RED SEVEN

1329 Words
Someone POV   " tama yung naging desesyon kung iwanan siya diba ? " kausap ko sa kaibigan kung si stef. Si stef ang nag-iisang tao na nakaiintindi sa akin , nakaunawa sa mga nangyayari sa buhay ko nakikinig sa lahat ng mga hinaing ko.   Ngunit hindi ito sumagot at tinitignan lamang nya ako alam kung naawa sya sa akin pero hindi nya pinapakita sa akin na naaawa siya .   " kamusta na kaya siya ? ayos lang kaya siya doon? may nag-aalaga ba sa kanya? kumakain ba siya sa tamang oras ? m-may n-nagpapaligaya na ba sa kanya ? " sunod na sunod na tanong ko dito pero ganon pa din ito walang naging reaction nakatingin padin sya sa  akin. Tumayo ako ng dahan dahan at lumalakad papunta sa kanya at umupo katabi niya.   " b-bakit h-hindi na nya ako biniseta dito? Ang sabi n'ya lagi siyang bebeseta sa akin d'to p-pero hindi ko na siya nakikita na " ganon parin wala man lang naging reaction ito .   " nakikinig kaba sa akin? Pinakikinggan mo ba ako? SAGOT . SUMAGOT KA. SAGOT KA DALI …" hinahampas hamapas ko ito hanggang sa napunta na ito sa sahig pupulotin ko na sana ng biglang may humila sa akin nagpupumiglas ako at mayat maya madami na ang humahawak na kamay sa akin at pinipigilan ako.   " INGATAN NYO SIYA KAIBIGAN KO YAN . PLEASE INGATAN NYO SI STEF KAIBIGAN KO YAN . kash---ibi--gan koow shiy-- "  hanggat sa may nagturok nanaman sa aking leeg dumilim nanaman ang paningin ko at hindi ko alam kung ano na ang nangyari pagkatapos .   PAGOD.NA.PAGOD.NA.AKO.   Someone POV    Habang nakahiga ang isang babae sa sarili nitong higaan ay hindi naman mapigilang ng isang medyong may katandaang babae na maawa sa lagay ng babae. Kaya napahagulhul ito at napayakap na lamang sa kasama nitong may katandaang ding lalaki .   " m-markus h-hanggang kaylan natin m-makikitang nag dudusa ang ating anak sa ganyang kalagayan ? naawa na ako sa ating anak markus wala man lang tayong magagawa para maibalik siya sa dati… sobrang sakit sa tulad kung ina na makitang nag kagaganyan ang anak natin alam kung ganon ka din markus… pero ginawa naman natin ang lahat bakit parang walang nangyayari? " niyakap naman siya pabalik ng asawa nito .   " Susan.. wag tayong mawalan ng pag-asa ma ibabalik din natin sa dati ang ating anak… malakas si Isabel Susan alam kung isang araw makikita na lang natin siyang hinihintay tayo para sundoin siya at sama sama tayong uuwi sa ating tahanan… . Gagaling siya okay? Magtiwala lang tayo sa panginoon. Gagaling siya susan ang mahalaga sa ngayon nakikita niyang andito tayo para sa kanya " gusto man niyang umiiyak sa sitwasyon na nahihirapan ang kanyang asawa at anak pero masminabuti niyang maging matatag para sa kanyang pamilya .   " b-bakit sunodsunod itong nagyayari sa atin una ang pagkawala ng ikalawang anak natin na ngayon hindi natin alam kung buhay ba siya? o kung sino ang kumukupkop ngayon sa kanya?! … markus… ngayon si Isabel naman ... hindi baliw ang anak ko markus ,hindi siya baliw. ayukong isipin na ganyan ang anak natin markus ." Iyak parin ito ng iyak habang hinahampas sa dibdib ang asawa nito kaya  niyakap na lang niya ng mahigpit ng asawa nniya at pinaupo sa malapit na selya at tinignan ang natutulog nitong anak na aakalin mung mahimbing lamang natutulog.    PATAWAD.DAHIL.WALA.AKONG.NAGAWA..     Alex   Maaga akong umalis kilala nanay rema dahil ayaw ko namang mapagalitan dahil na huli  ako sa unang araw ko sa trabaho.    Gusto pa sana nila akong ihatid pero sinabi kung wag masyado na silang na abala pa saulado ko naman ang daan kaya okay lang na mag-isa ako .   Papasok na sana ako ng bigla akong harangan ng isa sa mga taga bantay papasok sa loob ng subdivison nilakad konadin total hindi naman masyadong malayo sa sakayan ng tricycile at tyaka bawal ang trycicle sa loob kaya wala rin naman akong magagawa kaya tiis-tiis .    " Miss? saan ka pupunta ? "   " sa loob po manong " aalis na sana ako ng bigla akong harangan uli .   " tek.teka. hindi ka pwedeng pumasok . sino ba ang dadalawin mo sa loob?  ."   " Mag tatrabaho po akong bilang katulong ni ma'am Eva manong "    " sigurado ka ? " tumango naman ako dito para ayaw pa atang maninawala tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa .    " Sandali paghintay ka dito at tatawagan lamang namin ang handline nina ma'am Eva " sasagot na sana ako ng bigla na lamang itong umalis . ayyy     Beep.Beep.Beep.Beep .   Halos atakahin ako sa puso ng bigla na lamang may nagbosina sa likod ko .  Hindi ko makita kung sino yung sa loob ng sasakyan hanggang sa tumapat ang bintana nito at doon ko mismo nakita si  ... Ma'am eva? at may kasama itong babaeng nakatingin din sa akin habang nakangiti ang ganda niya .    Kaya hindi ko ma iwasang gumanti ng ngiti dito .   Halos atakihin nanaman ako sa puso ng biglang mag busina si ma'am Eva uli tinignan ko naman ang itsura nito nakasoot ito ng salamin pero hindi ko makita ang mga mata niya at nakasoot ng puting pulo na tinupi ang manggas nito hanggang seko at kita ko ang kulay nitong itim na bra .. ay hindi. hindi ko iyon nakita .   Bigla akong nag iwas ng tingin dito pero nahagip ko ang ngiti ng kasama niya habang nakatingin sa kay ma'am eva .   " ano tumunganga ka na lang diyan at ayaw mong pumasok sa loob?" ako ba yon?  tinignan ko naman ito at kahit nakasalamin alam kung ako yung tinatawag niya kita ko kasing nakataas ang isa nyang kilay sa akin.    Nagdadalawang isip pa akong papasok pero ng makita kong napasuklay ito gamit ang kamay niya sa buhok niya tumingin muna siya sa harap at tumingin sa akin tinaasan nanaman ako ng kilay uli.  " dont make me count " kaya agad na agad na akong pumasok sa loob nakakatakot naman siya.  Pagpasok ko ngumiti naman sa akin ang kasama ni ma'am eva kaya ngumiti na lang ako ng bahagya .   Habang nasa byahe para akong bata na nililibot ang tingin ko sa loob ng sasakyan ngayon lang ako nakasakay dito .  Pati ang inuupan ko ang lambot kaya dahandahan kung iniusog ang pangupo ko sa kanan minsan sa kaliwa parang hindi nakakasawang upuan ang lambot umaalog-alog pa ako ng mahina pero para lang ako umupo uli pero hindi ako umalog para akong lumubog. Kaya inayos kona yung sarili ko at dumako ang tingin ko sa maliit na salamin sa getna at doon ko nakita ang salubong na kilay ni ma'am eva wala na kasi itong soot na salamin kaya kita kita ko ang mag kasalubong nitong perpekto nitong mga kilay at ngayon ko lang na pagtanto ang ginawa ko kanina .    Grabi nakakahiya ,ano kaba alex baka anong isipin nila .    Kaya ngumiti na lang ako dito ng alanganin,   " P-patawad po " at dahandahn kung niyuko ang ulo ko paharap sa paanan ko . Parang.....uminit yata ang pisnge ko kahit na malamig naman dito sa loob.   Narinig ko naman ang pagtawa ng kasama ni ma'am eva kaya umangat ako ng tingin rito halos kaposin na siya ng hangin sa kakatawa nya habang hawak hawak pa nito ang tyan niya na parang may masakit dito .   " pfttt OMG " ayan na nga ba alex nakakahiya ka .   " Stop it Mandy " saway sa kanyan ni ma'am eva .ah siya pala si ma'am mandy maganda si ma'am mandy  parang ang aliwalas ng awra niya si ma'am eva naman parang...parang hindi marunong ngumiti manlang laging seryuso ang mukha.    " pffftt. Oh Right . Oh Right. . I cant help it . She so cute and adorable " at tumingin sa akin at nabigla akong kumindat ito .   Tumingin na lang ko sa bintana at hindi iniisip ang kalokohan ko kanina . Dyosko po gusto ko ng lumabas. .                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD