Chapter Seventeen

2117 Words
"Madam, ayos lang po ba kayo?" untag ni Ann. Mag dadalawang linggo nang hindi maipinta ang kanyang mukha. Matapos ang insidente kung saan sinundo siya ni Matt sa bahay nila at ihatid sa apartment ay hindi na nagparamdam ang binata sa kanya. Kung kailan pa naman nakapag desisyon na siyang bigyan ito ng chance ay saka naman ito naglahong parang bula. "Ayos lang ako," pilit ang ngiting sabi niya. Madalas ay iniikot niya ang loob ng Coffee shop at nagbabakasakaling makikita ang binata. Saglit lang itong tumingin sa kanya bago nagpaalam. Naupo siya sa bakanteng silya. Sinapo ng dalawang palad ang kanyang sentido. Marahang minasahe iyon. Kapag hindi kapa nagpakita ngayon ay wala ka ng chance. Maghahanap na talaga ako ng iba, kahit hindi guwapo! naiinis niyang sigaw sa isip. Hanggang sa matapos ang oras ng kanyang trabaho ay walang Hugo na lumitaw. Pagkalabas ay naglakad siya patungo sa kinapaparadahan ng mga tricycle. Mas nakakatipid siya kapag iyon ang sinakyan niya. Hindi na rin naman siya nagpapahatid pa kay Matt. Mula nang huli sila nitong mag usap ay wala na siyang balita pa rito. Nang tingnan niya ang relo ay pasado alas-singko nang hapon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Ayaw niyang lumingon sa likuran. Binilisan niya na lang ang lakad. Hindi pa naman gaanong madilim sa paligid, ngunit nakakaramdam siya ng kaba dahil wala siyang nakakasalubong na mga taong dumaraan sa kalsada. Napansin niya ang kulay pulang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabagal lamang ang pagtakbo na animo'y sinusundan lamang ang kanyang paglakad. Diyos ko! Hindi kaya ito iyong isa sa mga napapanood ko sa balita na nangunguha ng mga taong malulusog ang pangangatawan at nag iisa, pagkatapos ay ibebenta ang kidney, puso at kung ano-ano pang parte na mapapakinabangan? Binundol ng kaba ang dibdib niya. Huminto ito. Sinamantala niya iyon at binilisan pa ang paglakad. Tumakbo na kaya ako? Bago niya pa magawa ang balak ay nagulantang siya. May humaklit ng braso niya at binuhat siyang parang sako ng bigas. "Tulong!" sigaw niya habang pinagbabayo ang likod nito na tila pader sa tigas. "Pakawalan mo ako!" histerikal na siya. "Ayaw ko pang matsugi na virgin!" naiiyak na niyang sigaw. Sapilitan siya nitong isinakay. "Don't worry I won't allow you to die virgin," sagot ng baritonong tinig. Nang makaupo sa loob ng passenger seat ay agad niyang hinanap ang pinanggagalingan ng baritonong tinig. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita itong pilyo ang pagkakangiti sa kanya. Walang iba kung hindi ang lalaking dalawang linggong hindi nagparamdam sa kanya. Si Hugo! "Saan mo ako dadalhin?" kinakabahang tanong niya. Ano bang malay niya mamaya ay napasok pala ito sa isang drug syndicate at nangunguha ng mga magagandang nilalang kung kaya hindi ito nagparamdam ng matagal. "I'm kidnapping you, My love," anito sa nakakalokong ngiti. Nahintakutan naman siya sa mga pinagsasabi nito. "Umamin ka nga? Nagda-drugs ka noh?," baling niya dito. Ito naman ay pinasibad na ang sasakyan. Natawa naman ito sa sinabi niya. "Seryoso ako," naiinis na sabi niya. "You are my drugs, love," natatawang sabi pa nito. Naiinis na pinagpapalo niya ang balikat nito. Kinakausap niya ito ng maayos ay puro ito kalokohan. "Buwesit ka. Bakit ang tagal mong hindi nagpakita?" huli nang ma-realize niya ang tanong. Masyado naman yata siyang naging obvious dito. "Did you miss me?" nakangiting sabi nito. Bahagyang lumingon sa kanya bago muling binaling ang tingin sa daan. Hindi niya ito sinagot. Kung alam lang nitong halos maloka na siya dahil hindi ito nagpaparamdam. Ang akala niya ay nagtampo ito dahil pumayag siyang ihatid ni Matt noon. Nagtatampo pa rin siya dito. Ang lakas ng loob na bigla na lamang lilitaw. "I missed you so much. Don't worry babawi po ako ngayon," anito sabay kindat sa kanya. Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata. Anong bawi naman kaya ang gagawin nito? Bago pa siya makapag isip ng sagot ay huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng bahay nila. Inihatid siya nito sa bahay nila? Bago pa siya makapag isip ay mabilis itong nakababa at inalalayan siya. Iginiya siya nito sa loob ng sala at doon naman ay na salubong nila ang mama niyang malawak ang ngiti. "Lily, anak," sabik na niyakap siya nito. "Ma, na miss kita," aniya at yumakap din dito ng mahigpit. Nang magbitiw ay bumaling ito sa binata. "Okay na, hijo. Ako na ang bahala kay Lily," nakangiting sabi nito. Tumango naman si Hugo at tinungo na ang daan palabas. Anong nangyayari sa dalawang ito? May hindi ba ako alam? Iginiya siya ng mama niya sa kuwarto niya. "Magpalit ka ng damit anak. Mayroon diyang kahon na may lamang gown. Isuot mo iyon at may kasamang sapatos na rin," tila excited ang boses ng mama niya habang sinasabi iyon. Nang makapasok sa loob ay naagaw ng pansin niya ang malaking kahon na nakapatong sa ibabaw ng kama niya. Katabi naman nito ang isa pang kahon na sapatos naman ang nakalagay. "Magpaganda kang mabuti," anang kanyang ina nang may panunukso. Magsasalita pa sana siya ngunit isinarado na nito ang pinto. Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng kahon. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at tumambad sa kanya ang Long white sleeveless gown. Napakaganda rin ng mga desenyong bulaklak dito. Napangiti siya. Mistula naman siyang ikakasal. Maya-maya ay isnuot na niya ito. Sinipat ang itsura sa whole body size mirror. Parang ipinasadya sa kanya iyon dahil sakto lamang ang sukat. Naupo siya sa silya at sinipat ang mukha sa vanity mirror. Inayos ang buhok. Bahagya niyang kinulot ang hanggang baywang niyang buhok. Naglagay din siya ng light make up para lumutang ang kanyang innocent look. Bahagyang hinawi pakaliwa ang buhok. Tila malabong pag isipan siyang maldita dahil sa itsura niya ngayon. Nang masiyahan sa itsura at tinungo na niya ang kama at inabot ang kahon ng sapatos. Binuksan niya iyon ang kinuha ang kulay puting high heels shoes. Matapos maisuot iyon ay muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Maya-maya ay nagdesisyon na siyang lumabas. Nasalubong niya ang mama niyang namamangha sa pagkakatitig sa kanya. "Ang gandang bata," naiiling na sabi nito. Nginitian niya lang ito. "Isa ka ring bolera, ma eh. Sayo ako nag mana," biro niya dito. "O, siya halika na at baka naiinip na ang ka-date mo," natatawang sabi nito at iginiya na siya palabas. Doon ay nakaabang ang simpatikong si Hugo. He's wearing a business black suit. Lalong nakadagdag sa karisma nito. Marahan itong lumapit sa kanilang kinaroroonan at inilahad ang palad sa kanya. Agad naman niya iyong tinanggap. Kakaiba ang hatid na init ng mga palad nito. Iginiya siya nito palabas. Ang buong akala niya ay sasakay sila nito sa sasakyan ngunit wala iyon doon. Iginiya siya nito sa entrance ng mansyon. Awtomatikong bumukas iyon. Ngayon na lamang siya muling nakapasok roon. Marami ring ipinagbago ang mansyon. Mayroon na itong malaking Swimming pool. Sa gilid ay may naka set na table for two. May nakapatong pang red roses sa ibabaw. Very romantic ambiance. Ito iyong ini-imagine niya lang noon na mangyayari sa kanya. Sa daan ay may mga puting ilaw na nag ga-guide papunta sa table. Hawak pa rin nito ang kamay niya hanggang marating nila ang table. Inalalayan siya nitong umupo. Pinatunog nito ang daliri at maya-maya'y may lumapit na isang lalaking nakasuot din ng pormal attire. Ipinatong nito ang dalang tray sa mesa at inalis ang takip niyon. "This is Creamy Tuscan chicken," anang lalaki. Pinagsilbihan naman siya ng binata ito ang naglagay sa plato niya ng nasabing dish. "Baked lobsters tail," anang lalaki at ipinatong muli ang bagong dalang pagkain. Paborito niya ang seafood kaya naman natatakam siya nang buksan nito iyon. Napakaganda pa ng presentation. "I know you like this," nakangiting sabi nito habang walang sawa siyang pinagsisilbihan nito. Hindi naman maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya pa alam na may romantic side ito, although sweet naman ito sa kanya dati. Iba pa rin ang ginagawa nito para sa kanya ngayon. Marami pang masasarap na putahe ang inihain sa kanila at sobrang nagustuhan niya ang mga iyon. "Cheers!" nakangiting sabi nito habang nakataas ang wine glass. Kinuha niya rin ang basong nilaglayan nito ng champagne at idinikit sa baso nito. "Cheers!" aniya bago ininom ang laman niyon. Walang pagsidlan ang kasiyahan niya. Batid niyang ganun din ito. Maya-maya lamang ay inalalayan siya nito na makatayo sa kinauupuan at iginiya sa gitna. Nang may tumugtog ng violin ay saka lamang siya napatingin sa gawi ng apat na lalaking tumutugtog. Nang muli siyang tumingin sa mga mata ng binata ay may kakaibang kislap ang mga iyon. Mabagal silang sumayaw sa malamyos na tugtugin. Makalipas ang ilang sandali ay huminto ito. Magkatapat ang kanilang mga mukha at ayaw magbitiw nino man. "You're the most beautiful woman I've ever seen," halos pabulong na sabi nito. Langhap na niya ang mainit na hininga nito. Alam na niya kung ano ang mangyayari kung kaya't ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Inihanda ang sarili. Hindi nagtagal ay sinakop na nito ang kanyang naghihintay na mga labi. Mainit, maalab at puno ng pagmamahal na nagsanib ang kanilang mga labi. Mahal na mahal niya pa rin ito. Napagtanto niyang hindi na niya kaya pang itago ang nararamdaman para dito. Lumipas man ang ilang taon na hindi niya ito nakasama ay ito pa rin talaga ang gusto niya. Ngayon na nagbalik na ito ay hindi na siya papayag na muli na naman itong lumayo. Maya-maya lamang ay nagbitiw ang kanilang mga labi at nagtama ang mga mata na parehong may ngiti sa mga labi. "I love you, Lilybeth San Agustin. You are my life, my everything," he said in a sincere voice. Umaapaw ang kasiyahan sa puso niya dahil sa sinabi nito. Ilang sandali lamang ay lumuhod ito at may dinukot sa bulsa. Isang pulang kaheta. Nang buksan nito iyon ay nagniningning pa ang Diamond ring sa loob niyon. Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito. "H-Hugo," nagbabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata. "Love, I can't imagine myself being with other woman. It's you that I always dreamed of to be with. I want you to be the mother of my children," he said in a teary eyes. "Please marry me," nagsusumamo ang mga mata nito. Siya naman ay lumuluha dala ng kaligayahan. Marahan siyang tumango. "Oo, pumapayag akong pakasal sayo," Isinuot nito ang singsing sa kanya at agad ding tumayo para muling magpantay ang kanilang mga mukha. "Thank you so much, love. I promise to make you the most happiest wife ever," nakangiti sabi nito. Hindi na siya nakasagot pa dahil muli na namang sinakop nito ang kanyang mga labi. Hindi niya pagsasawaan ang mga labi nito. Ipinapangako niya sa sarili na pagsisilbihan niya ito ng buong puso. "Ipinapangako ko rin na mamahalin kita ng buong puso, Hugo Anderson. Salamat at bumalik ka para sa akin," bahagyang hinihingal niyang sabi nang malayo ang kanilang mga labi. Malawak ang naging ngiti nito. Ipinagdikit nito ang kanilang mga nuo. "I want us to get married as soon as possible," nakapikit ang mga matang sabi nito. Natawa naman siya dahil sa sinabi nito. Hindi na ba ito makapaghintay na makasama siya? "Nagmamadali ka naman ata," biro niya. "I'm afraid that one of these days I cannot control my temptation to make you mine,"walang paligoy-ligoy na sabi nito. Kinilabutan naman siya sa sinabi nito. Inilayo nito ang mukha at pinakatitigan siya. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito. "Ang pilyo mo na," biro niya para itago ang munting kaba sabay mahina itong kinurot sa tagiliran. Natawa naman ito at hinuli ang makulit niyang kamay. "No. I'm just being honest, love. I want to make to you," pabulong na sabi nito. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa pag amin nito. "Magtigil ka nga," nai-eskandalo niyang sabi. Nahihiyang tumingin siya sa paligid. Nakangiting niyakap naman siya nito. "We will only do that the night after the wedding. I will set the date one month from now," anito bago muling sinipat ang mukha niya. Inaalam kung ano ang magiging reaksyon niya. "O, sige na mister mukhang wala na akong magagawa pa," nakangiti niyang sabi. Siya man ay nakakaramdam ng excitement sa araw ng kanilang kasal. Yumakap siya dito at isinandal ang ulo sa dibdib nito. Nilanghap ang mabangong amoy nito. Mukhang umpisa na ito ng maliligayang araw niya sa piling ng lalaking minamahal. Pakiramdam niya ay wala na siyang ibang lalaki pang mamahalin na katulad ng pagmamahal niya dito. Ngayon pa lang ay lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil ibinalik nito sa kanya ang lalaking itinitibok ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD