Nagpalakpakan ang mga kaklase nila matapos nilang mag-report. May ibang nagtitilian pa. Mistulang naging love team sila nito sa classroom.
"Kiss naman, dyan!" pangbubuyo ng isa nilang ka-klase. Nagsipag-gayahan naman dito ang iba niya pang ka-klase. Naririndi na ang tenga niya. Nag iinit ang mukha sa labis na pagkapahiya. Nang tingnan niya ang bakulaw ay napalawak pa ng pagkakangiti. Tila gusto pa nito ang pangbubuyo ng mga ka-klase sa kanila. Binaling nito ang tingin sa kanya at unti-unting lumapit. Siya naman ay umuurong paatras.
"Subukan mo lang na halikan ako," pinandilatan niya ito. Iniumang niya pa ang kamao na akmang manununtok. Kahit nakakahinayang suntukin ang guwapo nitong mukha ay gagawin niya. Labis ang nerbiyos niya. May sakit na siguro siya sa puso.
"Woah, relax love. I'm not going to kiss you. I will only do that when the right time comes," natatawang sabi nito. Hinawakan nito ang nakaumang niyang kamay at inalalayan siya pabalik sa upuan nila. Wala siyang angal. When the right time comes.
"Sumusobra na talaga 'yang bakulaw na yan!" nanggigigil niyang sabi. Napangiti naman ang kaibigan niya. Seryoso niya itong tiningnan.
"Isa ka pa Patricia, naiinis din ako sayo. Nakikisali kapa sa mga nanunukso sa amin," nakabusangot niyang sabi.
"Ang cute niyo kasing dalawa. Bagay na bagay nga kayo," tila iniinis pa siya nito.
"Tse! Kahit siya na lang ang nag iisang lalaki sa mundo hindi ko siya magugustuhan," gilgil na sabi niya. Tila naman may bahagi ng isip niya ang kumukontra.
Napapailing na lang ang kaibigan niya.
"Sa palagay ko crush ka nung tao. Bigyan mo naman ng chance," nakangiting sabi nito. Tila naman kinilabutan siya sa sinabi ng kaibigan. Crush ba talaga siya nito?
"Crush niyang mukha niya sa pader," maarteng sabi niya.
Kinagabihan ay nakatanggap siya ng text messages mula sa unknown sender.
From:+639**********
I miss you every minute and every second. I want to see your smile now, my love.
Nangunot ang noo niya. Sino naman kaya ang magsi-send sa kanya ng ganung text? Wrong number siguro.
Nag type siya ng reply dito.
Reply:
Sorry wrong send ka.
Tumunog ang cellphone niya nang may pumasok na message. Galing sa unknown number.
From:+6309*********
No. I'm sure that this is the right number. Can I call you?
Reply :
Wrong number ka nga at hindi mo 'ko pwedeng tawagan. Magagalit ang boyfriend ko!
Napangiti siya sa naisip na ireply. Wala siyang oras na makipaglokohan dito. Sigurado na titigil na ito.
Halos mabitawan niya ang cellphone nang tumunog ito at rumirehistro ang unknown number. Tumatawag na ito. Nakaramdam siya ng munting kaba. Huminga siya ng malalim bago iyon sinagot.
"Hi," anang baritonong boses sa kabilang linya.
"Sino ka? At saan mo nakuha ang number ko?!" singhal niya dito.
"Woah! Wait my love. It's me Hugo. I just want to make friends with you," natatawang sabi nito. Bakit ang sexy ng boses nito sa pandinig niya.
"Friends mong mukha mo! Sinong nagbigay sayo ng number ko?! Naiinis niyang tanong.
"I'm sorry love, I promise to that person that I'm not gonna tell you," kalmadong sabi nito. Napipikon na siya dito. May pa love, love pa ito ngayon.
"Wag mo nga akong tawaging love! Love, love mong mukha mo. Bakulaw!" Napipikon niyang sabi.
Napabuntong hininga ito.
"How am I going to court you? You're always mad at me," malungkot na sabi nito. Natahimik siya.
"What have I done to you? What do I need to do for you to like me?" untag nito sa kabilang linya. Tila nagsusumamo ang tinig nito. Pinanlalambutan siya ng tuhod. Ano bang mga pinagsasabi nito. Tila may bahagi niya ang nakukonsensiya. Wala siyang maisagot dito. Namalayan na lang niyang naibaba na niya ang cellphone at tila wala sa sariling pinindot ang end call button.
Lumipas ang ilang mga araw na panay ang papansin nito sa kanya. Manhid na ata siya sa pangbubuyo ng mga ka-klase niya dito. Mayroong nagsusulat pa sa pisara ng pangalan nilang dalawa na may nakalagay na puso sa gitna.
Araw ng Sabado. Binisita siya ng kaibigang si Tricia. Nasa veranda sila nito habang kumakain ng dala nitong donuts.
"Hindi mo ba talaga bibigyan ng chance 'yang si Hugo? Mukha namang gusto ka talaga niya?" tanong ni Tricia bago kumagat sa hawak na donut.
"Ano ka ba naman Tricia. Ang ba-bata pa natin para makipag-boyfriend noh? Sigurado hindi papayag si mama," sagot niya habang nakatingin dito. Humaba naman ang nguso nito.
