Chapter Eight

1855 Words
"Hi Lily," bati ng ka-klase niyang si Natasha. Hindi niya naman inaasahan ang pagbati nito. Natapos na lang ang third grading period nila ay hindi man lang siya nito pinansin. Nakapagtataka naman yata na mabait itong bruha na ito? "Hi," bati niya rin na sinamahan ng pilit na ngiti. "Gusto ka sana naming yayain pagkatapos ng klase. Magsi-celebrate kasi kami ng birthday ni Alesha," paanyaya nito bago ibinaling ang tingin sa katabing si Alesha. "Oo. Gusto ka naman naming maka-bonding tutal tayo-tayo na lang ang hindi pa magkaka-close sa klase. Gusto sana namin na makilala ka man lang bago tayo maka-graduate ng high school," mahabang paliwanag nito. "Salamat sa pag invite kaya lang ay may usapan na kami ni Hugo na magkikita pagkatapos ng klase," aniya at binigyan ang mga ito ng pilit na ngiti. Akmang aalis na siya nang harangin siya ni Natasha. "Palagi na kayong magkasama ng boyfriend mo saka minsan lang naman kami magyaya nitong si Alesha. Birthday niya pa," may himig ng pangungunsensiya sa tinig nito. "Okay kung iyan lang ang inaalala mo ay i-iinvite din namin si Hugo," singit naman ni Alesha habang nakangiti. Napansin niyang pinandilatan ito ni Natasha. "Ayos lang 'yun," bulong nito sa huli ngunit hindi rin nakaligtas sa pandinig niya. Nahihiwagaan na siya sa mga ikinikilos ng mga ito. "So, ano pumapayag kana ba?" untag ni Alesha. Marahang tango na lang ang naisagot niya sa mga ito. Nag apir pa ang mga ito nang pumayag siya. Ipinagkibit balikat na lamang niya iyon. Matapos ang klase ay naghintay muna siya sa bench. Iniwan siya sandali ng nobyo para bumili ng makakain nila. Naging ugali na nila na tumambay sa bench habang nagme-meryenda bago umuwi. Nagulat siya nang lumapit sa harap niya sina Natasha at Alesha. "Let's go Lily," pag aaya ni Natasha. Nakangiti pa ito sa kanya. "Hintayin lang natin sandali si Hugo. Bumili lang siya ng pagkain namin sa canteen," aniya. Ipinaalam niya rito ang pag iimbita sa kanya nina Alesha at Natasha para sa birthday celebration nito. Pumayag naman ito at sinabing sasamahan siya. "Ano ka ba? Nauna na si Hugo dun sa meeting place kung saan ko isi-celebrate ang birthday ko," pag-iinporma naman ni Alesha. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Hindi na niya sinabi pa sayo. Ang totoo ay pinapasundo kana niya sa amin," segunda naman ni Natasha. Wala na siyang nagawa nang hatakin na siya ng dalawa. Nakapulupot sa magkabilang braso niya ang mga ito. Iginiya siya nito sa likod na bahagi ng paaralan. Hanggang sa tanaw na nila ang harap ng abandonadong gusali roon. May kalumaan na iyon at isang palapag lamang. Nagtataka na siya kung bakit doon sila nagtungo. Walang mga estudyante ang nagagawi roon dahil sa maraming kumakalat na kwentong katatakutan sa gusali. Pinilit niyang kumalas sa pagkakahawak ng dalawa ngunit hindi niya magawa dahil lalong hinigpitan ng mga ito ang pagpulupot sa mga braso niya. "Teka sandali," angal niya nang pumasok na sila sa loob. Walang anumang makikitang gamit sa loob. Maalikabok na ang loob dahil hindi naman iyon naglilinis dahil walang gumagamit. Marahas siyang ibinagsak ng mga ito. Napaupo siya at nanakit ang pang-upo sa lakas ng impact. "D'yan ka nababagay!" sigaw ni Natasha. Nagawa pa nitong tumawa. "Ano bang ginagawa natin dito?" naguguluhang tanong niya sa mga ito. "Well dito ka lang naman mag se-celebrate mag isa," sabat naman ni Alesha. "Sabihin niyo nga ang totoo. Niloko niyo lang ba ako?" bakas ang galit sa boses niya. Nagawa na niyang makatayo. "Hindi pa ba obvious?" nakataas ang kilay na sabi ni Natasha. "Sinasabi ko na nga ba. Hindi dapat ako nagtiwala sa inyo," naiinis na sabi niya. Akmang lalakad na siya ngunit humarang ang dalawa sa daraanan niya. "Hep-hep! saan ka naman pupunta?" nakangising sabi ni Alesha. "Saan pa? Edi aalis na," sarcastic na sabi niya. Wala siyang planong mag aksaya ng mga oras sa mga ito. Natitiyak niyang hinahanap na siya ni Hugo sa mga oras na iyon. Hindi natinag ang mga ito at muli na namang hinawakan siya sa mga braso. "Dito ka lang!" gigil na sabi ni Natasha. "Bitiwan niyo ako!" pilit siyang nagpupumiglas. "Tuturuan ka namin ng leksyon para mabawasan ang kalandian mo sa katawan!" gigil na sabi rin ni Alesha. "Kung may malandi man dito kayong dalawa 'yun!" ganting sabi niya. Hindi na talaga siya makapagtimpi pa sa dalawa. "Ikaw' yun. Dahil unang araw pa lang ng klase ay umaariba na 'yang kalandian mo!" gigil na sabi ni Natasha. Isinalampak siya ng dalawa paupo sa maruming sahig. Pinilit niyang kumawala at nang magawa ay walang alinlangang hinila niya ang mahabang buhok ni Natasha. Napahiyaw ito sa sakit. "Walang hiya kang mang aagaw ka!" galit na galit na sabi nito at pilit inaabot ang mukha niya. "Malandi!" sigaw naman ni Alesha bago hatakin ang buhok niya. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang anit niya sa lakas ng paghila nito. Dahil sa pinagsamang lakas ng mga ito ay nagawa na siyang ihiga ng mga ito. Maririnig ang mga sigawan nilang tatlo na nag-echo sa loob ng abandonadong gusali. Pinilit niyang labanan ang dalawa. Pinagsisipa na rin niya ang mga ito. Hanggang sa maubos ang lakas niya at tanging hikbi na lamang ang nagagawa niya. "Iyan ang bagay sayo," gigil na sabi ni Natasha. Hinayaan na siya ng mga ito. Hindi na niya magawa pang lumaban. Ramdam niya ang pananakit ng anit at ang hapdi ng kanyang mukha. Nasisiguro niyang bumakat ang mga kuko nito sa mukha niya. "D'yan kana," nakangising sabi ni Alesha. Matapos iyon ay wala na siyang narinig pa. Pinilit niyang tumayo. Naramdaman niya ang kirot sa kanyang mga braso. Batid niyang mga tinamo ring galos ang dalawa ngunit mas malala ang sa kanya dahil pinagtulungan siya ng mga ito. Patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Pinilit niyang tumayo at lumakad papunta sa pintuan. Pinihit niya iyong ngunit ayaw bumukas. Nanlumo siya nang mapagtantong ikinulong siya ng mga ito. Lumakas ang palahaw niya habang hinahampas ang pinto. "Tulungan niyo ako!" sigaw niya. Nagbabaka-sakaling may maligaw roon na tao at matulungan siya. Pilit niyang pinipihit ang seradora na may kalumaan na at baka sakaling bumukas iyon. "Tulong! May tao rito! muli niyang sigaw. Lumipas ang ilang oras ngunit wala pa ring nagagawi sa lugar. Naisip niyang tawagan ang nobyo. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip iyon. Nang kunin niya ang cellphone sa bag ay nanlumo siya nang hindi iyon bumukas. Na drain ang battery dahil nakalimutan niyang i-charge kagabi. Naiiyak na napaupo na lang siya habang nakasandal ang likod sa pinto. Hindi niya maampat ang mga luha. Hanggang sa bumigat ang mga mata. Madilim na sa loob nang may marinig siyang mga kaluskos na nagmumula sa labas. Nakaramdam siya ng kilabot dahil maaaring isa iyon sa mga ligaw na kaluluwang nagpaparamdam sa lugar. May isang bahagi naman niya ang bumubulong na maaaring tao iyon na nagawi sa lugar. "T-tulong!" sigaw niya bago tumayo at kinatok ang pinto. Ilang ulit pa siyang sumigaw bago marinig ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. "May tao ba rito?" tanong ng tinig ng isang lalaki na nagmumula sa labas. "Meron. Tulong please!" naiiyak na sigaw niya. "Okay, maghintay ka sandali at tatawag ako ng tulong para mabuksan itong pinto," anito. Narinig niya ang tinig ng papalayong yabag. Nanalangin siya na sana ay matulungan siya nito. Siguradong nag aalala na si Hugo at ang mama niya. Ilang sandali lamang ay may narinig na naman siyang mga yabag nang papalapit sa kinaroroonan niya. "Tulong!" sigaw niyang muli para agawin ang atensyon ng mga ito. May naririnig siyang kalansing ng animo'y may sinususian. Ilang sandali lamang ay bumukas na ang pinto. Labis ang tuwa niya. Bumungad ang mukha ng janitor sa school nila. Kasama naman nito ang isang binatang pamilyar sa kanya ang mukha dahil naging ka-klase na niya ito noong third year highschool. "Lily," tila hindi makapaniwalang tawag nito sa kanya. "Matt," nakangiting sabi niya. "Salamat sa tulong. Salamat po, kuya," baling niya sa dalawa. Tumango lamang ang janitor. Nang makalabas siya ay inilock na nito ang pinto. "Paano ka naman nakulong sa lumang gusali, hija?" kunot noong tanong ng janitor. "Mahabang kwento po," aniya at pilit na ngumiti dito. Ayaw na niyang ipaalam pa dito ang nangyari. Tumango na lamang ito at nag paalam na mauuna na. Naiwan sila ni Matt at bakas ang pag aalala sa mukha nito. "Ano bang nangyari sayo? May kalmot kapa sa pisngi," nag aalalang tanong nito. Hinawi pa nito ang buhok niyang nakatabing sa mukha at matamang pinagmasdan ang mukha niya. "Hindi mo dapat hinahayaan na masugatan ang mukha mo. Nababawasan ang ganda mo eh," mag himig ng pagbibirong sabi nito. "Grabe ka sa akin," natatawang sabi niya bago mahinang hinampas ito sa balikat. "I've been looking for you all day. Nandito ka lang pala with the other guy!" galit na sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa sa pinanggagalingan ng tinig. Tumambad ang madilim na mukha ni Hugo. "H-Hugo," aniya at lumakad palapit dito. "Let's go home. Your mom is so worried about you," nagtatagis ang mga bagang na sabi nito. Pinagkadiinan pa ang salitang 'worried' Hindi man lang siya nito hinintay at nagpatiunang lumakad. Nilingon niya muna si Matt at kumaway dito. Tumango lamang ito. Nagmamadali ang mga hakbang na sumunod na siya sa nobyo. "Hugo, magpapaliwanag ako," humihingal niyang sabi nang maabutan ito. "You don't need to explain. What I saw explained it all," tila may hinanakit sa tinig nito. "Hindi mo naiintindihan," pigil niya dito. "What do I need to understand!" sigaw nito. Kita niya pa ang mga ugat nito sa leeg. Nagulantang siya sa sigaw nito. Hindi pa ito sumusigaw sa kanya ng ganun kahit kailan. Sa sobrang inis ay kusang tumulo na lamang ang kanyang mga luha. "O, sige kung ayaw mong makinig sa paliwanag ko d'yan ka na!" naiinis niyang sabi at binilisan ang lakad. Naiisip niyang sarado ang mga tenga nito. Mas iniisip pa nito ang galit kaysa pakinggan siya. Nang mapansin niyang malapit na siya nitong abutan ay tumakbo siya. Mabilis na pumasok siya sa loob ng gate at inilock iyon. Hindi na rin siya nag abala pang lingunin ito. Nadatnan niya sa sala ang nag aalala niyang ina. "Anong nangyari sayo, Lily. Bakit ginabi kana ng uwi?" nag aalala nitong tanong. "Ma," mabilis siya ditong lumapit at yumakap habang humahagulgol. "Tahan na," pang aalo nito. Tila nakahanap siya ng kakampi sa ina. Hinayaan lamang siya nitong umiyak. Gabi na ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Pagod na ang katawan niya ngunit ang isip niya ay buhay na buhay. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang madilim na mukha ni Hugo. Maaaring nagseselos ito dahil kasama niya si Matt. Hindi na rin niya naisip iyon dahil sa sobrang inis niya't ayaw siya nitong pakinggan. Mas makabubuti sigurong pahupain muna nila ang inis ngayong gabi. Napagpasyahan niyang ipaliliwanag niya dito ang lahat bukas. Nahiling niyang sana ay maging bukas ang mga tenga nito na pakinggan siya. Iyon lamang at inagaw na ng kadiliman ang kanyang diwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD