RED EIGHT

1326 Words
Alex Pagkalabas ko ng sasakyan ay laking gulat ko ng nandoon si ma'am mandy sa harapan ko, nakangiti na naman siya .. kaya ngumiti ulit ako sa kanya na para bang nahihiya pa siya at yumuko ito at tiningnan kung saan si ma'am eva pero wala na siya . "m-ma'am mandy ? may kailangan po ba kayo ma'am? " agad naman ito tumingin sa akin. " wala naman uhmm my ask what's your name ?" " a-ako po si Alexandra ma'am Alex na lang po " nilahad ko naman ang kamay ko sa kanya at tinignan niya lamang ito .. kaya agad ko na rin binawe ay oo nga pala ang katulong hindi nakipag kamay sa kaibigan ng amo niya o sa amo mismo .nakakahiya. Magsasalita pa sana si ma'am mandy ng may tumawag sa akin . " Alex ? Alex babe . naku.naku .naku andyan ka pala dali bilisan mo . " hinatak na ako ni lolet ng makita niya ako hindi ako nakapag paalam kay ma'am mandy naku, kaya tinignan ko na lang ito kaya kumaway ito sa akin at siguro sinasabi nyang ayos lang kaya binalik kona kay lolet ang attention ko . " b-bakit lolet? may nangyari ba? " huminto naman kami sa may hagdanan . " naku.naku alex babe hinahap kani ma'am eva naku mukhang galit pumunta ka daw ngayon sa kanya . kaya dali-an mo na . Sandali mag palit ka mona ng damit na katulad nitong ng sa amin . Hali ka " kaya hinatak nanaman niya ako papunta sa kusina at doon ko na nakita ang iba pang katulong na abala sa pagluluto kasama si manang tes . " naku alex bilisan mo ayaw na ayaw ni ma'am na pinaghihintay siya . " ang sabi ni ma'am tes sa akin kaya kinabahan naman ako dun . Matapos kung magpalit ng damit agad na akong lumabas ng kwarto kung saan nagpalit ang mga katulong wala na kasyang damit sa akin kaya ito na lang . Hindi ako sanay kasi masyadong maikli hindi naman ako nag sosuot ng ganito . ayyy bahala na kaylangan kung bilisan malalagot na ako . " Wa...da....pak..." ang unang lumbas sa bibig ni lolet ng makita ako kaya di ko na lang pinansin at tumuloy nasa hagdanan papunta sa kwarto ni ma'am . Naku lagut nakalimutan kong mag tanong kay lolet kung saan ang kwarto ni ma'am... sa ikalawang palapag ba? o sa ikatatlong palapag?.....ah bahala na mag tatanong na lang ako dito . Pagdating ko sa ikalawang palapag walang tao napalingalinga ako baka makita ako pero wala... kung babalik naman ako sa baba masyado kukulangin ako sa oras ,naku ,saan ako mag-sisimulang mag-hanap? tinignan ko ang bawat pa selyo na may-roon dalawa ang may-roon isa sa kanan ko at isa sa kaliwa Kaya't sinumalan ko mona sa harap ko nakasarado sinubukan ko sa kabila sarado din kaya pumunta na lang ako sa pinakasulok na pasilyo sa kanan kakaiba ang desenyo ng pinto nito kaya pinihit ko pakaliwa ang hawakan nito at saktong bukas kaya kumatok mona ako bago pumasok . Pagbukas ko ito ay siya din ang una kung nakita, ang mukha ni ma'am eva na seryosong nakatingin sa akin habang nagkasalubong ang kilay kaya napalunok ako. Ito na naman ang pakiramdam na mawawalan ako ng hininga dahil sobrang lapit namin. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. "m-ma'am? pinapatawag mo po ako?" tinaasan niya lang ako ng kilay. " Get In " kaya sinundan ko ito at nakita kung na upo ito sa higaan nya , hindi ko mapigilang tumingin sa paligid ng kanyang buong silid, simple ngunit lahat ng kanyang kagamitan ay maganda. humalukipkip ito at seryosong tumingin sa akin. Napalunok ako dahil mukhang sinusuri niya ako ng mabuti hanggang sa mapunta siya sa suot ko at tumingin ulit sa akin. " Why you took so long? " may inis na tanong niya . "p-pasensya na po ma'am, nagpalit lang ako ng damit at n-nakalimutan kong tanungin ang inyong silid kung nasaan ito kaya nahirapan akong hanapin ito " hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa mga titig niyang nakakamatay " Sana maliwanag sayo na pag oras ng trabaho ay trabaho at wag makipag chismissan sa oras ng trabaho and stop making excusses dahil nasa trabaho ka . This is your first offense and when you fail again I will not hesitate to fire you. I make my self clear? " " o-opo ma'am " hindi naman ako nakipag chismissan " Good. You may go papatawag na lang kita pag may kailangan ako sayo ,si manang tes na ang bahala sa iba mo pang gagawin " tumingin ako dito at ngumiti ng bahagya. " s-salamat po ma'am aalis na po ako " tumalikod nako dito at lumabas ng kwarto . Para akong naghihina dahil lamang sa hindi ko sinasadyang gawin bakit ganon na lamang siya magalit ? Bumaba na ako ng hagdan at hinahanap ko si manang tes at sabi sa akin nasa hardin daw kaya pumunta ako doon at nakita ko siyang nag didilig ng halaman . " manang tes ?" Tawag ko dito . Nilingon naman niya ako at agad na pinatay ang tubig . Ngumiti naman siya sa akin kaya lumapit ako dito . " bakit alex may kailangan ka? " " ang sabi kasi ni ma'am eva kung ano pa daw ang gawain na gagawin ko po ? " " ah ganon ba? oh ito mag dilig ka ng halaman " tapos binigay nya sa akin ang hawak nya kanina sasabihin kona sana kung paano ito paganahin ng wala na ito sa likod ko . hala. kaya sinubukan kung paandarin pero walang lumabas na tubig iniikot-ikot kopa ito pero wala. Kaya sinundan ko kung saan nakaangat ito hanggang sa nakita ko kung saan nakasaksak kaya pinihit ko ito pakanan saktong pagpihit ko ay tumama ang tubig sa mukha ko "ANG SAKIT... " pumasok ata ang tubig sa ilong ko doon kasi unang tumama ,kaya dali-dali kung pinatay ito salamat naman at huminto na . Pagtingin ko sa suot kung damit basang basa na , lalong lalo nasa bandang dibdib . ano bayan. parang hindi ko naman araw ngayon . kaya kahit basang basa pinagpatuloy kona uli ang pagdidilig ng halaman nag-ingat na ako sa pag bukas at sa wakas marunong na akong buksan ng tama. Pasensya na wala kasi ito sa amin kaya hindi ako marunong sa mga bagay bagay na ngayon ko lang nakita . Pagkatapos kung magdilig ng halaman ay pumasok na ako sa loob pinahid ko ng kamay ko ang basa kung mukha . " a-alex babe? bakit parang basang basa ka anong ginawa mo? " nakasalubong ko si lolet papuntang kusina . " naku lolet hindi ko alam paano paganahin ang dinidilig sa halaman kaya ito ang nangyari haays " tingin kosa basa kung damit . Nakita ko naman tinititignan niyarin ang sa bandang dibdib ko mismo kaya tinakpan ko ng dalawang kamay ito . " hala bat mo tinakpan " ano daw ? " a-at bakit hindi ? makatitig ka kasi " hindi siya sumagot ngunit tumititig lamang sya sa akin at lumapit . " h-hoy lolet anong ginagawa mo? " nanlaki ang mata ko dahil masyado na syang malapit . " What are you two doing? " isang matigas na tinig ang narinig namin kaya sabay kaming napatingin doon ganon na lang ang takot kung si ma'am eva ang nakita namin na seryusong nakatingin sa akin at kay lolet tapos sa akin ulii . Bumuntang hininga ito at lumapit sa amin tinignan ko naman si lolet pero nakita kong wala na ito sa tabi ko ,hala saan siya pumunta ? . Tumingin uli ako kay ma'am eva ito na naman ang puso ko parang lalabas nanaman . kinakabahan lang ako siguro kaya ganon . Lagi naman akong kinakabahan sa tuwing makikita ko siya, lalong lalo na kung masyado siyang malapit sa akin . Haayss papagalitan nanaman ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD