"Umurong ka nga!" naiinis na sabi niya dito. Halos sakupin nang kanang braso nito ang espasyo niya. Kanina pa nagkakabanggan ang mga braso nila at naasiwa siya sa init na hatid ng braso nito.
"Are you mad at me?" tanong nito habang bahagyang inuurong ang upuan nito. Hindi ang saya-saya ko nga!
Naiinis siya sa inasal nito kagabi. Nahirapan tuloy siyang matulog dahil pabalik-balik sa isip niya ang matipunong pangangatawan nito. Idagdag pa ang guwapong mukha nito. Wala siyang makitang kapintasan dito. Kamuntikan pa siyang ma-late dahil sa pagpapantasya dito. Hindi niya ito kinibo. Itinuon niya ang atensyon sa pinapaliwanag ng kanilang guro.
"May problema ka ba?" untag ng kaibigan niya. Tila napapansin na nitong kanina pa siya wala sa mood.
"Wala," matabang niyang sagot. Kasalukuyan silang nasa school canteen at kumakain ng kwek-kwek. Break time nila nang oras na iyon.
"Alam ko meron. Halata ka girl," pangungulit nito. Agad naman siyang napatingin dito.
"Halata ba," tanong niya. Masyado ba akong obvious?
"Oo. Sabihin mo na ano ba kasing problema mo?" muling tanong nito. Seryoso na itong nakatingin sa kanya.
"Iyong bakulaw na iyon, Tricia. Siya ang problema ko," naiinis niyang sabi. Nangunot naman ang mukha nito.
"S-sinong bakulaw naman?" nagtatakang tanong nito.
"Speaking of the bakulaw, papalapit na siya dito," walang kangiti-ngiting sabi niya habang masama ang tingin sa bulto na papalapit sa puwesto nila ng kaibigan. Malawak ang pagkakangiti nito.
"Hi, is it alright if I join you girls?" tanong nito nang makalapit. Tumango ang kaibigan niya kaya umupo na ito sa tabi niya.
"What's that?" takang tanong nito sa kinakain niya.
"Kwek-kwek," walang ganang sagot niya.
"It looks like boiled egg and what's the color orange thing made of?" tanong pa muli nito. Tila naman naiinis na siya sa mga tanong nito.
"Hay, ang ignorante mo naman. Ito gawa sa harina, okay? Flour in English," naiinis na paliwanag niya.
"Gusto mo bang tikman?" natatawang alok ng kaibigan niya dito. Inabot nito ang isang platong may lamang kwek-kwek na nakababad sa suka na may sliced na pipino. Tinikman naman nito iyon.
"It tastes good," Napa-thumbs up pa ito.
"Nakakaintindi ka naman ng tagalog. Bakit hindi ka na lang magtagalog?" tanong niya bago muling sumubo.
"I understand tagalog and I can speak too. Kaya lang nabubulol ako," sabi nito pagkatapos ay muling sumubo. Gustong-gusto ata nito ang kwek-kwek.
Natawa naman sila ni Tricia sa accent nito. Bulol nga!
"Dito ka ba ipinanganak sa Pilipinas?" tanong ng kaibigan niya.
"Nope. I was born in Canada. When I was ten years old my grandmother and I decided to go back here," paliwanag nito.
"Nasaan naman ang parents mo?" tanong ulit ng kaibigan niya. Siya naman ay tahimik lang na nakikinig.
"They're both living in Canada with my brother. Ako lang and yung grandma ko ang nandito sa Philippines," paliwanag pa nito.
"Bakit naman kayo lang ang nandito sa Pilipinas?" tanong ulit ng kaibigan. Feeling niya ay hindi siya nag e-exist.
"My grandma is sick and she wants to relax and spend time with our other relatives here," paliwanag pa nito.
"Bakit isinama ka pa ng lola mo dito? Baka hindi siya maka-relax kasi pasaway ka," singit niya.
"No. I'm not pasaway to her. She took care of me when I was little. I want to take care of her too," sincere na sabi nito. Tila naman may malambot na palad ang humaplos sa puso niya. Natameme siya.
"Tapos na ata ang time natin," ani Tricia nang tingnan ang relong pambisig.
"Okay, class group yourselves into two. I'm going to give each group a topic and you have to explain it in front of the class. All of you needs to participate," paliwanag ng guro nila sa Physics. Abala na ang lahat sa paghahanap ng kapareha. Karamihan ay puro mga katabi na ang naging kapareha. Sila na lang ng kaibigan niya ang partner.
"May partner kana?" tanong ni Natasha sa katabi niyang si Hugo.
"Yes, I have," sagot naman nito. Tila nadismaya naman ang babae sa sagot nito.
Akmang babalingan na niya si Tricia nang may humawak ng braso niya.
"Partner na tayo," sabi nito sa kanya.
"May partner na ako," aniya at pilit hinihila ang brasong hawak nito.
"Who's your partner?" kunot noong tanong nito.
"Si Tricia--" natigilan siya nang makitang magkausap na ang kaibigan at si Rick.
"She found her partner already. You don't have any choice but to be my partner," bulong nito sa kanya. Nakalapit na pala ito. Kinikilabutan siya sa pagdampi ng mainit nitong hininga. Nanglingunin niya ito ay kinindatan siya nito. Sinuwerte ang bakulaw! Wala na siyang nagawa pa dahil ipinasa na nito ang papel na may pangalan nila sa guro para makuha ang topic na ibibigay nito.
"Lily, gising na!" sigaw ng kanyang ina kasabay ng katok. Naalimpungatan siya sa mga katok nito. Nagpabiling-biling pa siya. Sabado nang araw na iyon kaya't ayos lang kung tanghaliin siya ng gising. Inot-inot na bumangon siya at pinasadahan ng tingin ang wall clock. Alas-otso na pala ng umaga. Humihikab pa siya nang pagbuksan ng pinto ang ina.
"Ma, Sabado po ngayon at walang pasok. Bakit ang aga mo manggising?" nag uunat pa niyang tanong.
"May bisita ka sa baba anak. Suklayin mo nga yang buhok mo at maghilamos ka. May natuyong laway ka pa," seryosong utos nito habang sinisipat ang mukha niya.
"Ma, naman. Palagi naman akong ganito paggising ko. Hindi ka pa ba nasanay?" nakasimangot na sabi niya. Sa totoo lang ay tamad siyang mag suklay ng buhok kapag walang lakad.
"H'wag kang bababa ng ganyan ang hitsura, Lily. Sinasabi ko sayo," nawe-weirduhan na siya sa mama niya. Kahit nga bumababa pa siyang puro muta ay wala itong pakialam. Nagpatiuna na ito. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang ka-weirduhan nito. Pumasok siya sa banyo at nagsipilyo. Naghilamos na rin siya ng mukha. Ang buhok niya ay ipinusod niya na lang ng hindi sinusuklay. Pagkatapos ay bumaba na siya. Naririnig niya ang hagikhik ng kanyang ina sa sala.
"Anak, nandyan kana pala. Itong classmate mong si Hugo. Ang sabi ay may group report daw kayo?" baling ng ina sa kanya.
"Opo, pero kahit ako na lang po ang gumawa nun," aniya at umupo sa tabi ng kanyang ina.
"Maki-cooperate ka naman dito sa ka grupo mo. Mabuti nga't sinadya ka pa niya," sermon ng ina.
As if naman napaka layo ng bahay ng bakulaw na ito!
"Sa katapat na mansyon lang naman natin siya nakatira," nakasimangot niyang sabi sa ina. Pasimple niyang inirapan ang bakulaw. Nakangiti pa rin sa kanya.
"O, siya maiwan ko muna kayo. May pupuntahan lang ako sa bayan," paalam ng ina bago umalis. Nasundan na lang niya ito ng tingin. Tumikhim naman ang binata para agawin ang pansin niya. Masama ang tinging ipinukol niya dito.
"Bakit ba pumunta ka pa dito? Ako na lang ang gagawa ng report," pagsusungit niya.
"No. We have to do it together," matigas na sabi nito. Ibinukas nito ang dalang laptop.
"E, di hatiin na lang natin tapos kanya-kanyang gawa," suhestiyon niya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Seryoso ang mukha nito.
"Still no. Huwag ka ng makulit," tinig nane-nermon.
"Ikaw nga itong makulit," naiinis niyang sabi.
"It's a group report so we need to do it together," seryosong sabi nito.
Gusto na niyang sabunutan ang sarili sa inis. Hindi ba nito ma-gets na ayaw niya itong kasama. Hindi pa nga sila nag-uumpisa ay nag aaway na sila. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Okay, sige. Mag start na tayo para maaga tayong matapos at makauwi ka na," sarkastikong sabi niya. Tumayo siya at nagtungo sa kuwarto. Kinuha niya ang notebook at ballpen, pati ang libro niya sa Physics bago muling bumaba.
"Ikaw ang maghanap sa internet at ako naman dito sa libro," seryosong sabi niya.
"Okay, then," pagsang-ayon nito. May ilang minuto silang naging busy. Walang nagsasalita. Tutok ang mata ng binata sa laptop nito.
"Look at this, I think it explains our topic very well," Maya-maya'y sabi nito. Binaling nito sa kanya ang tingin. Tinatamad na nilapitan niya ito at tumabi rito. Binasa ang nasa harap ng monitor.
"What do you think?" tanong nito. Na amoy na niya ang mabangong hininga nito sa sobrang lapit nila. Kinikilabutan siya sa nararamdaman.
"P-pwede bang umusog ka ng konti? Magkakapalit na tayo ng mukha eh," iritadong sabi niya. Umusod nga ito ng konti.
"Usog pa," utos niya.
"My goodness! Do you have a period?" tila iritable na sabi nito.
Natigilan naman siya sa tanong nito. Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito.
"Wala kang pakialam kung meron man ako o wala," singhal niya. Buwesit talagang lalaki na ito.
Natahimik na ito at inabala ang sarili. Siya naman ay ganun din. Nang makaramdam ng gutom ay nagtungo siya sa kusina. Iniwan niya ito. May nilutong pancake ang mama niya. Nag timpla siya ng gatas at juice. Hinatid niya ang mga iyon sa sala at ipinatong sa center table.
"Kumain ka kung gusto mo," walang emosyon niyang sabi. Mabuti nga at inalok niya pa ito. Inumpisahan na niyang kumain ng pancake.
"Thanks!" nakangiting sabi nito bago nag umpisang kumain na rin.
Matapos kumain ay muli nilang ipinagpatuloy ang ginagawa. Nawala sa ginagawa ang atensyon niya nang mapansing hindi na ito sa laptop nito nakatingin. Nakapangalumbaba ito habang walang kurap na nakatingin na sa kanya! Naasiwa naman siya dito. Kinuha niya ang unan at binato ito. Na alerto ito kaya nailagan nito iyon. Buwesit! Muli niyang kinuha ang isa pa at binato uli ang binata. Tumayo na ito kaya tinamaan niya ito sa tagiliran. Nakangiti itong lumalapit sa kanya.
"Natutulala ka kasi!" aniya habang kinukuha ang unang naibato niya dito.
"Ang ganda mo kasi," nakangiting sabi nito habang lumalapit sa kanya.
"D'yan ka lang. Huwag kang lalapit," nanlalaki ang mga matang banta niya. Hindi ito nakinig. Nang malapit na ito ay pinaghahampas niya dito ang hawak na unan. Pilit naman nitong inaagaw iyon. Napuno ng tili niya at tawa ng binata ang sala. Maya-maya ay pareho na silang humihingal. Pinapawisan na rin siya. Hindi siya nakahuma nang kabigin siya nito at halikan sa noo. Naipikit niya ang mga mata. Tila huminto ang oras. Rinig na rinig niya ang pag t***k ng kanyang puso.
Ano bang ginagawa mo sa aking bakulaw ka!