ang susi. Pagkatapos ay kinuha nya ang shoulder bag at tiniyak na naka lock ang pinto ng kotse.
Binaybay niya ang daan sabay ng palinga sa paligid. Nakakailamg habang na siya ng makikita ng hinahanap. Mabilis siyang lumapit at kinausap ang naroong tao na matapos kumuha ng gamit ay sumunod sa kanya.
Only to find out na kahit ang spare tire niya ay butas din.
Sumandal siya sa gilid ng kotse habang pinapanood ang tao na inaalis ang gulong sa hulihan..
Gaano katagal bago matapos iyan?
Kasama na ho itong spare tire ninyo, ma'am humigit kumulang 45 minutes, sagot ng lalaki..
Tumango siya. Muling luminga sa paligid wala bang resturant dito?
Nilingom ng lalaki ang pinanggalingan nila.,
Sa unahan ho kaunti ng shop at may isang resturant, medyo desente ho at may mga biyaherong kumakain, information nito.
Muli sya tumango. Sinigurado kung naka lock ang kotse at lumakad patungo sa sinasabi ng lalaki..
Hindi ito gaano kalayuan mula sa vulcanizing shop. Tama ang sinabi ng lalaki na medyo disente..
Salamin ang mahabang bintana at ganoon din ang pintuan. May mangilan ngilang nakaparadang sasakyan sa tapat nito.
Itinulak niya ang pinto at pumasok siya. Maraming tao sa loob dahil alas onse pasado na. Halos puno ang mga mesa malibansa dulo na may dalawang bakante.
Pahakbang na siya patungo room nang mapunang ang mesa sa may katabing pinto at tapat ng bintana at bakante. Marahil ay kaalis lang ng umukopa sa mesa.
Humakbang siya roon at naupos kung napuna man niya ang kutsara at tinidor na nakabalot sa napkin ay hindi niya pinag ukulan ng pansin.
Luminga siya at kinawayan ang isang waitress na agad naman lumapit.
Ano po ang order ninyo, miss?
Nilinga niya ang pader sa likod ng counter kung saan nakasulat ang menu in red paint.
Coffee at Chicken sandwich na lang, please... Aniya. Tumango ang waitress at muling bumalik sa counter.
Bumuntong hininga si Giana . tinanaw ang labas ang bintanang salamin. Sa oras na biniyahe niyay may dalawa oras pa bago makarating ng Hacienda Ramona.
Bigla kumulimlim ang mukha niya ng maalala ang ginawang pagpapakasal kay Adrian Pedrosa Martinez, 2 months ago.
Ang lalaking halos doble ang agwat ng idad sa kanya. 40 yrs old na ang kaibigan ng kapatid niya na pinagkakautangan nito ng malaking halaga.
Maganda lalaki at macho paro wala siya kahit na kaunti pag tingin dito. Kinamumuhian niya ang bawat pagdantay ng kamay nito sa braso niya noong araw ng kanilang kasal.
At ang nakakapagtataka ay ang pagpapaubaya nito sa kanya sa sariling silid sa hotel sa panahon nasa Nevada siya.
Adrian was polite, sweet and thoughtful sa araw makasama sila sa pamamasyal. Skiing , shopping at minsan ay isinama siya sa casino. Subalit hindi interesado si Adrian sexually. Nagtaka man ay labis niyang ipinagpasalamat iyon.
Noon unay iniisip niyang pinagbibigyan lang sya ni Adrian dahil alam nito kontra gusto ang pagpapakasal niya rito... Pero lumipas na at lahat ang mahigit sa isang buwan ay nabuo na sa isip nya niyang hindi interesado ang asawa ma consummate ang pagiging magkabiyak nila,
At ngayon nyay pauwi siya sa pamilya nito sa Sta Ynez. Iyon ang usapan nila ni Adrian. Uuwi sya sa Sta. Ynez at maghintay doon hanggang sa pagdating ng huli at sunduin siya upang sa Maynila na tuluyang mamalagi.
May bahay ang asawa nya sa Question City.. Actually, doon siya galing matapos niya dalawin ang sarili nilang bahay ni Vincent..
Naputol ang pag iisip niya nang may humila sa upuan sa tapat ng mesa niya at isang lalaki ang naupos roon. Madilim ang mukha nitomg nakatitig sa kanya,
Tumikhim sya,.. Excuse me, Mister, pero ako ang umuokupa nitong mesa. Titignan din niya iron nang diritso.
Tumaas ang isang sulok ng bibig ng lalaki na patuyang Ngumiti. Mesa ko ito, Miss, wika nito na bahagyang pa inkiniling ang ulo. pumasok lang ako sa comfort room.
Hindi siya naniniwala. Sanay na siyang nilalapitan ng mga lalaki at patay malisya sa mga ginagawa makilala lamang siya. Subalit bago pa niya maibuka ang bibig para paalisin ito ay dumating ang isa pang waitress at inilapag sa tapat nito ang isang pinggan ng kanin at ulam.
Saka lang siya naniwalang doon nakaupo ang lalaki.
Oh... I'm sorry for, pero... Nilinga niya uli ang paligid. Ang bakanteng mesang nakita niya sa dulo ay okopado pa din na rin ngayon. Siya naman ding pagdating ng waitress at inilapag sa harap ang inorder niya.
Thank you,.. marahan usal niya sa waitress na tinapunan muna ng sulyap ng lalaking kumain bago umalis. Nahihiyang binalingan niya ang lalaking nakaupo sa tapat nya..
I'm sorry. P-puwede bang maki share na lang? Wala nang bakanteng mesa, eh. Ang akala ko kasi, bakante ang mesang ito... She give him a smile.
Nagkibit ng balikat ang lalaki. Muli, ang nanunuyang ngiti at ang pag hagod nito ng tingin sa mukha niya pababa. Pagkatapos ay binalingan ang pagkain at sumubo.
Gusto niyang mapahiya sa paraan nito sa pag tingin pero hindi niya binigyan ng pansin iyon. Baka ganoon lang talagang ngumiti ang lalaki. Anyway, sya naman ang naki share ng mesa.
Dinampot nya ang tasa ng kape at marahang humigop sabay ng palihim na pag sulyap sa katapat.
Sigoro'y nasa twenty-five o twenty six ang idad ng lalaki. Mataas ito at brusko. Katamtaman ang tangos ng ilong and he he has a sensuous lips.
Sunog sa araw ang balat. Nangigitim ang mukha sa pag sungaw ng balbas na hindi pa inaahit. Naka sun glasses ito at hindi niya gaano masikip ang mga mata. Sa tingin pa niya' y modelo ng eye glasses and lalaki.
Sensuous? Giana you're crazy, aniya sa sarili.
Nag angat ng mukha ang lalaki at hindi niya masikip ang mga mata nito ay alam nyang nahuli siya sa ginawa niyang pagsusuri dito. Muli, ang nakakatuyang ngiti.
Bigla niyang ibiniba ang tasa ng kape at dinampot ang sandwich. Napahiya siya sa pagkahuli na iyon ng lalaki sa ginawa niyang pagtitig dito.
B-biyahero ka rin ba?... Ang wala sa loob niyang nasabi in her attempt to be friendly at upang mapagtakpan ang pagkahiya. Sinamahan pa niya ng ngiti.
Marahan muna nginuya ng lalaki ang kinakain at hindi na niyang iniisip kung sasagutin pa siya nito. Inabot nito ang ang baso tubig at uminum, pagkstanda ay tinitigan siya.
I'm sorry, Miss, subukan mo sa iba pero hindi ako available. Pagkatapos ay inubos nito laman ng tasa.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Nag dagdagan ang pagkapahiya sa sinabing iyon ng lalaki.
Ano hindi available?.. ano ang gusto sabihin nito?...
H-hindi ko tinatanong kung..... available ka o hindi I.... I ... was just trying to be trying to be friendly.
Nagkibit ng balikat ang lalaki. Nag patuloy sa mabilis na pagkain at makalipas ang ilang sandali ay nag angat ng paningin at sumenyas s waitress para sa bill nito.
Sandali pay lumapit ang waitress at inabot dito ang dalawang maliit na papel. Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Pagkatapos ngumiti to sa kanya. A mocking smile. Dumukot nito ang pitaka mulasa bulsA at naglabas ng pera at inabot sa waitress.
Sa iyo na ang sukli, pahabol nito ginantihan ng waitress ng isang matamis na ngiti. Muli tumingin sa kanya ang lalaki at tumayo. Bago lumakad ay yumuko ito at marahang bumulong.
it's the least i could do.... try somebody .... just isn't my style.... Pagkatapos ay tuloy tuloy ng lumabas ang lalaki.
Naiwan siya nakatanga. Wala siyang masabi. Ano ang pinagsasabi ng lalaki iyon?
Nanlaki ang kanta mga mata ng sumaksak sa isip ang ipinagihiwatig nito.
Iniisip ng lalaking iyon na isa siyang masamang babae at pumi pick up ng customer!!
Oh dear.. usal niya. Napakarumi talaga ng isip ng ibang tao. Sayang gwapo pa naman. Nakulong niya tinawag ang waitress.
Magkano ito kinain ko??
Bayad na ho... Binayaran ng kasama nyo...
Binayaran!! Hindi na niya natapos ang sasabihin. It's is the least I could do. Iyon ang ibig sabihin nito. Kaya sinabi iyon. Nagkamali ang waitress at ibibigay dito ang bill niya sa pag aakalang magkasama sila.
Oh , well.. nagkibit balikat at dinampot ang shoulder bag. Gusto man niya mapahiya uli ay wala na siyang magagawa. Charge it to experience. Some people jumped into conclusion as fast as the bullet train.
Kasabay ng paglabas ng resturant ay nakita niyang pinagugulong ng lalaki sa vulcanizing shop ang gulong niya patungo sa kotse.
Makalipas pa ng ilan minuto sakay na siya ng kotse patungo ng Villa Ramona
_____
Samantalang ang lalaki sa resturant kanina ay sakay ng pick up patungo ss destination nito.
Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang babaeng nakasama sa mesa. Nakadama siya ng pang hihinayang. Maganda pa naman at batang bata pa. tingin niyay wala pang twenty.
Gumuhit sa isipan niya ang mukha ng dalaga ng tumingala ito sa kanya.. Her lips slightly parted innocently na parang hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya.
The little cheat!! Aral na aral ang mga kilos. May touch of class
Kahit ng make up nitoy subtly done. Masyado na ba class ngayon ang mga pick up girls? And she was even wearing an original Levis 50l butom fly. Nakita niya iyon kanina sa paglabas ng comfort room dahil nakatalikod sa pinto ang babae. At ng yumuko sya para bumulong dito.
Ang tipo ng babaeng iyon ang makinig mapagkikita sa mga lobby ng five star hotel at hindi mumurahin na carinderia..
Kasabay ng buntong hininga ay napailing siya at itinuon ang konsentration sa kalsada..
MALAYO pa si Mariel ay natanaw na niya ang sign post, "Hacienda Ramona" kumaliwa siya at tinuntun ang mabatong daan. Sa paligid ng daan ay ang malawak na taniman ng tabako na kayganda ng tubo.
Pagkatapos sa kanan niyay walang katapusan taniman ng mais na ang duloy hindi nya maabot ng tanaw. Ganon din kalawak ang taniman ng mga bawang.
Ang asawa niyay totoong may Kaya sa buhay. maliban sa kunting negosyo nito ng ibang bansa na kung anuman ay hindi nito pinagkaabalahan sabihin sa kanya. Maging si Vincent ay walang ibibigay na impormasyon.
Hindi rin naman siya interesado at sunod sunuran lamang na sinasabi nito.
Matapos ang sampong minutong paktabo ng kotse ay isang malaking at maganda bahay ang natanaw niya. Yare sa adobe at malalking narra. Isang antigong bahay na tipikal sa bayang ito. Napapaligiran ito ng sari saring magagandang halaman.. Mga namumulaklak na halaman at may orkidyas ang ibat iba kulay.
Sa tingin niyay alaga ng mapalang kamay ang mga halaman.
Tatlong sasakyan ang natatanaw niya sa garage. Isang pick up truck na luma na marahil ay ginagamit sa plantasyon. Isang for wheel drive Strada pick up na kulay salmon at silver, at isang modelo na Land cruiser..
Isang nakasumbrerong matanda lalaki ang lumapit sa kanya nang pumarada siya sa likod ng mga pick up. Ibinaba nya ang windshield..
May sadya ho ba kayo kay Mr. Martinez, miss?? magalang ng tanong ng matandang lalaki na naka alis ng sumbrero..
Nag kasalubong ang mga kilay ni Giana. " May Mr. Martinez ba?? Ang alam nyay biyuda na ang step mother ni Adrian ayun dito. May pitong taon nang namamatay ang ama nito. ..
