Chapter Six

1980 Words
"Ano sa tingin mo Angel sasagutin ko na ba yung bakulaw na iyon?" kausap niya sa alaga habang binibigyan ito ng pagkain. Magdadalawang buwan na rin siya nitong sinusuyo. Sa bawat araw na dumadaan ay lalo pa niya itong nagugustuhan. Napaka-gentleman nito. Kahit madalas niyang sungitan ay hindi man lang ito apektado. "Baka sumagot yang alaga mo, Lily," sagot ng ina niya na nakarating na pala sa sala. Gulat na napalingon siya sa ina. "Ma!, bakit ba bigla ka na lang sumusulpot d'yan?" naiinis niyang sabi. Natawa naman ang ina niya. "Eh, malamang bahay natin 'to eh," pang aasar nito. Sinimangutan niya ang ina. "Kung gusto mo rin siya anak. Huwag mo nang pahirapan pa. Mabait naman yung tao at sigurado akong magiging masaya kayo. Binibigay ko na ang basbas ko," anang ina sabay kindat. "Loka-loka ka talaga ma. Parang pinapamigay mo na ako sa bakulaw na iyon," nagtatampong sabi niya. "Alam kong mabuti siyang tao, anak. 'wag kang pakipot masyado baka maghanap na iyon ng iba. Sigurado, kung iba ang niligawan nun sasagutin' yun kaagad. Ang guwapo na, magalang pa. Ano pa bang hinahanap mo?" mahabang paliwanag ng ina. Napaisip tuloy siya sa sinabi nito. May punto ito. Maraming nagkakandarapa dito sa school. Campus crush pa nga ito. Tila ayaw niyang tanggapin na magkakaroon ito ng girlfriend na ibang babae. Namalayan na lamang niyang umalis na pala ang ina. Nang marinig ang tunog ng doorbell ay dali-daling tinungo niya ang gate. Alam niyang ang binata iyon. Doon ito naglalagi sa kanila kapag walang pasok. Nang marating ang nakasaradong gate ay nakita niya itong nakatalikod habang may kausap sa cellphone. "Yeah, I'm sorry honey," sagot nito. Tila na-curious siya at nakinig sa pakikipag usap nito. May tinawag itong 'honey' "Maybe after our exam I will visit there. Tell her I miss her. Thanks a lot, honey. Alright, bye" iyon lamang at ibinaba na nito ang cellphone. Tila siya itinulos sa kinatatayuan. May girlfriend na pala ito ay nanliligaw pa sa kanya. "Hi," nakangiting bati nito nang malingunan siya. Isang malutong na irap ang ibinigay niya dito bago padabog na binuksan ang gate. Nang mabuksan ay nagmamadali siyang tinalikuran ito at naglakad. Sinundan naman siya nito. "Are you okay?" tanong nito at hinila ang isa niyang braso na ikinatigil niya. Hinarap niya ito ng nakasimangot. "Nanliligaw ka pa eh may girlfriend kana pala!" sikmat niya dito. Naguguluhan itong tumingin sa kanya. "What are you talking about?" nalilitong tanong nito. "Huwag ka ngang magpa-inosente! Hindi bagay sayo!" gigil na sabi niya. "What have I done?" nag aalala na ang mukha nito. "Akala mo siguro hindi ko narinig na kausap mo yung girlfriend mo. May pa honey-honey ka pa nga!" galit na sabi niya. Nang maintindihan ang sinabi niya ay biglang nagliwanag ang mukha nito. Nakuha pang ngumiti. "You're jealous" nakangiting sabi nito. Tila nagpanting ang dalawa niyang tenga sa sinabi nito. "Excuse me? Wag kang feeling masyado. Bakit naman ako magseselos eh, hindi naman kita boyfriend!" sigaw niya para matauhan ito. Nakangiti pa rin ang bakulaw tila hindi apektado. "Eh, di sagutin mo na ako," pang aasar nito. "Nangangarap ka ng gising. Dun ka na sa honey mo!" nauubos ang pasensiyang sabi niya. Ang kapal niya proud pa siya na manloloko siya! Aniya sa isip. Lumakad na siya papasok ng bahay. "Honey is my cousin. She's the one who's taking care of my grandma," paliwanag nito habang nakasunod na pala sa kanya. "She's asking me, kung kailan daw ako magbi-visit sa kanila ni lola," dagdag pa nito. Bakit ba nito sinasabi iyon lahat sa kanya. In-ignore niya lang ito at nagtuloy ng lakad. "Please don't get mad at me. Wala akong ibang babae. You're the only girl I want," panunuyo nito. Nakaramdam na naman siya ng kilabot sa mga sinasabi nito. "Don't get jealous," masuyong sabi nito. Nahawakan na naman nito ang kamay niya. Napahinto siya ngunit hindi ito magawang harapin. Ayaw niyang tingnan ito sa mga mata. Rumagasa ang kilabot sa kanyang katawan nang hapitin nito ang baywang niya mula sa likuran. Ipinatong pa ang baba sa balikat niya. "H-hindi sabi ako nagseselos," mahinang usal niya. "Why are you avoiding me again? Why are you angry?" Sunod-sunod na tanong nito. Wala siyang maapuhap na sagot. Ano nga bang dahilan? Napabuntong hininga siya. "H-hindi ko alam," wala sa loob na sabi niya. Tila hinihigop nito ang lakas niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa silang nanatili sa ganung posisyon bago siya iniharap nito. "Don't force yourself to like me. Gusto ko kapag sinagot mo na ako ay love mo talaga ako," seryosong sabi nito. Tila may sariling buhay ang mga kamay niyang yumakap dito. Dinama ang init ng katawan nito. Nakatagilid na isinandal niya ang ulo sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang t***k ng puso nitong tila musika. NAGTATAKA siya nang araw na iyon dahil hindi pumasok ang binata. Hindi naman ito lumiliban sa klase. Hindi siya mapakali at gustong pabilisin ang oras para mag uwian na. Nag text siya dito kanina ngunit wala pang natatanggap na reply mula rito. Ano na kayang nangyari sa bakulaw na iyon? nag aalalang tanong niya sa isip. "Nakakapagtaka naman yata na absent si Vice President?" ani Tricia. "Nag text ba sayo?" tanong pa nito. Umiling lamang siya. "Wala pang reply," malungkot niyang sabi nang tingnan muli ang cellphone. Hindi nito ugali ang hindi siya replyan. Nang matapos ang oras ng kanilang huling subject ay magkasama sila ni Tricia na pumunta sa mansyon para kumustahin ito. Nang marating ang gate ng mansyon ay ilang beses niyang pinindot ang doorbell. Makalipas ang dalawang minuto ay may nagbukas na katulong. Sa tantiya niya ay nasa early forties na ito. May malusog na pangangatawan at kulot ang hanggang balikat na buhok. "Anong kailangan nyo mga, hija?" malambing na tanong nito. "I-itatanong po sana namin kung nandyan po si Hugo?" magalang niyang tanong. Agad naman itong tumango. "Nasa loob siya. May kailangan ba kayo?" tanong pa nito. "Siya po ang girlfriend ni Hugo bibisitahin niya po sana," singit naman ng kaibigan niya. Agad niya itong pinandilatan. "Bakit mo sinabi yun?" bulong niya dito. Pinandilatan din siya nito. "Shh.. Wag ka nang kumontra," bulong din nito. Nag palipat-lipat naman ng tingin ang katulong sa kanila. Pilit na ngiti naman ang ibinigay nilang pareho dito. Nagkibit balikat na lamang ito at pinapasok sila. "Nasa kuwarto ang seniorito at kanina pa hindi bumababa. Hinatidan ko ng pagkain ngunit ayaw akong pagbuksan ng pinto," nag aalalang sabi nito habang iginigiya sila sa loob. Nang makapasok ay halos malula sila. Napakalaki nyon kumpara sa sala nila. May mga babasaging malalaking vase. May nakasabit na chandelier. Carpeted din ang sahig. Pinaupo sila nito sa bakanteng sofa. Umalis ito sandali. Nang bumalik ay may dala na itong cookies at dalawang baso ng malamig na pineapple juice. Inilapag nito ang mga iyon sa center table. "Sandali lamang at tatawagin ko ang seniorito," paalam nito bago tinungo ang hagdan. "Ang yaman pala talaga ni Vice President ," manghang sabi ng kaibigan niya habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng sala. Maging siya ay namamangha sa nadadaanan ng kanyang mga mata. Matagal nang nakatayo ang mansyon na iyon ngunit ngayon lamang sila nakapasok sa loob niyon. Nabaling ang tingin nila sa matandang katulong nang bumaba ito. "Ayaw magbukas ni seniorito ng pinto," malungkot na sabi nito. "Pwede po bang kami na ang kumatok? Nag aalala na po kasi ang girlfriend ni Hugo," sabi ng kaibigan at tiningnan pa siya ng 'wag kang kumontra look' Napatango na lang ito at iginiya sila pa akyat. May ilang mga pinto silang nadaanan bago narating ang kuwarto ng binata. Nasa may pinakadulo iyon. "Ito na ang kuwarto ng seniorito, kayo na ang bahalang kumatok," anang katulong. Iyon lamang at iniwan na sila nito. Inumpisahan na niyang kumatok kasabay nang pagtawag sa pangalan nito. Lumipas ang dalawang minuto ay wala pa ring nagbubukas. Sinubukan na rin ni Tricia na kumatok. Nilakasan nito iyon at sabay silang tinawag ang pangalan nito. Natigilan sila nang bumukas ang pinto at iluwa ang iritadong mukha ni Hugo. Magulo ang buhok nito at mukhang matamlay. "Ahm, nag aalala kasi---" hindi na niya natapos ang sasabihin nang yumakap ito sa kanya. Kamuntik pa siyang mawalan ng balanse. Napaka-init ng katawan nito. "Ayos ka lang ba Vice president?" alalang tanong ng kaibigan niya. "May sakit ata siya Tricia. Maiinit siya," aniya sa kaibigan habang nakayakap sa binata. Pinagtulungan nilang maihiga ito sa kama nito. "You're here my love," tila na nanaginip pang sabi nito. "Kanina pa siya nag aalala sayo," ani Tricia. "Manahimik ka na nga Patricia!" inis na sabi niya dito. Masyadong madaldal ang kaibigan niya. "Is that true?" nanghihinang tanong nito sa kanya. "May sakit ka dapat ay uminom ka ng gamot," nag aalalang sabi niya. Pilit nitong inaabot ng isang kamay ang kanyang mukha. "Is that true, my love? You're worried about me?" kahit masama ang pakiramdam ay nakukuha pa nitong ngumiti. "Sus! Bigyan mo na ng yakapsul, friend nang gumaling agad," panunukso ni Tricia. Pinandilatan naman niya ang kaibigan. "Buwesit ka talaga. Lagot ka sa akin mamaya!" napipikong sabi niya. Tumawa lang ito. "My love answer me," singit ng binata habang hawak ang kanyang pisngi para mapirmi ang paningin niya dito. Nakakapaso ang init nito. "Naks! Mukhang pa epal na ako sa moment niyo. Uuwi na ako at baka hinahanap na ako ni mama," ani Tricia at agad tinungo ang pinto bago pa siya makapagprotesta. "Ahm.. Ano ikukuha lang kita ng gamot," aniya at akmang tatayo ngunit pinigilan siya nito. "No. Stay here. Ikaw ang gamot ko," nakasimangot na sabi nito. Diyos ko naman may sakit na dumada-moves pa! "Hindi. Kailangan mong uminom ng gamot at saka hindi kapa raw kumakain," himig nanenermon niyang sabi. "Okay. I will eat, but don't leave me," pagsusumamo nito. "Promise dito lang ako," sabi niya habang nakataas pa ang kanang kamay. "Pero kukuha lang ako ng makakain at gamot mo. Dito ka lang," tila bata ang kausap niyang sabi. Tumango lang ito. Bumaba siya at nagpatulong sa matandang katulong na ihanda ang pagkain nito. Kumuha na rin siya ng ilang tableta ng gamot at nagtuloy na sa kuwarto nito. Nakapikit ito ngunit agad ding nagdilat ng mata nang pumasok siya sa silid nito. "Kumain ka muna bago uminom ng gamot," sabi niya nang mailapag sa mini table sa gilid ng kama ang dalang pagkain. Inalalayan niya itong makaupo. Macaroni soup ang hinanda niya dito. Sumandok siya at inihipan muna iyon bago sinubo sa binata. Agad namang sinubo nito iyon. Wala itong angal habang sinusubuan niya hanggang maubos nito ang laman ng bowl. "Inumin mo ito," aniya nang ibigay dito ang tableta. Isinubo naman nito iyon at inabot ang baso ng tubig. Pinahiga na niya ito pagkatapos ay inayos ang kinainan nito. "If this is what it feels like to be sick. Ayaw ko na gumaling pa," nakangiting sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya. "Baliw ka talaga," natatawa niyang sabi dito. Umupo siya sa gilid ng kama at nakipagtitigan dito. "Hindi mo na kailangan lagi pang magkasakit kasi..." Sinadya niyang bitinin ang sasabihin. Tila naiinip naman itong nakatingin sa kanya. "Kasi sinasagot na po kita," nakangiti niyang sabi. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "W-what did you say?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. "Wala nang ulitan sa bingi," pang aasar niya. Pinilit nitong bumangon. "I just want to make sure my love. Sinasagot mo na ako?" sinapo nito ang magkabila niyang pisngi. "Oo nga. Pumapayag na akong maging girlfriend mo," nakangiti niyang sabi dito bago kinurot ang ilong ng binata. "Yes! I have a girlfriend now!" sigaw nito at mahigpit siyang niyakap. Tila biglang nawala ang sakit nito. Yumakap na rin niya ito. Maging siya ay hindi makapaniwala na boyfriend na niya ito. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD