MAGKAHAWAK kamay sila nang pumasok sa classroom. Tila gulat na gulat ang mga ka-klase nila nang makita sila. Inalalayan pa siya nitong makaupo.
"Kumusta naman ang mga love birds?" tanong ni Alesha. Inirapan niya lang ito. Hindi niya gusto ang tingin nito sa boyfriend niya. Palagi itong nagpapapansin dito.
"We're officially in a relationship. She's my girlfriend now, " may pagmamalaking sagot nito. Binati naman ito ni Alesha. Napansin niyang sumama ang mukha ni Natasha ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya. Nang mag umpisa ang klase ay ganado siyang makinig. Ganito yata talaga kapag inspired. Lahat ng bagay ay napakagaan. Nakakuha pa silang dalawa ng perfect score sa exam dahil sabay silang nag review nito. Nahahawa na ata siya sa pagiging matalino nito.
Halos hindi na sila mapaghiwalay nito.
"May catsup ka sa bibig," natatawang sabi niya. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang lumampas na catsup.
"I'm so lucky to have you, My love," nakangiting Sabi nito.
"Sus, bola," aniya at inirapan ito. Deep inside ay kilig na kilig naman siya. Kinuha nito ang cup ng iniinuman niyang juice at sumipsip sa straw niyon.
"Sa akin 'yan. Bakit mo ininuman?" gulat na sabi niya. Wala nang nagawa pa.
"It's alright love. Magki-kiss din naman tayo," anito sabay kindat nang maibaba ang cup. Mabilis niyang tinakpan ng palad ang bibig nito.
"Ang daldal mo baka may makarinig," saway niya habang lumilinga sa paligid. Hinuli naman nito ang palad niya at masuyong hinalikan.
"You're so shy and I like it," nakangising sabi nito.
"Tama na nga. Bumalik na tayo sa classroom," aniya at tumayo na. Sumunod naman ito sa kanya at hinapit ang baywang niya habang patuloy silang naglalakad.
"Look, she's so happy," manghang sabi ng binata. Bumili sila ng male goldfish para may kasama na si Angel. Pinangalanan nila itong 'Ace' Tuwang-tuwa si Angel dahil hindi na ito nag iisa.
"Pareho na tayong may boyfriend," nakangiting baling niya sa dalawang isdang masayang lumalangoy sa aquarium. Inakbayan siya ng nobyo at masaya nilang pinagmasdan ang mga isda.
"Ano sa palagay mo, friend?" tanong niya nang tikman nito ang niluto niyang pininyahang manok. Dito kakain si Hugo ng tanghalian at gusto niyang magpa-impress sa nobyo kaya nagpresinta siyang magluto. Tinulungan siya ng kaibigan dahil mahilig din ito sa pagluluto.
"Naparami ata ang asin. Maalat!" lukot ang mukhang sabi nito. Kumuha siya ng tubig at dinagdagan ang sabaw niyon. Muling nilasan kung ayos na.
"Ladies are you done?" tanong ng boyfriend niyang nakapasok na pala sa kusina.
"Ahm.. Wait lang love. Malapit na," sagot niya habang tutok sa ginagawa. Natataranta na siya. Ano pa bang kulang? Dinampot niya ang bote ng suka at akmang lalagyan ang niluluto ngunit pinigilan siya ng kaibigan.
"Hindi nilalagyan ng suka 'yan," pinandilatan pa siya ng kaibigan. Napakamot na siya sa buhok sa pagkataranta.
"Relax lang My love. I am not yet hungry," paglalambing ng nobyo niya. Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan ang kanyang buhok. Tila aliw na aliw naman ang kaibigan niya na tingnan silang dalawa.
"What ever it tastes. I would still eat it," paglalambing nito. Umaariba na naman ang kilig sa kanyang sistema.
"Yun naman pala. Edi, ayos na ito. Sa tamis ng pagmamahalan ninyo walang kwenta ang alat nitong niluto natin," pang aasar ni Tricia.
"Kapag nainlove ka rin, friend. Malalaman mo ang pakiramdam," nasabi na lang niya sa kaibigan.
"Sus, wala sa bokabularyo ko 'yan," animo'y na nunumpa pang sabi nito. Maya-maya ay magkakatulong nilang hinanda ang mga niluto. Nang matapos ay niyaya nila ang ina na sumalo na sa pagkain. Naging magana ang hapag-kainan. Masaya pang nauusap-usap ang lahat.
"Taste this My love," baling ng nobyo niya habang inilalapit ang kutsara sa bibig niya. Agad naman niya iyong tinanggap iyon. Siya naman ang nagsubo dito. Nasasanay na siya sa ka-sweetan nito. Nakangiti pa silang nagkatinginan.
"Ehem, susugurin na ata tayo ng isang batalyong langgam sa tamis ng pagtitinginan niyo," singit ng mama niya. Napaka bully nito na animo'y mag kasing edad lamang sila. Maging siya ay itinuturing itong kaibigan na mama pa.
