Chapter Nine

2405 Words
KINABUKASAN ay nagulat siya nang mabungaran si Hugo. Nakabihis na ito ng pampasok. Maging siya ay ganun din. Hindi niya inaasahan na susunduin pa siya nito matapos ang nangyari kagabi. "H-Hugo," mahinang tawag niya rito. Bumuntong hininga ito at tumalima palapit sa kanya. "I'm sorry for what happened last night, My love. I shouldn't act that way," sincere na sabi nito. Inakbayan siya nito at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "I'm sorry din kasi sinabayan ko pa 'yung galit mo," sinsero niyang sabi. Ikinawit niya ang isang braso sa baywang nito. Ilang sandali lamang ay nag paalam na siya sa ina at nauna nang lumabas. Si Tricia naman ay isinabay na ni Rick. Magkahawak kamay silang tinungo ang daan papasok sa paaralan. Habang nasa daan ay unti-unti niyang ipinaliwanag dito ang nangyari at kung paanong nakulong siya sa abandonadong gusali. Nakuyom nito ang palad nang malamang pinagtulungan siya nina Natasha at Alesha. "This is all my fault. Dapat hindi kita iniwan na mag isa. From now on my love. I will always stay by your side para hindi ka na nila masaktan pa," masuyong sabi nito. "Salamat my love," nakangiting sabi niya. Huminto ito sa paglalakad kaya't napahinto na rin siya. Bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha nila. Hindi pa siya nakakahuma nang kabigin siya nito at masuyong halikan. Napakapit siya sa leeg nito at tinugon ang halik nito. Napakasaya niya at naintindihan siya nito. Makalipas ang ilang segundo ay bumitiw na siya. "Baka may makakita sa atin," nahihiya niyang paliwanag. Kanda haba naman ang nguso nito at kumibot-kibot pa ang mga labi. Natatawa siya dahil napaka-cute nito nang oras na iyon. "Promise me later sa bahay hah? May utang kang maraming kiss," nakalabi pang sabi nito. "Oo na po, " natatawa niyang pag sang ayon dito at pinaulanan ito ng munting mga kurot sa tagiliran. Lumipas pa ang mga araw na naging masaya pa ang relasyon nila ni Hugo. Pinagsabihan nito sina Alesha at Natasha na oras na saktan pa siya ng mga ito ay hindi nito mapapatawad ang dalawa. Nais pa nitong ipaalam sa guidance counselor ang insidente ngunit nagmakaawa ang dalawa at nangakong hindi na uulitin pa ang nangyari. Halos hindi na ito humiwalay sa kanya. Ultimo kapag pupunta siya sa ladies room ay nakabantay ito sa labas. Nagseselos na nga raw ang kaibigan niyang si Tricia dahil bente kwatro oras itong nakabantay sa kanya. Tinatawanan niya lang ito at inaasar na sagutin na nito si Rick nang hindi na ito mainggit ngunit pinandilatan lamang siya nito. Naging abala na naman sila sa klase dahil sa nalalapit na JS prom. "Hi, Lily kumusta kana?" tanong ni Matt. Napalingon siya sa gawi nito nang marinig ang boses nito. "Ayos lang," nakangiting sagot niya. "Salamat pala uli sa tulong mo," aniya. "Wala iyon," nakangiting sabi nito. "What do you need?" sabat ng isang baritonong boses. Nanglingunin niya ay nakalapit na pala ang nobyo ng hindi nila namamalayan. "Kinukumusta ko lang si Lily," ani Matt. "She's fine. You can leave now," sagot nitong hindi na maitago ang pagkainis. "Love, wala naman siyang ginagawang masama," Hindi niya maintindihan kung bakit malamig ang pakikitungo nito kay Matt gayong alam naman nito na ito ang tumulong sa kanya. "Let's go, love," malamig na sabi nito bago hinapit ang baywang niya at iginiya na siya sa bakanteng table. "Don't talk to that guy," naiinis na sabi nito nang makaupo sila. "Wala naman siyang ginagawang masama. Mabuti siyang tao. Hindi ba nga siya pa ang tumulong sa akin nung ma trap ako sa nakakatakot na gusali," pilit niyang pagpapaintindi dito. "Even if, I still don't trust him," may pinalidad na sabi nito. Napabuntong hininga na lamang siya. Ayaw na niyang pagtalunan pa nila ang bagay na iyon. Habang nakaupo siya sa bench ay inabala niya sandali ang sarili sa mobile games. Tapos na ang klase nila at hinihintay niya ang nobyo dahil may nakalimutan itong gamit sa classroom. Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niya si Matt na mabagal na naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. Mukhang matamlay ito. Itinabi niya ang cellphone sa bag at tumayo. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Binigyan lang siya nito ng pilit na ngiti. Sa palagay niya ay hindi maganda ang kondisyon nito. "Parang may sakit ka," aniya at lalo pang lumapit dito. Dinama niya ang noo nito gamit ang isang palad. Shock! Ang taas ng lagnat nito! Kamuntik pa itong mabuwal. Agad naman niya itong naalalayan. "Halika muna. Maupo ka sandali---"hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang may humaklit ng braso niya at inundayan ng suntok sa Matt. Nanlalaki ang mga mata niya nang makitang bumulagta si Matt. Nakita niya ang nanlilisik na tingin dito ni Hugo. Nakalapit na pala ito sa kanila. Patuloy sa pagtaas baba ang dibdib nito. "I'm warning you! Stay away from my girlfriend! nag uumapaw sa galit na sigaw nito. Binundol siya ng kaba nang may tumulong dugo mula sa ilong ni Matt. "Matt ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya at mabilis itong dinaluhan. May pasa rin ito sa gilid ng labi. Hirap na hirap ngunit pinipilit na tumayo. "Lily, stay away from him," galit na baling nito sa kanya. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit mo sinaktan si Matt?" hindi na niya naitago pa ang galit. Muli ay hindi na naman niya ito maintindihan. "C'mon, let's go home," gigil na sabi nito at mabilis na lumapit sa kanya at kinuha ang isa niyang braso. "Hugo, hindi natin siya pwedeng iwan na ganito ang kondisyon," aniya at hinatak ang brasong hawak ito. Lalong nagdilim ang mukha nito. Awang-awa siya kay Matt may sakit na nga ito ay sinaktan pa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa nobyo. "So, are you choosing that guy over me?!" nagtatagis ang mga bagang na tanong nito. "Hindi na naman kita maintindihan,"naiinis niyang sabi dito bago binalingan si Matt. Nakaupo na ito habang nakaalalay siya dito. "If you will choose to stay with that guy, that means we're over!" inis na sabi nito. "H-hindi ko pwedeng iwan si Matt sa ganitong kondisyon," may pinalidad na sa kanyang tinig. Madilim ang mukha nito at naikuyom ang mga palad bago siya tinalikuran. Mabilis ang mga yabag na nilisan nito ang lugar na kinaroroonan nila. "Matt halika na tutulungan kitang pumunta sa clinic," baling niya sa nanghihina pa ring binata. "A-ayos lang ako, Lily. Sundan mo na siya," mahinang sabi nito. "Hindi Matt. Kailangan nating pumunta sa clinic para magamot 'yang sugat mo," pagmamatigas niya. Siya ang nakakaramdam ng konsensiya dahil sa ginawang pananakit ng nobyo niya dito. Hindi na ito kumontra pa at nagpatianod na lang nang alalayan niyang makapunta sa clinic. Nagamot ang galos nito. Hindi muna siya umalis hanggang hindi nagiging maayos ang kalagayan nito. Ilang araw na ang lumipas mula nang insidenteng iyon ay hindi man lang siya dinadalaw ni Hugo. Hindi na rin ito sumasabay sa kanya sa pagpasok at pag uwi. Ni hindi man lang nagrereply sa mga text niya. Kapag tumatawag siya ay agad nitong pinapatay ang tawag. Nilalamon na siya ng matinding kalungkutan dahil sa pangungulila dito. "May problema ba kayo ni Vice President?" untag ni Tricia. Kumakain sila nito sa