Chapter Ten

1461 Words
"Tingnan mo nandito na naman ang malanding ex girlfriend ni Hugo," nakataas ang isang kilay na sabi ni Natasha. Papunta sila ng kaibigan sa canteen nang hindi sinasadyang makasalubong nila ang grupo nito. Ayaw na niyang patulan pa ito. Akmang iiwasan na niya nang hawakan nito ang braso niya. "Oh, bakit aalis kana kaagad?" pigil nito bakas ang pang iinsulto sa tinig nito. Ibinaling niya ang tingin dito. "Wala akong oras na patulan ka," seryosong sabi niya. Napangisi ito ng nakakaloko. "Wala daw siyang oras sa atin," natatawa pa itong bumaling sa kasamang si Alesha. Natawa naman si Alesha. "Pwede ba, tigilan na ninyo si Lily," sabat ni Tricia na halatang pinipigil ang galit. "Oh, nandito rin pala itong isang malanding classmate natin," baling ni Alesha dito. "Bagay talaga kayong magkaibigan dahil pareho kayong malandi," nakataas ang kilay na sabi ni Natasha. "Ang kapal talaga ng mukha niyo. Sabihin niyo kaya sa sarili niyo 'yan," sarkastiko at nakataas ang kilay na sabi ni Tricia. Biglang nagbago ang hitsura ni Natasha. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kaibigan niya. "Tricia umalis na lang tayo. Wala tayong mapapala kung papatulan natin sila," awat niya at hinila ang braso nito. Hindi pa man sila nakakailang hakbang ay hinaklit ni Natasha ang braso niya at marahas nahinila ang buhok niya. "Ano ba? Bitiwan mo ako!" nakangiwing sigaw niya. Tila wala itong naririnig at patuloy pa rin sa paghila ng buhok niya. "Bitawan mo siya!" hindi na nakatiis na sigaw ng kaibigan niya. Mabilis itong lumapit at pilit inaalis ang mga kamay ni Natasha sa buhok niya. Napatid na ang pasensya niya at marahas na ring hinila ang buhok nito. Napahiyaw ito sa ginawa niya ngunit ayaw pa ring bumitaw sa pagkakahawak. Maging ang kaibigan niya ay tumulong na rin sa pagsabunot dito. Nakakaagaw na sila ng atensyon sa nakararami. May mga tumitigil para lamang panuorin sila. "Halika ritong babae ka. Tayo ang magharap!" gigil na sabi ni Alesha sa kaibigan niya. Hinila nito ang buhok ng kaibigan niya. "Ang inggetera mo talaga, Alesha. Sige hindi kita uurungan!" matapang na sigaw ni Tricia at ubod ng lakas na hinila rin ang buhok nito. Nararamdaman na niya ang hapdi ng kanyang anit ngunit hindi siya padadaig dito. Marahas niyang kinalmot ang mukha nito. Napahiyaw na naman ito. Narinig niya ang mahinang paghikbi nito. "Stop it!" sigaw ng isang galit na tinig na nakalapit na pala sa kanila. Inalis nito ang mga kamay niyang nakahawak sa buhok ni Natasha. Nang pagmasdan niya ay ang madilim na mukha ni Hugo. Umiiyak na yumakap naman dito si Natasha. Si Rick naman ay nagawang awatin sina Alesha at kaibigan niyang si Tricia. Kapwa magugulo ang mga buhok nilang apat. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Matt na nakalapit na rin sa kinaroroonan niya. "Ang babaeng 'yan ang nag umpisa ng gulo," humihikbing sumbong ni Natasha kay Hugo. "Ikaw ang nag umpisa ng gulo. Huwag kang sinungaling," gigil na sabi niya. Akmang susugurin siya nito ngunit nahawakan na ito ni Hugo. "Enough, Natasha!" naiinis na sabi ni Hugo. "Halika na Lily, sasamahan na kita sa clinic," ani Matt matapos ay hinawakan ang braso niya. Nag igting naman ang mga panga ni Hugo. Matalim ang mga tingin nito sa kanya. "Let's go," baling nito sa babae at iginiya na ito palayo sa lugar. Namalayan na lamang niyang tumutulo na ang kanyang mga luha. Mas masakit ang nararamdaman ng kanyang puso kaysa sa mga tinamo niyang galos sa pakikipag away. "Halika na, Lily," untag ni Matt. Nagpaubaya na lamang siya nito nang dalhin siya nito sa clinic. Si Rick naman ay inalalayan si Tricia habang nakasunod sa kanila. Lumipas pa ang mga araw ngunit hindi siya makakuha ng tamang pagkakataon na magkausap sila ng binata. Kapag nasa paaralan sila ay hindi naman ito nilulubayan ni Natasha. Hindi siya sigurado kung may relasyon na ang mga ito. Wala pa naman silang pormal na closure ng nobyo. Hindi niya ata makakaya kung makikipaghiwalay ito sa kanya. Maaaring nagpapalamig lamang ito. Iyon ang lagi niyang sinasabi sa sarili. Nang minsang nagtangka siyang puntahan ito sa mansyon ay palaging sinasabi ng katulong ng mga ito na wala umano ito roon. Marahil ay pinagtataguan siya ng binata. Labis siya nasasaktan sa pangbabalewala nito. Ganun na lamang ba iyon? Tatapusin na nito ang kanilang relasyon sa walang kabuluhang rason. Para naman kahit pa'no ay mabawasan ang kalungkutang nararamdaman niya ay niyaya niya ang kaibigang si Tricia na mag Karaoke. Inilipat niya sa may terrace ang flat screen tv at dalawang malaking speaker. "If you don't wanna see me... Did a full 180, crazy.. Thinking 'bout the way I was Did the heartbreak change me? Maybe.. But look at where I ended up.. Sinadya niyang lakasan ang volume para umabot sa katapat nilang mansyon. Nahiling niyang marinig ng binata ang kanta niya. Gusto niyang patamaan ito, kahit sa kanta na lang. If you don't wanna see me dancing with somebody If you wanna believe that anything could stop me Sumasayaw pa sila ng kaibigang si Tricia. Animo'y nasa bar ang peg. Don't show up, don't come out.. Don't start caring about me now Walk away, you know how Don't start caring about me now Sinadya niyang lakasan sa part na iyon. Buwesit kang bakulaw ka! Ayaw mo na ba sa beauty ko? "Anong kaguluhan ang nangyayari rito?!" sigaw ng kanyang ina na natayo na pala sa may gawi nila. "Tita, sumali ka sa concert namin," natatawang sabi ni Tricia at iginiya pa ang ina niya papunta sa terrace kung nasan sila naglalagi. "Ang akala ko'y may nagwawalang baka," panunukso ng kanyang ina. "Ma, wala ka talagang bilib sa talented mong anak," pagyayabang niya. "Naku, Tita, mabigat po kasi ang pinagdadaanan nitong bruha kong best friend," anito at tinapik-tapik pa ang kanyang balikat. Inismiran niya lang ang mga ito at walang sawang kumanta. SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang kanilang graduation day. Matapos ang mga seremonya ay isa-isa na silang pinaakyat sa stage para kunin ang kani-kanilang diploma. Ang lahat ay nahahati ang emosyon. Kaligayahan at kalungkutan dahil maghihiwa-hiwalay nang landas. "Walang iwanan, bes," aniya kay Tricia bago mahigpit na nagyakap. "Syempre naman noh, partners in crime, best buddy at best friend forever," masayang sabi nito. Nang magbitiw ay nagtawanan sila. Masaya siya dahil nakahanap siya ng kaibigan na tulad ni Tricia. Nang matapos ang graduation ceremony ay may hinahanap ang kanyang mga mata. Huli niyang nakita ang binata nang mag speech ito sa stage dahil ito ang kanilang valedictorian. Maraming mga estudyante ang nagpasyang umuwi. Kumukonti na rin ang tao sa quadrangle na pinagdausan ng selebrasyon. "Anak, umuwi na muna tayo at baka amagin na ang mga hinanda kong pagkain para sa iyo," untag ng kanyang ina. Tumango na lamang siya dito. Kinabukasan ay naglakas loob siyang puntahan ang binata. Kahit galit pa ito ay wala na siyang pakialam. Gusto niya itong makausap dahil hindi na siya natatahimik. Kung gusto na nitong tapusin ang kanilang relasyon ay tatanggapin niya kahit masakit. Nagsasawa na siyang umasa bawat araw na papansinin siya nito. Sa kabila noon ay umaasa pa rin siyang maaayos pa nila ang relasyon. Nakakailang pindot na siya ng doorbell bago buksan ng katulong sa mansyon. "Itatanong ko lang po sana kung nadyan si Hugo?" magalang niyang tanong. "Ay naku hija, nakaalis na ang seniorito," pagbabalita nito. "Saan naman po nagpunta?" kunot noong tanong niya. "Nagbalik na sila ng Madam Lucila papuntang Canada," Tila siya nabingi sa narinig mula dito. Iniwan na siya ng binata. Halos panlambutan siya ng mga tuhod. Hindi na niya matandaan kung nagpaalam pa ba siya sa kausap o kusang lumakad ang kanyang mga paa paalis sa kinaroroonan niya. Bakit iniwan niya ako? Ganun na lang ba talaga 'yun? Bakit ang dali naman niyang makalimot? Hindi ba ako ganun kahalaga sa kanya? Patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. Tila wala sa sarili nang marating ang sala ay nahagip ng kanyang mga mata ang aquarium. Mabagal siyang lumapit roon at nakita ang isang gold fish na palutang-lutang na lamang sa loob ng aquarium. Wala sa sariling kinuha niya iyon. Patay na ang gold fish na binili nila ng nobyo. Lumalakas na ang kanyang hikbi at pakiramdam niya ang nanghihina na siya. Napaluhod na siya habang humahagulgol. "W-wala na siya. Iniwan na niya ako," patuloy ang pagtangis niya. "Ang daya mo. Bakit nang iiwan ka?" "Tahan na anak. Pwede pa rin naman tayong bumili ng gold fish," pang aalo ng ina niya na nakalapit na pala sa kinaroroonan niya. "Hindi ma, siya lang ang gusto ko. Ang daya niya nang iiwan siya," humihikbi pa rin niyang sabi. Niyakap siya ng ina at hinagod ang kanyang likod. Tuluyan na siyang iniwan nito ng luhaan at sugatan ang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD