May higit isang linggo na nang makabalik sila mula sa kanilang honeymoon ng kanyang asawa. Hindi niya masyadong na enjoy ang dagat dahil madalas silang mag stay sa loob ng suite na kanilang tinuluyan. Ngayong araw ay bumalik na siya sa trabaho. Ayaw na sana siya nitong papasukin dahil ito na raw ang bahala sa mga gastusin. Ang kailangan na lang niyang gawin ay hintayin ito. Mariin ang naging pagtutol niya. Wala siyang balak na iasa dito ang lahat kahit na alam niyang kaya naman nitong buhayin ang kanilang magiging pamilya. Natigil ang kanyang pag iisip nang tumunog ang kanyang cell phone. Ini-expect na niya kung sino iyon. "Hello mister," bungad na bati niya rito. "Did you take your lunch?" tanong nito. "Not yet may tinatapos lang ako saglit," aniya. "Don't starve yourself. Pupuntaha