canteen. "Nagkaroon lang kami ng pagtatalo," malungkot niyang sabi. "Dapat ay hindi na ninyo patagalin pa iyan. Kausapin mo siya," seryosong payo ng kaibigan. "Gusto ko nga siyang makausap ang kaso ay mukhang iniiwasan na niya ako," nakalabing sabi niya. Nangingilid na rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya kaya ang pangbabalewa nito sa kanya. Hindi na rin ito tumatabi sa kanya sa klase. Madalas ay kasama nito ang mga ka-klase nilang lalaki at nakikipag usap na rin ito kina Natasha at Alesha. Nakakaramdam siya ng matinding selos. "Ayon siya. Lapitan mo na," panghihikayat ng kaibigan niya habang nakamasid sa gawi ni Hugo. Kasalukuyan itong namimili sa mga nakahandang putahe sa counter. Nag aalangan siya ngunit nilakasan na ang loob. Nang malapit na siya rito ay may biglang sumulpot sa tabi nito at ipinulupot ang braso sa isang braso nito. Nang pagmasdan niya ay si Natasha iyong babae. Mukhang masaya ang mga ito dahil naririnig niya pa ang mahihinang tawa. Animo'y pinipiga ang kanyang puso nang oras na iyon. Nais niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon ngunit parang may mabigat na nakadagan sa kanyang mga paa. Nang matapos ang mga itong pumili ay nagtuloy na sa cashier. Matapos magbayad ay dinala na nito ang tray na may lamang pagkain para sa dalawang tao. Habang hindi humihiwalay dito si Natasha. Bahagya itong natigilan nang mapansin siya. Nagtama ang kanilang mga paningin ngunit wala siyang mabasa sa mga mata nito. "Let's go," bulong dito ni Natasha. Nag iwas ito ng tingin sa kanya at gumiya na papunta sa bakanteng mesa. Lumingon pa sa kanyan si Natasha at nag iwan ng nang iinsultong ngiti. Mabigat ang mga hakbang na nagbalik siya sa inuupuan nila ni Tricia. Malungkot itong nakatingin sa kanya. "Hindi niya ako pinansin," malungkot niyang sabi. "Friend, magiging okay din ang lahat. Gusto mo bang tulungan kita," pang aalo ni Tricia. Marahan siyang umiling. "Hindi na Tricia. Problema namin ito. Dapat ay kami ang umayos," aniya habang pinapahid ang mga luhang naglandas na sa kanyang mga pisngi. "Basta kung kailangan mo ng back up na sasabunot dun sa lintang si Natasha ay nandito lang ako," bakas ang determinasyon sa tinig nito. Inusog nito ang upuan palapit sa kanya at hinagod ang kanyang likuran. "Hindi na siguro aabot pa sa ganun," natatawa niyang sabi. Bakas kasi sa mukha nito ang inis kay Natasha. Lumipas pa ang mga araw at sumapit na ang pinakahihintay ng lahat. Ang kanilang JS Prom. Hindi pa rin sila nagkakausap ni Hugo. Inipon niya ang lahat ng lahat ng loob at ipinasya niyang kakausapin niya ito. Hihingi siya ng tawad dito kung kinakailangan. Nag simula na ang magarbong selebrasyon ng kanilang JS prom. Halos lahat ay nag mukhang presentable suot ang mga naggagandahang gown at dress. Isang Red sleeveless gown with high slit ang ipinasuot sa kanya ng kanyang ina. Matagal na nitong pinaghandaan ang araw na iyon. Bahagyang ipinakulot ang kanyang hanggang baywang na buhok. Pinaayusan din siya nito sa kakilalang make up artist. Litaw na litaw ang kaputian niya dahil sa gown. May mga glitters din ang design nito kaya kumikinang sa dilim. Mataas din ang heels ng sapatos na ipinasuot sa kanya na lalong nakadagdag sa height niya. Nang pasadahan siya ng tingin ng ina ay animo'y nagniningning ang mga mata nito. "Dalaga na talaga ang anak ko, at napakaganda pa," tila amuse na sabi nito. "Salamat po ma." nakangiting sabi niya. "Sa palagay ko'y hindi ka matitiis ng boyfriend mo kapag nakita ka niya ngayon," "Sana nga, ma ay magkaayos na po kami," malungkot niyang sabi. Yumakap sa kanya ang ina. "Ma-a-ayos din ang lahat, anak," gumaan ang loob niya sa sinabi nito. Sana nga. Piping hiling niya. Sinundo sila ni Rick gamit ang sasakyan ng ama nito. Nang makarating sa venue ay magkakasabay silang naglakad papasok. Si Rick ay todo alalay sa kaibigan niyang hindi rin maipagkakaila na takaw tingin nang gabing iyon. Halos pareho sila ng suot na gown. Ang sa kaibigan niya ay kulay matingkad na blue kaya't lutang ang kaputian nito. Naupo sila ni Tricia sa bakanteng table habang si Rick ay nagpresintang kukuha ng makakain. May maingay na tugtugin at nagliliwanag ang stage na puno ng mga dekorasyon. Siya naman ay pagala-gala sa paligid ang paningin. Umaasang makikita niya ang binata. Hanggang sa mag umpisa ang kasiyahan ay hindi niya mahagilap ni anino nito. "Okay, ladies and gentlemen. Pipili na po tayo ng prom queen para sa taong ito. May mga ilang tinawag para pagpilian. Kasama sila ni Tricia sa mga iyon ngunit sa huli ay siya ang napili. Nang pumipili na ng Prom King ay laking gulat niya nang makita ang binata. Ipinasa na rito ang kapa at korona ng dating Prom king. Napakakisig nito sa suot na black suit. Maraming kababaihan ang napapanganga dito. Maging siya ay hindi maialis ang mga mata dito. Natauhan siya nang magpalakpakan ang lahat. Iginiya na siya sa gitna ng stage kasama ang binata. Isang iglap ay tila hindi niya alam ang gagawin. May nagsuot sa kanila ng sash at inabot ang bouquet sa kanya. Ipinatong na rin ang korona sa kanya. Nagpalakpakan ang lahat. Siya naman ay binubundol na ng kaba ang dibdib nang malapit muli sa binata. Nagulat siya nanghawakan nito ang isa niyang braso at igiya siya sa gitna. Ipinatong nito ang dalawang braso niya sa leeg nito at hinapit nito ang baywang nila. Tila siya naging robot na sunod-sunuran dito. Pumailanlang ang malamyos na tugtugin. Nanatiling tikom ang kanyang mga labi habang mabagal silang sumasayaw nito. Napaka-perfect timing niyon. "H-hugo," mahinang usal niya. "I've missed you," bulong nito. Bakas ang paghanga nito sa kanya. Maging siya ay miss na miss na rin ito. Pakiramdam niya ay sila lamang dalawa ang tao nang oras na iyon. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na magkasama nang biglang nag dilim ang buong paligid. May mga naghihiyawan. Siya naman ay binundol ng kaba nang may humaklit sa baywang niya at tinakpan ang kanyang bibig ng isang palad. Nagpipilit siyang magpumiglas ngunit malakas ang nagmamay-ari ng mga brasong iyon. Kinaladkad na siya nito sa lugar na wala siyang ideya. Nang bitiwan na siya nito ay pilit niyang inaaninag ang mukha ng lalaking humatak sa kanya. "M-matt?" hindi makapaniwala niyang bulalas nang mamukhaan ito. "Oo, Lily ako ito,"pagkukumpirma nito. " B-bakit mo ako dinala dito?" naguguluhang tanong niya. "May pinaplanong masama sayo sina Alesha at Natasha. Narinig ko sila," seryosong sabi nito. "Sigurado ka?" hindi makapaniwala sa nalaman. "Oo. Mas makabubuti kong dito kana muna," Napabuntong hininga siya. Hindi pa sila nakakapag usap ng nobyo. Kailangang makausap niya ito. "Kailangan kong makausap si Hugo," paalam niya at akmang aalis na ngunit pinigilan siya nito. "Huwag kana munang umalis dito. Mamaya mo na lang siya hanapin. Nasisiguro kong hinahanap kana nina Alesha at Natasha," payo nito. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ay makinig dito. Makalipas ang may higit isang oras ay nagpasya siyang bumalik kung saan niya naiwan ang binata ngunit wala na ito roon. Hinanap niya pa ito sa lugar ngunit ni anino nito ay naglaho na. Pinanlambutan siya ng tuhod. Hindi niya man lang ito nakausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD