"Hello baby Zale," bati niya sa sanggol na kalong ng kanyang kaibigang si Tricia. Isang linggo na mula nang makalabas ito sa hospital. Binisita nila ito ng kanyang asawa ngayon para makita ang sanggol at kumustahin na rin ang kalagayan ng kanyang kaibigan. Malaki ang resemblance ng sanggol sa ama nitong si Zach. "Gusto mo ba siyang kargahin?" tanong ng kanyang kaibigan. "Gustong-gusto," walang patumpik-tumpik niyang sagot. Maingat nitong inilipat sa braso niya ang mahimbing na natutulog na sanggol. Ingat na ingat siya sa paghawak. Isang maling galaw lang ay magkakalasan ang mga buto nito. Iyon ang unang beses na nakakarga siya ng sanggol. Wala naman kasi siyang kapatid dahil solong anak lang siya. "Kamukhang-kamukha mo ang daddy mo. Alam mo ba 'yon," kausap niya dito kahit alam naman

