Kinabukasan ay maagang pumasok si Misty sa pag-aakalang wala pa non ang boss niya pero mas maaga pa pala ito pumasok at hinihintay na lamang siya. Pinilit niyang wag itong bigyan ng pansin pero uupo pa lang sana siya nang hawakan nito ang kanyang braso at hinarap siya nito dito.
" Are you okay?" Pagtatanong nito. Bakit pa ito nagtatanong? Halata namang hindi diba! Hindi siya okay. Kahit kailan ay hindi siya naging okay dahil dito. Dahil sa mga pinaggagawa nito na hindi na talaga nakakatuwa. Bakit ba kasi magkakagusto lang ito ay sakanya pa.
" Ayos lang ho ako." Magalang niyang sagot. Naalala niyang wala nga pala siyang sumagot dito ng pabalang dahil ito ang kanilang boss at isa lang siyang empleyado. Kita sa mga mata ng lalaki na hindi ito naniniwala sa kanyang sagot may nakikita rin siyang kung anong emosyon doon. Naguguilty ito? Galit sa nangyari sakanya? Hindi niya maintindihan.
" No you're not." Napahinga ito malalim. Nagulat na lamang siya ng bigla itong lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at sumunod siya. Para kasing may hindi magandang mangyayari sa ora palang nito noong kausap siya halatang di good ang mood ng lalaki at baka madamay pa ang ibang mga empleyado.
Nakasalubong niya si Mary.
" San pumunta?" Pagtatanong niya sa kaibigan.
" Bess nasabi ko kasi yung nangyari kahapon. Mukhang pupuntahan si Marielle eh." Si Marielle yung empleyado rin na nang-away sa kanya.
" Bakit sinabi mo pa?"
" Nagtanong eh. Saka baka matanggalan ako ng trabaho kapag hindi ako nagsabi ng totoo." Pagpapaliwanag pa ng kaibigan niya.
" Hays. " Napakamot na lang sa ulo niya si Misty hindi niya alam ang gagawin.
" You're fired." Sabi ni Ashton sa empleyado niya na nangmaliit kay Misty. Ayaw niya sa lahat ay nasasaktan ng emosyonal o pisikal ang babaeng mahal niya. Hindi niya kaya kapag ganon. Naiirita talaga siya. At ang babaeng to ay inubos ang pasensya niya.
" Sir bakit po? Wala naman akong ginagawang masama. Bat niyo ko tatanggalin." Pagdadahilan pa ng babae.
" Sino na sa inyo ang ginawan ng masama ng babaeng to?"
Tumingin ang babae sa mga nakapaligid sa kanya na parang sinesenyasan ang mga kasama na walang sinuman ang dapat na magsalita.
" Ako po. " Hanggang sa may nagtaas ng kamay. Napangiti si Ashton dahil may dahilan na siya upang tanggalin ang babae sa trabaho nito.
" Pinapagawa niya po sakin ang mga bagay na dapat ay trabaho niya pati na rin ang ibang mga empleyado ay ginaganon niya rin po. " Sabi ng babae. Kaya napaawang ang labi ni Marielle. Di inaasahan na may magsasalita laban sa mga kamalian niya.
" That's already a enough reason for firing you. So you're fired. You're no longer part of my company. " Muling sabi ni Ashton. Wala namang magagawa ang iba dahil siya ang boss at may ari na ng kompanya.
" Pero Sir-" Hindi na nito na tuloy ang sasabihin dahil hindi ito pinatapos ni Ashton.
" Just leave my company. O gusto mong ipakaladkad pa kita sa mga gwardya." May pananakot nitong sabi sa babae.
" Anong ginawa mo?" Pagtatanong ni Misty kay Ashton.
" I fired her." Sagot nito sa babae wala man lang kahit anong pag aatubili.
" Ano? Bakit mo siya tinanggal? " Galit na sigaw ni Misty sa lalaki.
Huli na dahil wala na yung Marielle umalis na. At wala ng trabaho. Huli na siya.
" Bakit ka niya sinaktan?" Balik naman nito.
" Hindi naman big deal yon."
" Kung hindi big deal sayo then for me it's a big deal! " Mariin nitong sabi.
" Pwede namang kausapin na lang."
" ang mga taong ganon hindi na madadaan sa kausap at isa pa hindi lang naman ikaw ang ginawan niya ng ganoon. At ayoko ng maulit pa ang ganong pangyayari! " Pinal na nitong sabi.
" Bakit mo ba kasi ginagawa ang lahat to? Hindi kita maintindihan! Ano ba talagang gusto mo ha? Hindi porket boss ka ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo! " Sigaw niya naman sa lalaki.
" You ikaw ang gusto ko! So I'll do everything and anything just to protect you. Kahit tanggalin ko pa lahat ng empleyado basta wala lang mananakit sayo."
Hindi nakapagsalita si Misty. At dahil sobrang lapit nila sa isat isa ay naramdaman niya na lang na paglapat ng labi ng lalaki sa labi niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya na hinayaan niya lang ito na halikan siya at di man lang niya tinulak bagkus ay pumikit pa nga siya.
Hanggang sa " Hala bat may halikan." Nakita sila ni Mary. Napaiwas ng tingin si Misty. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa kaibigan. Malamang ay kung ano na ang iniisip nito. Pero isa lang ang sigurado niya at yun ay malamang namumula na siya.