Chapter Sixteen

2129 Words
"Dinamihan ko na ang ginawa kong Cassava cake," pag-iinporma ng kanyang ina habang abala sa paggawa ng Cassava cake. Lumapit siya at hindi nakatiis na tumikim. "Baka po hindi na umabot sa bahay ang mga ito," pagbibiro niya. Kung tutuusin ay pwede naman siyang bumili niyon dahil marami siyang nadaraanang nagtitinda niyon di kalayuan sa tinutuluyan niyang apartment. Pero mas gusto niya ang gawa ng ina. Mas masarap ang lasa at amoy pa lang ay nakakatakam na. "Sandali na lang ito," sabi pa ng ina. "Tulungan ko na po kayo," aniya at tumulong na sa pagbabalot. "Kailan na naman ang susunod na dalaw mo?" may lungkot sa tinig na tanong nito. "Hindi ko pa po sigurado, ma. Pero plano ko pong pakiusapan si Rick na ilipat na ako sa branch ng Forever Cafe na nasa malapit sa bayan bukas,"aniya sa ina para hindi na ito malungkot pa. Kagabi niya pa na pag-isipan ang bagay na iyon. Tutal naman ay dito na naninirahan ang kaibigan niya at ang tiyahin naman nito ay sa mansyon ng mga Monticello na nakatira. Wala na siguro siyang rason pa para mapalayo pa sa ina. Ayos lang kung kailangan niyang mag-commute ng mga trenta minutos araw-araw basta makasama na niya ang ina. Matapos nilang mag balot ng babaunin niyang cassava cake ay nagtungo na sila sa sala dala ang tatlong kahon niyon. Ipinatong ang mga iyon sa center table. "Pagdating mo doon ay tumawag ka kaagad sa akin," paalala ng ina niya. "Ma, hindi naman po ako mag a-abroad," natatawa niyang sabi. Naging maalalahanin pa ito lalo nang magdesisyon siyang umalis sa puder nito. "Gusto kong makasigurong safe ka. Ikaw lang ang nag iisa kong anak," seryosong sabi nito. "Si mama talaga masyadong madrama. Payakap nga," nakangiting sabi niya sabay yakap dito. Ngumiti na rin ito at mahigpit siyang niyakap. Napakagaan ng pakiramdam niya dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Ilang saglit lamang ay napabitiw sila sa isa't isa nang may tumikhim. Nang lingunin nila ay ang maaliwalas na mukha ni Hugo. Tila nag-e-enjoy itong tingnan silang mag ina. "O, hijo nandiyan ka pala," anang kanyang ina. "I just want to hang out," nakangiting sabi nito habang sa kanya nakatingin. "Maupo ka muna dito," sabi ng ina niya sabay turo sa bakanteng sofa. Agad naman itong tumalima. "Anak, ikuha mo nga ng maiinom itong si Hugo," utos ng kanyang ina na ikinasimangot naman niya. Pero wala ring nagawa at sinunod ang ina. Nagtungo siya sa kusina at dali-daling ipinag handa ito ng pineapple juice. Pagkatapos ay hinatid na niya iyon sa sala. Inilapag sa center table at umupo sa tabi ng ina katapat ng binata. "Thanks," anito. "What are these?" kunot noong tukoy nito sa mga kahon ng Cassava cake na inihanda nila ng ina kanina lang. "Cassava cake 'yan. Huwag mong gagalawin ang mga iyan," banta niya dito. Pinanlakihan niya pa ito ng mga mata. Napabungisngis naman ito nang tingnan siya. Kuhanin na nito ang lahat huwag lang ang Cassava cake niya at talagang magkakagulo sila. "May natira pa naman sa kusina hijo. Kung gusto mo ay ikukuha ka ni Lily," sabi ng ina bago sumulyap sa kanya na parang gustong sabihin na sumang-ayon siya sa mga tingin nito. "Malapit na talaga akong magselos sa bakulaw na iyan, mama. Bakit palagi mong pinagbibigyan 'yan eh hindi mo naman siya anak," may himig ng pagtatampong sabi niya. Natawa naman ang mga ito sa kanya. "It's alright tita. Ako na po ang kukuha," magalang na sabi nito. Tumayo na ito at nagtungo sa kusina. Paglabas nito ay may bitbit na plato na may lamang Cassava cake. Nang makaupo sa dating pwesto ay inumpisahan na nitong kagatan ang hawak nitong isang hiwa ng Cassava cake. Tulad pa rin ito ng dati. Walang halong kaartehan sa katawan. "The best Cassava cake ever, tita," nakangiting baling nito sa ina niya. "Sus, simpleng Cassava cake lang naman yan," nahihiyang sabi ng ina niya. Nang lumingon ito sa kanya ay inirapan niya ito. Masyadong sipsip sa mama niya. Tila hindi naman ito apektado sa pagtataray niya. Mukhang gusto pa nga nito ang mainis siya dito. "Maiwan ko na muna kayo at may tatapusin lang ako saglit," paalam ng ina niya bago nagtungo sa hagdan at tuloy-tuloy na umakyat. "Umamin ka nga? Naghihirap na ba kayo?" sarkastikong sabi niya. Humalukipkip