Nag alis siya ng bara sa lalamunan bago nag salita... Ako si Giana. Giana Abalos Martinez ang asawa ni Adrian. Inaasahan ako ni Donya Ramona..... Aniyang itimoon ang mga mata sa bahay..
Isang ngiti ang pinakawalan ng matanda... Naku magandang hapon ho sa inyo ma'am! Halina ho kayo at kaninang umaga pa kayo hinihintay ni Donya Ramona. Ang matanda lalaki na mismo ang nag bukas ng pintuan ng kotse niya..
Umibis siya. Napakasarap i scretch ang mga binti pagkatapos ng kulang anim na oras na biyahe mula Maynila.
May mga bagahe po ba kayo,??
Nasa trunk ng kotse ang iba,. Nilingon niya ang likuran ng kotse na kung saan nation ang isa pa nya bag. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa patio..
Nang bigla bumukas ang pinto at sumumgaw ang isang matanda babae na marahil nasa singkuwenta mahigit ang idad. Ito marahil ang step mother ni Adrian. Tantiya niyay bata lamang Kay Adrian ng sampong taon..
Giana...? Alanganing salubong ng matanda kasabay pag hagod sa tingin sa kanya..
Inilahad niya ang kanya kamay. Ako nga ho.. kamusta po kayo...
Inabot ng matanda ang kamay ni Giana kasabay ng pagyakap sa kanya...
Nakarating ka rin sa wakas, hija kanina pa kita hinhintay...
Na flat an ho ako sa daan Kaya medyo natagalan ako at hindi ako makapagtakbo ng matulin dahil baka malampas ako sa itinuro niyong daan... paliwanag niya...
Ang nasa isip ko nga baka naligaw ka. Halika sa loob hija, nilingon nito ang matandang lalaki.
Ipasok na ninyo ang mga gamit ni Giana, Mangn Pasyo...
Inakay siya ng matandang babae papasok sa loob ng bahay... Maupo, ka hija. Itinuro nito ang isang antigong upuan ng narra na may sulihiya sa gitna...
Ang antigong kasangkapan ang laman ng kabahayan. Mula sa ilawan hanggang sa malalapad at makikintab ng sahig na narra. Sa tagiliran ay naka desplay ang isang lumang makina panahi na panahon pa yata ni Padre Damaso. Isang lumang ponograpo na nasa tabing mesa at mga kung ano ano pang antigong mga bagay na sa pakiramdam niyay pumasok siya sa isang time machine at nasa panahon ng mga kastila..
Kung saan saan pa hinanap at binili ng anak ko ang mga nakikita ming iya Giana, nakangiting paliwanag ni Donya Ramona na nabuksan ang nasa isip niya ..
Itong bahay ay talagang antigo at minana pa ng asawa ko sa mga magulang nito. Pero karaniwan sa mga gamit ay mga bago na...
Pero si Brad ay mahilig sa mga antique Kaya ganito ang ayos na nakikita mo..
Brad? Ito marahil ang sinasabing Mr. Martinez ng hardinero.. Bakit hindi sinabi ni Adrian sa kanyang may kapatid ito sa ama? at kung bakit din naman kasi , hindi sya nagtatanong ng gusto ni Adrian kung sinu sinu ang nadaratnan niya rito sa Hacienda Ramona.
Natitiyak kong hind biro. Ang pag iipon ng mga antigong sangkapan.... Naupo siya at hinawakan ang isang matandang lampara na may gas pa sa lalagyan
Ako nga pala si Ramona, Giana. Tiya ang itawag mo..
You're very young... Puna niyang hindi naitago ang pagkamangha...
Marahan natawa so Donya Ramona. If you considered fifty one very young, then thank you hija nasa mukha nito ang pleasure..
Pariho kaming biyudo ni Enrique, ang papa ni Adrian, nang magkapangasahawan...
Si Adrian ay kinse ayos na binatilyo nang magpakasal kami ni Enrique at ako naman ay may isang ring anak sa unang asawa ko na isang taon gulang noong panahon iyon si Brad, Paliwanag nito...
Oh!
Ang unang asawa koy pinsan makalawa ni Enrique na namatay sa isang aksidente sa bus pababa ng Baguio. Kaya ang anak kong si Brad ay Martinez din...
Sina Brad at Adrian, bukod sa pagiging step brother by marriage ay mag pinsanng makatlo, patuloy ni Donya Ramona... Sa nakikita koy walang gaano sinabi sayo so Adrian tungkol sa pamilya niya...
Isang.... madaliang pagpapakasal ang nangyari sa akin... Ikinahihiya niyang masabing she practically knew nothing about her husband...
Hindi kami nag karoon ng maraming magkakataonng mag usap...
Iwinasiwas ni Donya Ramona ang isang kamay...
Naintindhan ko, hija. Whirlwind courtship and the honeymoon at sa isang maganda lugar... Kung ako nasa kalagayan moy hindi ko na magagawang ipakipag usap sa asawa ko ang anumang bagay maliban da amin dalawa...
Kasama ng pamumula ng pisngi sa gustong ipahiwatig ng matanda babae ay nakadama ng gulit si Giana... Paano niya sasabihin sa mabait na matandang ito na ginawa siyang pambayad utang ng kapatid niya sa step son nito..
Bagaman hindi rin niya maunawaan kung bakit siya pinakasalan ni Adrian... Lahat ng mga iginagawi ni Adrian ay napaka unusual para sa isang bago kasal..
Una, ay sng kawalanng interes nito sa kanya bilang babae.. Hindi dahil sa inaasam asam niya iyon... Far from it, at ipinagpapasalamat niya.. pero hindi maiiwasan hindi siya magtaka at mag isip..
Pangalawa, ay ang pag papaiwan nito sa Nevada at ang pag papauwi sa kanyang mag isa ater barely one month of marriage..
Nag patuloy si Donya Ramona... Lamang ay ikinalulungkot kong sabihin ang anak kong si Brad ay iba ang iniisip tungkol sa..... hindi natapos ng matandang babae ang sasabihin dahil mula sa likuran ay may nagsalita...
At ano ang iniisip, Mama??
Oh, Brad , hijo, halika at nang makilala mo ang asawa ni Adrian..
Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig at ganoon ang lamang ang pagka mangha niya nang makilalang ito ang lalaki sa resturant..
Ikaw?? Bulalas niya
Kung nabigla man ang lalaki ay hindi ito nag pahalata maliban sa sandaling pag hinto ng mga hakbang, Pagkatapos ay balewalang lumapit sa kanya..
Magkakilala kayo ng anak ko, Giana??
We've met, mama.... Si Brad ang sumagot sa pormal na tinig. Ang mata ay sumuyod sa anyo ni Giana...
Nakadama siya ng pagkailang. Sa tingin niyay hinuhubaran siya ng mga mata nito sa pagkatitig..
You've met!! Saan ,hijo?? Kailan?? Nagtatakang tanong ng matanda babae..
Yes, we've met this morning, agap ni Giana... Sa isang resturant.. We shared the same table and he bought my breakfast.. hindi ako nakapagpasalamat sa kanya, tumingala siya rito..
Thank you, may bahid ng sarcasm ang tono niya at hindi niya itinago ang iristasyon sa mukha nang maisip ang naging palagay sa kanya ng lalaki ito...
Nagkasalubong ang mga kilay ng matandang babae... Oh, yes, Kararating nga lang pala ni Brad kanina galing Tarlac at may binili, natawa si Donya Ramona... And you didn't both know na pariho kayo ng destination..
Your son is very friendly,.. hindi niya mapigil ang sariling sabihin sa sarkastiko tono. Naiinis Siya. Si Brad ang isang sulok ng mga labi at hindi man lamang natitigatig...
Naramdaman ni Donya Ramona ang tension sa pagitan ng dalawa. Hijo, anong...
Napagkamalan ko siyang pick up girl, Ma, wika nito at tumingin sa kanya..
My apology, my dear step sister in law, bahagyang nito kiniling ang ulo... Wala kahit bahagya ng sinseridad sa paghingi ng tawad..
Napagkamalan mong .... Really ,Brad!! Bulalas ni Ramona na ang shock sa mukhang kitang kita..
Nagkibit ng balikat ang binata.. You can't blame me, Ma. Hindi iyon ang unang pagkakataong nilapitan ako ng mga babae, kaswal niton sabi, Pagkatapos ay dinugtong, ..... predator women , you know...
Tumalon ang mga mata ni Giana na tumingin dito.. The arrogant, conceited male chauvinist pig!!
Kung sabagay,... sang ayon ng matandang babae..
Noong nag bibinata na sina Adrian at Brad, Giana... hay nku, ang mga babae!!! Ginagawa ang lahat ng paraan mapansin lang ng dalawang lalaki.. But surely, hijo, makikilala mo kung sino ang mga ganoon uri ng babae...
They're one of a kind, mama. Hindi mo malalaman kung kailan nila gagamitin ang makamandag nilang paraan sa iyo...
Brad! Saway ni Donya Ramona. Pagkatapos ay tumingin kay Giana.. pagpasensiysahan mo ang anak ko, Giana. He didn't mean a thing.. masAnay ka na sa bayaw mo..
Nag kibit ng Balikat si Giana at ngumiti ng ubos ng tamis.. Huwag kayo mag alala , naiintindihan ko. Your son is probably one of those people who experienced life's blow along the way.. and now he seems to defending himself for another blow...
Ang mga sinabi niyay epektibong nakita sa mukha ni Brad. Naningkit ang mga mata nito and compressed his lips into thin line..
Agad na namagitan si Donya Ramona. Oh , well, I haven't formally introduced you two yet.. Brad, this is Giana.. Hija, ang akin anak , si Brad..... Sinabayan ito ng matanda ng ilong ng ulo sabay tingin sa anak with warning look sa mata nito.. at bago pa may nakapagsalita ay yumuko si Brad at sa isang kisap matay nasa mga labi na niya ang mga labi nito..
Nanlaki ang mga mata nya when he deliberately touched her lips with his tongue... The kiss was hard and warm at hindi naman nag tagal pero tila nag paparalisa iyon ng buong pagkatao nya at nananayo ang pinong balahibo niya sa mukha..
Brad, that was very naughty.... may bahid ng banayad na pag saway ng tinig ni Donya Ramona.. Baka mamaya ay kung ano pa isipin ni Giana...
Hindi nilingon ni Brad ang ina at nanatitiling nakatitig sa napatangang si Giana.. Hands shaking is a little bit old passion.. I'd prefer a kiss in welcoming the new member of this family, naroon pa rin ang bahagyang panunuya sa tinig nito... Do you agree with me Giana??
Pilit niya kinalma ang sarili... S sure.... She was still in a daze dahil sa kapirasong halik na iyon at hindi magawang mag komento ng managhang dahil kay Donya Ramona...
Ngayon at nakilala mo na ang pamilya ng asawa mo ay sasamahan na kita sa silid mo hija.. Saka na lang uli tayo magkuwentuhan.. Natitiyak kong napagod ka sa byahe, ano Donya Ramona na tumayo..
Mabilis sumunod si Giana... Nag papasalamat ng lihim.. gusto niyang makatakas sa mga titig at sinasabi ng lalaki ito.. Nata rattle ang senses niya... And damm him for kissing her like that!! Sinadyang gawin ng binata yun..
See you around , step sis.... Pahabol ni Brad in a flat tone...
Hindi niya pinag kaabalahan lingunin ito...
Sa itaas isang naaliwalas na silid ang pinasok nila. Napuna niyang sa loob ng silid natapos antigong mga gamit..
Mayroon isang pandalawahang kana sa loob ng silid, modernong tokador at wardrobe at may airconditioner pa. Binuksan ang matanda ang Aircon.
Ang silid na itoy dating Kay Adrian, hija. Kasunod ay kang Brad.. I'm sorry, pero tatlo lamang ang banyo dito sa itaas.. Ang isay nasa solid ko, at ang nasa dulo para sa dalawang guest rooms at at ang sa pagitan niyong dalawa ni Brad.. You will share in bathroom..
Gusto niyang sabihin mas gugustuhin niyang gamitin ang isa sa mga guest rooms upang huwag lang maki share ng bathroom iyon kaya minabutimg tumango na lamang.. Isa pa, mararapat lamang na ang silid ni Adrian ang okopahin niya...
Wala ka bang kailangan, Giana??
Wala na pon at maraming salamat..
Humakbang patungo sa pinto ang matandang babae... Alas sietey media ang hapuna hija...
Muli siya tumango at ilanng sandali pay nag iisa na lang sya sa silid..
Binalikan niya ang isip ang pinag uusapan nila ng Mama ni Brad lalo na ang bahaging bago dumating ang binata..
Ano ang iniisip ni Brad sa pagpapakasal niya kay Adrian? At bakit bigla naging mahalaga para sa kanya na hindi ito mag isip ng masama?
At bakit hinalikan siya ng ganoon ni Brad? It was an erotic kiss intended for lovers only.. ang iisiping may asawa siyang tao!! Ano ang akala nito sa kanya??
Napailing siya. Eh, ano ba kung ano ang iisiping ng lalaking yun sa kanya?? At sin ba ang gusto magpapakasal niya kay Adrian...
Definitely, hindi siya. She hated it. At kung may magagawa lang siyay gusto niyang i devorce agad agad ang lalaki.. Pero paano naman si Vincent?? Kahit papanoy nag alala siya sa kapatid..
Nagpapabuntong hininga inilatag niya ang katawan sa kama, at hindi namalayan nakatulugan na niya ang pag iisip dala ng matinding pagod sa mahabang byahe..
ISANG marahan katok ang nag pabalikwas kay Giana.. Sumunod nA narinig niya ang sinabi ng katulong na nakahanda na ang hapunan sa loob ng kalahating oras..
Mabilis na pumasok ng banyo si Giana upang maligo.. Nahinto siya may vanity mirror.. Mga gamit panglalaki ang naroon.. Mula sa malaki hanggang sa maliit..
Bukas ay aayusin niya ang sariling gamit sa tabi ng mga iyon. at nakadama siya ng kakaiba ng maisip na side by side ay magksama ang mga gamit nila ni Brad. Hindi ba dapat na ang mga gamit nila ni Adrian ang magkasama, tutal sila ang mag asawa??
But of course, it will be soon. Hindi nga ba at kay Adrian ang silid na gamit niya ngayon??
Nagkibit siya ng balikat at ini lock ang connecting door at nagsimulang mag hubad upang maligo..
Pinagmasdan ang hubad na katawan sa malaking salamin.. Mangingiti ba siya o ikukunot ang noo?? More than a month of being married and still a virgin.. Will Adrian claim his right in her body??
Sa totoo ay hindi niya alam kung ano gagawin niya sa sandaling mapagpasiyahan na ni Adrian na ma consummate ang pag aasawahan nila. Ang walang malisyang pang hawak hawak nga lang nito sa mga braso niya noong nasa Nevada sila at gusto na ipagsisik sa tabi...
Huminga siya ng malalim at binuksan ang shower at itinuloy ang gagawin.. pag katapos maligo ay nagbihis siya ng sleeveless summer dress na kulay dilaw .. It made her appear much younger...
Pinatuyo niya sa blower ang maikling buhok.. pagkatapos ay bumaba...
You looked refreshed, hija,.. Donya Ramona na sinalubong siya ng pumasok siya sa dining room..
Si Brad na nakaupo sa kabisera ng mesa ay hindi tuminag ... Nakalimutan o sadyang kinalimutan ang etiquette...
Nakatulog ho ako...
Dahil sa pagod sa haba ng byahe.. dito kana umupo sa kanan ni Brad...
Walang kibong Naupo sa tinuturong upuan ni Donya Ramona na patuloy sa pagssassalita upang mapalagay siya.. Gutom siya at masarap ang ulam pero sa hostility na nakikita niya sa mukha ng bayawv niyay parang naglaho ang gana niya..
Kumain ka ng marami, Giana. You're very slim..
Inabutan siya ni Brad ng pagkain sa kaswal na paraan. Umasal siya ng " thank you"...
Bukas, hija, at ipapasyal ka ni Brad sa plantasyon..... Patuloy ni Donya Ramona...
Hindi sinasadyang nag angat siya ng ulo upang sulyapan ang bayaw at na nakita niyang nagdilim ang mukha nito sa sinabi ang ina..
I doubt if she enjoy the tour, Ma... Sa nakikita natin ay tipong hindi sanay ang bago ninyong manugang sa buhay dito sa asyenda,.. Si Brad na maliban sa pag sulyap ay nagpatuloy sa pagkain... Baka ni hindi niya matukoy kung alin ang tabako at baywang.. She's a city girl, hindi nyo ba nakikita?? Naroon ang bahagyang pang iimsulto sa tinig ni Brad ..
Napipikit siya.. Ano ang ginawa niya at s pakiramdam niya kinasusuklaman siya nito?? They have just met..
Nagkibit ng balikat si Donya Ramona.
Ganoon pa man ay kailan ay kailanganng makita niya ang plantasyon, hijo.. Maaring mong ipaliwanag kay Giana ang paraan natin ng pagtatanim at pag gagatud ng tabako...
Nag angat ng mukha si Giana at ngitian ang matanda... Ikagagalak kong makita ang buong plantasyon, Tiya Ramona.. Hindi ko nakikita ng ganito kalawak na pataniman dito sa Pilipinas....
Oh, sure, naintindhan namin iyon, agap ni Brad sa hindi nag bahagomg tono...
Pero sa California ay nakapag tour na ako sa malaking plantasyon doon ng mga gulay at ochard.... dugtong niya na tila hindi nagsasalita si Brad...
Really hija?? Hindi nabanggit ni Adrian sa telephono na sa California kayo. nagkakilala... Ang pagkakam namiy mula dito sa Pilipinas ay sadyang pinupunta ka ni Adrian sa Nevada upang doon mag pakasal... ang matanda na kinikitaan ng kunti pagkamangha...
Hindi kami nagkaroon ng maraming pagkakataong ni Adrian na mag usap tungkol sa aming mga sari sarili...
Pero tinitiyak ko sa brother in law ko na hindi na bago sa akin ang tanawin at gawain dito sa asyenda.. I like farm work..
Isa akong Agriculture graduate at Student exchange sa California sa loob ng isang taon... Sa sulok ng mga mata niyay nakita ang bigla pag angat ng ulo ni Brad.. Itinuon niya ang pansin sa pagkaing nasa pinggan niya at sumubo...
Oh!! Si Donya Ramona na kinikitaan na galak sa mukha..
Mahusay pumili si Adrian na mapapangasawa.. Someone who will be interested with his inheritance at pagyamanim ito... Not to mention very beautiful, too...
I'm sure na lubhang interesado si Giana sa mana ni Adrian mama, agap ni Brad sa tonong may palalim na kahulugan...
Bigla siyang nag angat ng mukha at tumingin dito... Sinalubong ng binata ang kanya mga mata na naghahamong pasubalian niya ang sinabi nito..
Anong ang sasabihin niya?? Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig?? Na pumayag siyang pakasal kay Adrian dahil sa mana nito??
Nag buka siya ng bibig upang sagutin ito subalit bigla nagsalita si Donya Ramona..
Mapapakinabangan mo ng husto sa plantasyon ang kursong tinapos mo, Giana..
Ngumisi siya.. Natitiyak ko, Tiya Ramona, sabay sulyap kay Brad..
Kung matagal mang hindi nAkapag ukulan ng panahon ni Adrian ang trabaho nya rito, I sure make it up..
Inabot ang binata ang baso ang tubig at uminum pagkatapos tumayo na..
Huwag mo pansinon si Brad, hija Napakaraming trabaho rito sa plantasyon at siya lahat ang namamahala Kaya laging mainit ang ulo..
Ipinagkibit lang niya iyon ng balikat bagaman nasa isip na mahihirapan siyang pakitunguhan ang bayaw niyang ito.. Na lagi nay may kahulugan ang mga sinasabi
You looked refreshed, hija,.. Donya Ramona na sinalubong siya ng pumasok siya sa dining room..
Si Brad na nakaupo sa kabisera ng mesa ay hindi tuminag ... Nakalimutan o sadyang kinalimutan ang etiquette...
Nakatulog ho ako...
Dahil sa pagod sa haba ng byahe.. dito kana umupo sa kanan ni Brad...
Walang kibong Naupo sa tinuturong upuan ni Donya Ramona na patuloy sa pagssassalita upang mapalagay siya.. Gutom siya at masarap ang ulam pero sa hostility na nakikita niya sa mukha ng bayawv niyay parang naglaho ang gana niya..
Kumain ka ng marami, Giana. You're very slim..
Inabutan siya ni Brad ng pagkain sa kaswal na paraan. Umasal siya ng " thank you"...
Bukas, hija, at ipapasyal ka ni Brad sa plantasyon..... Patuloy ni Donya Ramona...
Hindi sinasadyang nag angat siya ng ulo upang sulyapan ang bayaw at na nakita niyang nagdilim ang mukha nito sa sinabi ang ina..
I doubt if she enjoy the tour, Ma... Sa nakikita natin ay tipong hindi sanay ang bago ninyong manugang sa buhay dito sa asyenda,.. Si Brad na maliban sa pag sulyap ay nagpatuloy sa pagkain... Baka ni hindi niya matukoy kung alin ang tabako at baywang..