"Sus, ma, mag boyfriend ka rin kasi," ganti niya sa ina. Napasimangot naman ito.
"Bruha ka. Wala ng papalit sa papa mo. First love ko yun eh, first sa lahat," nakangiting sabi nito ngunit may munting lungkot sa mga mata. Ngumiti siya sa ina. Napaka-faithful nito sa ama niya kahit matagal nang yumao ito.
"It means that I'm so lucky to have you, my love. Like your mom, you are faithful too," sinserong sabi. Na antig naman siya sa sinabi nito.
"Okay, kayo ng mag-ina ang faithful queen," singit ni Tricia at umarteng ipapasa ang korona. Nagtawanan naman sila.
Nang matapos mag tanghalian ay nagpaalam na ang kaibigan. Ang mama niya naman ay namili ng mga stocks na pagkain sa bayan. Sila lamang ng nobyo ang naiwan. Nasa sala sila nito ngayon. Nagkasundo silang manuod ng drama. Ang gusto sana nito ay action movie ngunit nagpaubaya na lang sa kanya. Nang I-play ay mag katabi silang naupo sa sofa habang nakaakbay ito sa kanya. Seryosong nakatutok ang mga mata sa screen. Kwento ng isang mahirap na babae na nagkagusto sa anak ng isang mayamang haciendero. Minamaliit ng malditang babae. Nang nasa eksena na pinapalayas na ang bidang babae matapos saktan ay hindi na napigil ang kanyang mga luha. Masyado siyang nadadala sa pinapanuod. Namalayan na lamang niya ang mga kamay ng nobyo na pinupunasan ang mga luha niya. Niyakap naman siya nito. Nasa ganung posisyon sila hanggang sa natapos ang palabas. Ang ending ay ikinasal ang babaeng bida at ang nobyo nitong anak ng mayamang haciendero. Naghalikan ang mga ito. Nanglingunin niya ay nobyo ay tutok na tutok ang mata nito sa tv. Tinakpan niya ng dalawang palad ang mga mata nito.
"Huwag mo ng tingnan 'yan at maiingit ka lang," natatawang sabi niya. Pilit naman nitong inaalis ang mga kamay niya.
"Why don't you kiss me instead?" pilyong pagkakangiti nito. Natahimik naman siya habang nakatingin dito.
Lumapit siya dito at pigil hiningang tinawid ang pagitan ng kanilang mga mukha. Magaang halik ang ibinigay niya dito. Ilang segundo lamang ang itinagal. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang mukha nito. Seryosong nakatingin sa kanya. Hindi man lang kinilig ang bakulaw.
"Bakit ang seryoso mo?" untag niya dito.
"I thought you're going to give me an aggressive kiss, like the one on tv," pilyong sabi nito. Hinampas niya ito ng mahina sa braso.
"Ang dami mong alam. Sinabi ko na kasing 'wag mo na iyong tingnan," naiinis na sabi niya. Akmang tatayo na siya nang hilahin siya nito. Kinabig pa siya nito dahilan para lalong maglapit ang mga mukha nila. Naaamoy na niya ang mabangong hininga nito. Ilang saglit lamang ay sinakop na nito ang mga labi niya. Napigil niya ang hininga kasabay ng pagpikit ng kanyang mata. Damang-dama niya ang mainit at malambot nitong mga labi. Masuyong gumagalaw. Ang makulit nitong dila ay nagpupumilit na pumasok sa tikom niyang bibig. Ibinuka niya iyon at mabilis namang ginalugad ng dila nito ang bawat sulok ng kanyang bibig. Kusang pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito. Nasasabayan na niya ang ginagawa nito. Tila ayaw na niyang matapos pa ang sandaling iyon. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa alapaap nang oras na iyon. Kapwa sila naghahabol sa hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Bakas ang kaligayahan sa kanilang mga mukha.
"The most sweetest kiss ever," malawak ang ngiting sabi nito. Nanatili pa rin sila nitong magkayakap.
"Do you still have our marriage certificate?" maya-mayang tanong nito.
"Oo. Itinabi ko po, mister," nakangiting sabi niya at mahinang kinurot ang ilong nito.
"I promise you, when the right time comes. I will marry you for real, My love," nakangiting sabi nito bago hinuli ang makulit niyang kamay at masuyong hinalikan.
"You'll be Mrs. Lilybeth Anderson. How's that sound?" bakas ang ngiti sa mga labi nito. Masarap sa pandinig niya.
"Gusto ko. Mrs. Lilybeth Anderson," inulit-ulit niya pa.
"My surname suits you," sabi pa nito bago hinalikan ang tungki ng ilong niya. Bumaba ang halik nito sa mga labi niya at muling naghinang ang mga iyon. Tila ayaw ng magbitiw pa. Uhaw sa isa't isa.