Nakarating na ang dalaga at ang matanda sa maynila ,parot , parito ang mga tao ng kanilang nadadaanan sumusunod lamang ang dalaga sa likod ng matanda habang niyayapos ang dalang nitog gamit.
Sumakay sila ng tricycle at pumunta sa lugar na hindi alam ng dalaga ilang oras din ang nilakbay nila ng makaring sila sa hindi kalakihang bahay , una ng bumaba ang matanda sumunod naman siya .
" Halika ka anak sumunod ka sa akin dito tayo " Sumunod naman ang dalaga sa matanda at kinatok nila ang pinto ng di naman kalakihang bahay pero dalawang palapag ito . Nilibot ng dalaga ang tingin nya sa kanyang likoran at masasabi niyang maingay at hindi naman dikit dakit ang mga bahay bahay masasabi mong may kaya ang mga taong nakatira dito dahil sementado ang mga bahay .
" Sandali lamang andyan na " rinig ng dalawa sa loob ng bahay .
Pagbukas ng pintoan nakita nilang isang may katandaan naring babae ang sumalubong sa kanila .
magkamukha sila . Sa isip ng dalaga .
" ate ? Ikaw pala pasok kayo hindi kaman lang nag pasabing dadating ka idi sana nasundo ko kayo sa sakayan "
Pumasok naman sila at pina upo sa gawang kahoy ng nara ng medyo may kalumaan na .
" hindi na ako naka tawag sayo ay dahil na kalimutan kung may paload . oh siya nga pala ito si alexandra ang kinikwento ko sayo dati"
"Ay sya ba yan? kamosta kana Ihja? "
" o-okay lang po ako aling Rose " nahihiya naman ang dalaga dahil kinikwento pala sya ng matanda dito sa kapatid nya .
" naku ihja nanay rose na lang itawag mo sa akin hindi ka naman iba sa akin " Hindi naman napigilan mapangiti ng dalaga dahil sa kanyang narinig.
" s-sige po nay rose "
" wag kang mahiya dito anak huh? kung may kailangan ka tawagin mo lang ako o di kaya ang nanay rose mo . Kumatok ka lang sa kwarto namin " Tumango naman ang dalaga at nag pasalamat rito .
Inihatid na kasi siya sa kwarto niya matapos nilang kumain ng haponan .Mag gagabi nadin kasi ng makarating sila ng matanda . Napag-usapan din nila ang nangyari sa kanya tulad ni aling rema ang kapatid nito ay nag pupuyos din ang damdamin nya at pagkamunhi sa naranasan nito sa pagmamalupit sa kanya .
Hindi naman ma iwasang mapaiyak ang dalaga hindi dahil sa mga sinapit nya kun di binigyan sya ng mga taong akala nyang hindi na nya maranasan nq madarama nya ang tunay na pag mamahal sa mga ito kahit hindi siya ka dugo .
Pero hindi parin nawawalan ng pag-asa ang dalaga na balang araw mahalin din siya sa taong nag palaki sa kanya mula pagkabata .
Bigla naman na isip ng dalaga ang mukha ng isang istranghero na kanyang nakabonggo kanina sa pangalawang pagkakataon naalala na naman nya ang napakagandang mukha nito bago siya dalawin ng antok .
_____
Kinaumagahan maaga nagising ang dalaga para mag luto ng makakain ng dalawang matanda . Nasaisip narin nyang pumasok na kasambahay para may maitulong sa dalawang matanda na nagkupkop sa kanya at ang mga bayarin dito sa bahay ng matapos siyang mag luto tinignan niya kung anong oras na mag aalas kwarto palang ng madaling araw .
Napa aga ata ang gising ko . Napakamot sa ulo na sabi ng dalaga na sanay kasi siyang maaga na gising tapos mag iiwan ng pagkain sa lamesa para pag uwi ng Inay nya ay may makain na ito at siya? kilangan niya pang ihanda ang mga gulay na kilanganin nya sa pagtitinda.
Pero hindi naman tumagal dumating narin ang dalawang matanda na gulat pa ito nga makita ang dalaga na inaayos ang makakain nila .
" Magandang umaga ho Ali ayy nay rose pala at nay rema . Ma upo na po kayo " Masayang salubong ng dalaga sa dalawang matanda at ikinatuwa naman ng dalawa at sinabihan pa siyang sumabay na sa pananghalian sa susunod daw wag na siyang mag-abala pang mag luto ng makakain nila sila na lang daw ang gagawa .
Syempre hindi naman papayag ang dalaga kahit ito man lang ang ginagawa niya ang makatulong kahit papaano sa mga ito .
Kalaunan napapayag nadin nya ang dalawang matanda.
" nay rema at nay rose gusto ko lang po sanang itanong kung saan po pwedeng mag apply bilang isang katulong po dito gusto ko lang po kasing tumulong dito sa pang gastos dito sa bahay para hindi po kayo mahirapang sa mga gastusin dito " napatingin naman ang dalawang matanda sa kanyag sinabi .
" Sigurado ka ba dyan anak? " tanong ni aling rema sa dalaga
" opo nay para hindi naman po ako masyadong pa bigat sa inyo . Nakakahiya nga po eh kahit hindi nyo po ako ka ano-ano pero inaako nyo po ang responsibilidad nyo sa akin para alagaan ako "
" ano ka ba anak masaya kami na nadito ka at wag mong-isipin na pa bigat ka lang sa amin kasi hindi totoo yan . Masaya kami dahil sa tanda naming ito na kami na dalawang magkasama sa buhay ay binigyan parin kami ng anak na katulad kahit hindi tayo mag ka dugo kay tinanggap ka namin parang isang tunay na anak . " Madamdaming pagpahayag nito sa dalaga .
" Oo nga anak tama ang Inay Rema mo wag kang mag-alala sa mga gastosen dito sa bahay nag tatrabaho naman ako at mataas ang pasahod sa tinatrababohan ko kaya hindi tayo ma gugutom at sapat ang kita ko sa pang-araw araw natin " dugtong na salita din ni Aling rose sa dalaga .
" napakasaya ko po dahil tinanggap nyo ako sa pamilya nyo nay rema at nay rose pero hindi po ako papayag na ma upo na lang dito at walang ginagawa kaya po payagan nyo na po akong magtrabaho sige na po " pakiusap ng dalaga sa dalawang matanda .
Mayroon mang patutol sa dalawang matanda pero di-kalaunan ay napapayag nadin ang dalawa at labis naman kinatuwa ng dalaga .
" oh siya sige kung yan ang gusto at nais mo pumapayag na kami " Labis ang saya ng dalaga at di na pigilang hagkan ang dalawang matanda .
" Salamat po talaga nay rose at nay rema "
" teka sandali kaylan mo ba gustong mag apply bilang katulong ? " tanong ni nanay rose dito
" bukas po sana nay kung may ka kilala po kayo na pwedeng ma applyan "
" ganon bah " nag-isip naman ang matanda kung may may idea ba siya na pwedeng mapagtangonan. " si anna , tama nag tatrabaho yon bilang isang katulong din baka may idea siya o pwede ka nyang papasukin doon "
" talaga po ? pwede po ba natin siyang puntahan nay? " tumango naman ang matanda bilang pag sang-ayon rito .
" tamang tama andito siya ngayon araw "
Nag pa alam mona sila kay aling rema bago gumayak .