siya. Ayaw niyang ipakita na gusto niya ang presensiya nito. Lumawak naman ang pagkakangiti ng letcheng bakulaw. Dios Mio! Kailan ba pa pangit ito sa aking mga paningin? "How did you say that?" nagtatakang tanong nito. "Eh, palagi kayong walang pagkain," nakasimangot na sagot niya. "Marami kaming foods sa mansyon. I just missed this Cassava cake of tita Belle," nakangiting sabi nito. Sa sarili niya ang may munting bahagi niya ang masaya dahil nagustuhan din nito ang gawang Cassava cake ng ina niya. Nagpatuloy lang ito sa pagkain hanggang sa maubos iyon. "May dumi ka sa mukha," walang emosyong sabi niya habang nakatingin sa mukha nito. "Where?" kunot noong tanong nito sa kanya. "Dito sa gilid ng bibig mo," aniya habang nakaturo sa gilid ng kanyang labi. Ipinahid naman nito ang likod ng palad sa bibig nito. "Meron pa," aniya. Inulit nitong muli ang pag pahid. "Ako na nga,"naiinis na sabi niya dahil hindi naman nito natatanggal ang maliit na Cassava cake na dumikit sa gilid ng labi nito. Lumapit siya dito at bumaling sa guwapong mukha nito. Pinahid ang dumi gamit ang isang daliri. "Okay na," aniya ngunit natigilan nang mapansing titig na titig ito sa mukha niya. Nag iwas siya ng tingin mula rito. "B-bakit ganyan ka makatingin?" naiilang niyang tanong. Hindi siya makatingin na ngayon dito. Hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam. Umiinit ang kanyang dalawang pisngi. "You're blushing my love," mahinang sabi nito. Hindi siya nakatingin dito ngunit sa gilid ng kanyang mga mata ay alam niyang nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya. Namalayan na lamang niyang nakalapit na pala ito sa kanya. Ramdam niya ang bahagyang pagdidikit ng mga braso nila. Inangat nito ang isang kamay at hinawakan ang kanyang pisngi. Iginiya para magtama ang kanilang mga paningin. Maliit lamang ang pagitan niyon kaya't langhap na langhap na niya ang mainit nitong hininga. Ito na naman ang makulit niyang puso na nag uumpisang tumibok ng mabilis. "H-Hugo," aniya sa nanghihinang tinig. Pakiramdam niya ay unti-unti nitong hinihigop ang kanyang lakas. "I still want you, My love. It didn't change," mahinang sabi nito. Halos ibulong na lang nito iyon sa sobrang lapit ng mukha nila. Nang lalo pa itong lumapit ay kusa niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Gusto niyang matikman muli ang mga labi nito. Ayaw na muna niyang kalabanin pa ang sarili sa pagkakataong ito. Naramdaman niya ang banayad na pagdami ng labi nito sa kanya. Siya naman ay kusang gumanti ng halik dito. Walang pag aalinlangan hanggang sa naging sabik ang mga paggalaw ng mga labi nila. Kusa na ring kumapit ang kanyang mga braso sa leeg nito. Sinabayan niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito. Unti-unting humihigpit ang yakap nito sa kanya na lalong nagpapaalab sa kanila ngayon. Hindi na niya alintana ang paligid o kung nasaan man sila ngayon. Nasa ganung kaganapan sila nang tumunog ang doorbell. Wala pa siyang balak na bumitiw ngunit makailang beses na iyong tumutunog. Marahan siyang kumalas sa mga labi nito. Nasalubong niya ang mga mata nitong nagtatanong. "M-may tao," kinakapos ang hiningang sabi niya. Ngayon lamang ito natauhan. Nang tumayo siya ay sumunod din ito sa kanya. Inakbayan pa siya nito. Sabay nilang tinungo ang gate. Nakita niya sa labas si Matt na nakakunot ang nuo. Si Hugo ang nagbukas ng gate. "What do you need?" walang emosyong tanong nito kay Matt. "Susunduin ko si Lily," deretsong sagot nito habang sa kanya nakatingin. Nangunot naman ang nuo ni Hugo. "For what? I can do that for her," iritadong sabi Hugo. Nagtitigan ang mga ito na animo'y mag kalaban sa wrestling at siya ang referee. "Nagkasundo na kami ni Matt na siya ang maghahatid sa akin sa apartment," singit niya. Nararamdaman na niya ang tensyon sa dalawa kaya marahan niyang hinila ang braso ni Hugo para malipat ang atensyon nito sa kanya. "Tuloy ka Matt," baling niya sa binata na seryoso ang mukhang nakatingin sa mga kamay niyang hawak ang braso ng binata. "Thanks!" maikling sagot nito. Hjnigit niya ang braso ni Hugo at iginiya papasok sa loob. Nang marating ang sala ay magkatabi silang naupo ni Hugo habang si Matt naman ay katapat nila. "Gusto mo ba ng maiinom?" baling niya dito. "Hindi na. Okay lang ako," "You don't have to fetch her. Ihahatid ko na lang siya sa apartment niya," maawtoridad na sabi ng kanyang katabi. "Napag usapan na namin ito," seryosong sabi naman ni Matt. May namumuo pa ring tensyon sa mga ito. Hindi na niya matagalan kung kaya't tumayo na siya. "Nagkasundo na kami na ihahatid niya ako. H'wag ka nang makipagtalo pa," baling niya kay Hugo na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. "Hintayin mo ako sandali Matt. Magpapaalam lang ako kay mama," aniya at tinungo na ang hagdan at mabilis ang mga yabag na umakyat. Kinatok niya ang kuwarto nito at mabilis din naman nito iyong binuksan. "Ma, aalis na po kami," pilit ang ngiting sabi niya. "Mag iingat ka," malungkot na sabi nito. Saglit silang nag yakap bago siya tuluyang bumaba at magtungo sa sala. Nadatnan niyang tahimik lamang ang mga ito. Nang makababa siya ay nabaling ang tingin sa kanya ng dalawa. "Alis na tayo," nakangiting baling niya kay Matt. Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ni Hugo. Akmang bubuhatin niya ang tatlong kahon nang maunahan siya ni Hugo. Ito na ang nagbuhat ng mga iyon. Nauna pa itong maglakad sa kanila. Hinintay sila nito sa labas kung saan nakahinto ang sasakyan ni Matt. Binuksan ni Matt ang pinto ng kotse sa likod at inabot ang tatlong kahon, pagkatapos ay inilagay sa loob. Nagtungo ito sa pinto ng passenger seat at pinagbuksan siya ng pinto. Si Hugo naman ay madilim ang mukha habang nakatingin sa kanila. Nang makapasok si Matt sa driver's seat ay pinatakbo na nito ang sasakyan. "Anong ginagawa ng lalaking iyon dito?" maya-maya'y sabi nito. "Bumibisita lang," aniya. "Mahal mo pa ba iyon?" tanong muli nito. Natigilan siya. Hindi siya makasagot dito. Kanina lamang ay may namagitan sa kanila ng binata. Hinayaan niyang halikan siya nito. Alam naman niya ang sagot ngunit parang ayaw niyang malaman nito. Nang hindi siya sumagot ay nilingon siya nito. Nagtatanong ang mga mata. "S-sa totoo lang Matt hindi ko alam ang isasagot," naguguluhan niyang sabi. Nagkibit balikat na lamang ito at hindi na siya tinanong pa. Hanggang sa marating nila ang kanyang tinutuluyang apartment. "Salamat," aniya nang makababa siya sa sasakyan nito. Tinulungan siya nitong maipasok ang tatlong kahon ng Cassava cake sa loob. Inilagay niya ang mga iyon sa loob ng ref. "Gusto mo ba ng maiinom?" tanong niya dito matapos maisara ang ref. Tumango naman ito. Mabilis naman siyang nag timpla ng juice para dito. Inabot niya iyon dito. "Salamat," nakangiting sabi nito. Naupo sila nito sa bakanteng silya. Maya-maya ay lumungkot ang mukha nito. "Sa tingin ko ay hindi malabong magustuhan niyo pa rin ang isa't isa," seryosong sabi nito. "Matt..." mahinang usal niya. "Ayos lang ako Lily. Nakikita ko naman na gusto ka pa rin niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung gusto mo pa rin siya," nagtatanong ang mga matang sabi nito. Napabuntong hininga siya. Alam niyang maaari itong masaktan sa sasabihin niya ngunit, mabuti pa siguro ay malaman na rin nito para hindi na rin ito umasa pa. Marahan siyang tumango. "Oo, gusto ko pa rin siya Matt. Ang akala ko lang ay nawala na ang feelings ko pagkatapos ng anim na taon, kaya lang nang magkita ulit kami sa kasal nila Tricia at Zac..." napabuntong hininga siya. Kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili ay hindi niya kaya. Lalo lamang siyang nahihirapan. Nang aminin nitong gusto pa rin siya nito na hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman nito sa kanya ay naubusan na siya ng lakas. Lakas na pigilan pa ang nararamdaman. Napatango-tango naman ito sa kanya. "I understand," sabi nitong pilit ang ngiti sa mga labi. Inisang lagok lang nito ang iniinom na juice. Maya-maya ay mahina siyang tinapik nito sa balikat bago nag paalam. Hinatid niya ito hanggang sa makalabas ng pinto. Nang makaalis ito ay napasandal siya sa pinto at ipinikit ang mga mata. Nalulungkot siya para kay Matt ngunit nakaramdam siya ng ginhawa nang aminin niya ang nararamdaman. Wala naman sigurong masama kung sumugal siyang muli. Kung pagbigyan niyang muli ang puso niyang baliw. Baliw pa rin sa bakulaw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD