Nang mga sumunod na araw ay naging napakamaasikaso sa kanya ni Hugo. Hatid sundo siya nito sa trabaho. Madalas pa itong tumambay sa Coffee shop dahil gusto daw siya nitong laging nakikita. Kahit busy ito sa tapat ng laptop at paminsan-minsan ay lumilingon sa direksyon niya at pagkatapos ay ngingiti sila sa isa't isa. Nang gabing mag-propose ito ng kasal sa kanya ay tuwang-tuwa naman ang kanyang ina ng ibalita niya ritong engage na sila ng binata. Sinabi pa ng ina na nagpaalam daw ang binata dito bago mag-propose sa kanya. Agad niya ring ipinaalam sa kaibigang si Tricia ang nangyari at napakasaya naman nito para sa kanila.
"Madam tinamaan po talaga sa inyo si Sir. Ang lagkit makatingin sa inyo oh," bulong ni Ann na nasa tabi na pala niya.
"Matagal na kasi 'yang patay na patay sa beauty ko," pagyayabang niya.
"Ay, hindi po ako kokontra dyan. Exotic po ang beauty mo eh," anito sa nagbibirong tinig.
"Naman, oh," aniya bago malanding hinawi ang buhok na tumatabing sa pisngi niya. Nagtawanan naman sila nito. Makulit din kasi itong si Ann. Mahilig mag hunting ng mga guwapong nilalang.
"Hay, kainggit," gigil na sabi nito bago sinimulan na ang trabaho. Naging busy na rin siya sa trabaho kaya pansamantalang nawala ang atensyon niya sa fiance niya. Para itong human cctv dahil nakamasid lamang kung saan siya magawi. Kung sa iba siguro ay nakakailang ang ginagawa nito ngunit sa kanya ay ayos lang. Hindi naman siya nito iniistorbo.
"Are you tired, my love?" agad siyang nag angat ng tingin at nabungaran ang nag aalalang mukha ng binata. Umiling siya dito at ngumiti.
"Ayos lang ako. Hindi naman masyadong nakakapagod ang trabaho dito," aniya at ipinagpatuloy muli ang ginagawa. Lumapit ito sa kanya. Hinawakan ng mga kamay nito ang magkabila niyang pisngi para mag tama ang mga mata nila.
"After our wedding you don't have to do this, love,"seryosong sabi nito.
"Ayos lang naman sa akin ang trabaho ko. Saka hindi naman ako napapagod, " paliwanag niya at hinawakan rin ang mga kamay nitong nasa magkabilang pisngi niya, ngunit hindi naman inalis ang mga iyon.
"Nuh, let's focus sa paggawa ng baby," pamimilit nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Ang ingay mo baka may makarinig sayo," pigil ang paglakas ng boses na sabi niya habang pinandilatan ito.
"Why? Are you afraid to---" mabilis na tinakpan niya ang bibig nito. Wala man lang preno ito kung magsalita.
"Ang ingay mo. Lagot ka sa akin mamaya," banta niya bago inirapan ito. Tila hindi naman ito apektado at nakuha pang kumindat sa kanya.
"What kind of punishment are you going to give me?" tila excited na sabi nito nang tanggalin niya ang mga kamay na tumatakip sa bibig nito. Sandali siyang nag isip. Teka ano nga ba? Nang may maisip ay nginitian niya ito ng nakakaloko.
"Wala kang kiss," aniya
Agad namang nalukot ang mukha nito. Tila hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"Oh no. Don't you ever do that love, your kiss is my energizer every day. Don't take that away from me," nakasimangot na ang mukha nito. Siya naman ay aliw na aliw dito.
"Be a good boy kasi," aniya na animo'y bata ang kausap at mahinang kinurot ang pisngi nito.
"Woah! Love birds!" anang tinig mula sa di kalayuan. Sabay nilang nilingon iyon at bumungad ang malawak ang pagkakangiti ng mukha ni Rick. Hindi niya napansin na pumasok ito sa Coffee shop. Marahil ay nakatuon kasi ang atensyon niya sa nobyo.
"Nagsalita ang walang love life," nakataas ang kilay na sabi niya.
"Hey, Bro," baling nito kay Hugo. Tumango lamang ito at ngumiti. Magkakilala na ang mga ito dahil madalas sa Coffee shop si Hugo.
"Kailan pala manganganak ang asawa mong model ng Palmolive?" pahabol na tanong niya dito. Napabuntong hininga naman ito at nakangiting tiningnan siya.
"Her name is Katy. How many times do I need to remind you? She's seven months pregnant now, so after two months makikita na namin si Kendrick," masiglang sabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na ito at iyong malditang Palmolive girl ang nagkatuluyan. Akalain mo ba namang halos maghiwalay sina Tricia at Zac dahil sa mga ito. Napapailing na lang siya. Mabuti pa ang love story nila ni Hugo ay wala masyadong challenges. Nagtuloy na si Rick sa office nito. Bumaling siya sa nobyo at nakangiting pinagmasdan lang ito.
"Don't look at me that way. I'm tempted to kiss you now," bulong nito. Tinakpan niya ng isang daliri ang bibig nito.
"Sshh, Magtiis kana muna ngayon hmm. Kapag kasal na tayo ay mayroon ka nang unlimited kiss sa akin," malambing niyang sabi na ikinangiti naman nito.
"And unlimited love making," pilyong sabi nito. Kaagad na rumagasa ang init sa magkabila niyang pisngi. Mabuti na lamang at wala na Rick doon dahil katakut-takot na kantiyaw ang aabutin niya dito. Bakit ba ang manyak ng bakulaw na ito?
"Pilyo ka talaga," gigil na sabi niya at pinagkukurot ang braso nito. Mukhang kailangan niyang ihanda ang sarili physically and mentally dahil mapapalaban siya dito pagkatapos ng kasal nila. Hindi pa man ay nakakaramdam na siya ng kaba.
Nang matapos ang oras ng kanyang trabaho ay kumain muna sila ng nobyo sa isang restaurant. Matapos makapag order ay saka naman tumunog ang cellphone nito. Sandali itong nagpaalam na sasagutin muna nito ang tawag. Tumango lamang siya dito. Tumayo ito at tinungo ang daan palabas. Nang makabalik ito ay siya namang dating rin ng mga inorder nitong pagkain nila. Nagbago ang awra ng mukha nito naging seryoso. Hindi niya naman matandaang may nagawa o nasabi siya dito para maging ganun ito. Naging tahimik din ito habang kumakain sila. Hindi siya sanay na ganun ito.
"May problema ba?" hindi na nakatiis na tanong niya. Napabuntong hininga lamang ito.
"Yeah, but don't worry about it. It's just a minor problem," tila balewalang sabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito at seryoso itong tiningnan sa mga mata.
"Basta kapag may problema ka ay nandito lang ako para sayo," sincere na sabi niya. Malapit na niya itong ganap na maging asawa kaya gusto niya itong damayan sa lahat. Dinala naman nito sa mga labi nito ang kamay niyang hawak din nito at masuyong hinalikan.
"Let's just focus on our upcoming wedding. We have two weeks left," nakangiti na nitong sabi. Napangiti na rin siya dito. Mabilis lang na lumilipas ang araw. Ito na ang umayos ng lahat ng kakailanganin sa kasal nila. Wala na nga siyang aalalahanin pa. Nakapagpasukat na rin siya ng gown na isusuot sa kasal.
"Will you promise me that whatever happens you will listen to me? Just me, love," nagsusumamong sabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit nito iyon sinasabi ngunit kahit ano pa man ang pinagdaraanan nito ay gusto niya itong damayan.
"Oo naman, love. Sayo lang ako makikinig," nakangiti niyang sabi sabay ipinatong ang libreng kamay sa isang palad nito na nakahawak sa kanya. Nais niyang ipabatid dito na kakampi siya nito at susuportahan niya ito.
Tahimik lamang ito habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi na rin niya kinulit pa ito dahil naisip niyang maaaring pagod na ito. Hindi rin naman kasi biro ang ginagawa nito. Alam niyang may inaasikaso itong trabaho ngunit gusto pa rin nitong malaki ang oras na inilalaan nito para sa kanya. Pakiramdam niya ay lagi niyang hahanapin ang presensiya nito at hindi na ata niya kaya pang mawala ito kahit saglit lamang sa kanyang paningin. Hindi na siya makapapayag na iwan pa siya nito lalo na ngayon na mahal na mahal na niya ito. Ilang minuto lamang ay narating na nila ang tapat ng tinutuluyan niyang apartment. Ihininto nito ang sasakyan at dali-daling ipinagbukas siya ng pinto ng kotse. Kumapit siya sa nakalahad nitong palad. Nang tuluyang makababa ay humarap siya dito at mabilis na tumingkayad para maglapit ang kanilang mga mukha. Mabilis niya itong hinalikan sa mga labi nito. Akmang aalis na siya para tunguhin ang pinto ng apartment nang hatakin siya nito sa braso.
"Do you think that's enough," anitong may ngiti sa isang sulok ng labi.
"B-bakit kulang pa ba?" nagtataka niyang tanong. Nakasanayan na nitong sa tuwing susunduin at ihahatid siya nito ay magbabayad siya ng halik.
"I'll show you the right way," pilyong pagkakangiting sabi nito. Mabilis siya nitong kinabig at namalayan na lamang niyang sinisibasib na nito ng halik ang kanyang labi. Sandali siyang natigilan. Maya-maya lamang ay tinutugon na niya ang maalab at mapusok nitong mga halik. Pawang hinahabol nila ang hininga nang magbitiw ang kanilang mga labi. Magkalapat ang kanilang mga nuo. Ilang sandali silang nasa ganung posisyon bago naghiwalay. May ngiti sa mga labi nito ngunit parang may lungkot sa mga mata nito. Nagiging weird naman masyado ang bakulaw na ito. Naisip niya baka dahil lamang sa malapit na silang ikasal. Maging siya man ay hindi mapigilang maging emosyonal.
"Mahal na mahal na kita kaya huwag ka nang mawawala," nagbabanta niyang sabi dito.
"Of course my love. I will always stay by your side," nakangiting sabi nito at marahang pinisil ang pisngi niya. Napangiti sila sa isa't isa. Kung maari lamang na huwag na sanang matapos ang puro kaligayahan sa piling nito. Wala na siyang mahihiling pa sa mga oras na iyon. Kinumpleto na nito ang buhay niya. Mahigpit pa siyang niyakap nito bago nagpasyang sumakay na sa kotse nito. Ilang sandali lamang ay pinasibad na nito ang sasakyan. Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito ay saka lamang niya ipinasyang pumasok sa loob.