"Sus, eh marami na namang kaedad natin ay may mga boyfriend na. Kawawa naman si pogi. Mukhang patay na patay sa beauty mo eh," may panunukso sa tinig nito.
"Teka nga? Kung makasalita ka tungkol sa boyfriend, boyfriend na 'yan. Umamin ka nga sa' kin. Kayo na ba ni Rick?" nandidilat na tanong niya. Ang usapan nila ay wala munang magbo-boyfriend. Kung sakali man ay dapat ipaalam muna nila sa isa't isa. Best friend forever pa naman ang peg nila kaso mukhang may inililihim ito.
"Sira ka. Magkaibigan lang kami ni Rick," natatawang tanggi nito. Binigyan niya ito ng naghihinalang tingin.
Tumunog ang door bell. Akmang tatayo na siya nang pigilan siya ng kaibigan. Ito na ang nag-presintang buksan ang gate. Nang bumalik ito ay may kasunod na itong malaking bulto. Walang iba kung hindi ang kanina pa nilang topic. Si---bakulaw! Anong ginagawa niya dito? Iniistorbo na niya ako buong araw na may pasok sa school pati ba naman sa rest day ko?!
"Hi," nakangiting bati nito sa kanya. Binigyan naman niya ito ng malutong na irap. Tila hindi naman ito apektado.
"Hijo, napadalaw ka," bungad ng kanyang ina na na kalapit na sa binata. Nag mano naman ito sa mama niya.
"Hello po, Tita," magalang na sabi nito sa ina niya.
"Dinadalaw mo ba ang anak ko?" nakangiting tanong nito.
"Yes, tita. I want to give these flowers to her," anito bago ilabas ang bouquet ng red roses sa likuran. Pinamulahan siya ng mukha. Napangiti ng malawak ang mama niya.
"O, Lily. Binibigyan ka niya ng bulaklak. Naku, napaka-sweet mo naman, Hijo," tila aliw na aliw na sabi nito. Siya naman ay tila na stroke sa kinauupuan.
"Lily, kuhanin mo na ang bulaklak sige ka baka mangawit 'yan," panunukso ni Tricia. Tiningnan niya ito ng masama.
"Lily, abutin mo na," maawtoridad na utos ng ina niya. Inabot naman sa kanya nito ang dala nitong bulaklak. Nanginginig pa ang mga kamay nang bahagyang magdampi ang mga daliri nila. Bakit ang epal mo mama?!
"O, maupo kana, hijo" baling ng ina niya sa binata. Tumalima naman ito. Hindi man lang nagalit ang mama niya. Ayaw pa siya nitong paligawan, bakit tila maamong tupa ito sa binata?
"Lily, ipagtimpla mo naman ng maiinom ang bisita mo," baling ng ina niya sa kanya. Bahagya pang nandidilat ang mga mata nito sa kanya.
"Po? Bakit ko naman titimplahan ng inumin ang bakulaw na 'yan?" pinandilatan niya ang binata. Tila aliw na aliw ito sa kanilang mag ina.
"Sige na. Mabuti nga at dinadalaw ka pa," dagdag nito. Nagdadabog na tumalima siya. Bakit ang bait ng mama niya sa bakulaw na ito siya itong anak eh!
Nakasimangot na inabot niya dito ang orange juice. Kumakain na ito ng donut nang madatnan niya.
"Wala ba kayong pagkain at dito ka nakikikain?" inis na tanong niya dito.
"We have lots of food. Malungkot kasi kumain na mag isa," sabi nito sabay inom ng orange juice.
"Kaya ka nandito at sinisira ang araw ko?" galit na sabi niya. Wala na ang mama niya kaya malakas ang loob niya na sungitan ito.
"Bes, kalma," singit ng kaibigan niya.
"I'm sorry kung naiinis ka sa akin. I just can't help myself to see you. This is the first time na nagkagusto ako ng sobra sa isang girl. Honestly nahihirapan akong pigilan ang sarili ko,"seryosong sabi nito. Si Tricia naman ay tila hindi makapaniwala sa narinig. Napatakip pa ito ng palad sa bibig. Siya naman ay tinatambol na naman ang dibdib sa presensiya nito.
"Can you please tell me? What do I need to do para magustuhan mo ako?" nagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Omg! Ano bang nangyayari sa Earth?
"Ahm, A-ano bang nangyayari sayo?" kabadong sabi niya. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang kasalanan dito. Naguguluhan na ang buong sistema niya.
"I don't know. I think I'm crazy... for you," matamang nakatingin ito sa mga mata niya. Malaki nga ang tama nito sa kanya. Pakidampot ng puso ko, nahulog na ata sa sahig sa kakatalon nito. Tila siya na tauhan nang marinig ang impit na tili ni Tricia. Kilig na kilig ang bruha niyang kaibigan na animo'y nanunuod ng romantic movie.
"Dapat siguro ay dalhin kana namin sa mental hospital. Malala kana," may pang uuyam na sabi niya para itago ang kilig. s**t! Konti na lang baka hindi ko na makaya at bumigay na ako sa guwapong bakulaw! hiyaw niya sa isip.
"I understand kung hindi mo pa ako gusto but I promise you my love, I won't stop until you feel the same," may determinasyon sa boses nito.