Alex
Nakausap na namin si anna na ka kilala ni nanay rose pero sinabi nitong umalis na daw ito sa trabaho niya kasi kilangan nyang umalis papuntang ibang bansa may trabahong nag hihintay sa kanya doon pero bago siya umalis kilangan nya munang maka hanap ng kapalit .
Kaya tamang tama daw ako kaya laking pasasalamat ko rito . Tinanong nya pa kung sigurado daw akong gusto kung maging katulong sinabi ko naman na oo , mukha daw kasi akong nag bibiro.
Bukas na bukas daw sasama ako sa kanya para may ipakilala sa boss nya at sa mga kasamahan niya at ituturo din nya ang mga ginagawa nya na gagawin ko din bago siya umalis . Pinalalahanan nya pa ako na may pag ka strickta daw ang boss niya kaya ihanda ko daw ang sarili ko dito .
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa narinig ko kay ate anna pero bahala na, sisiguradohin ko naman na pag bubotihin ko ang aking trabaho para hindi naman nakakahiya kila nanay at kay ate anna nadin .
Kaya ma aga palang gumayak na kami ni anna papunta sa trinabahohan nya dati medyo malayo pala kasi dalawang sakay sa pasaherong jeep at isang taxi papasok ng subdivision daw tawag dito .
Hindi kasi pwede ang tricycle sa loob.
" grabi ang gaganda ng mga bahay dito ate anna at ang tatangkad nila" mangha mangha talaga ako sa laki at kaygandang mga bahay ang nandito .
Natawa naman si ate anna dahil sa sinabi ko. Ate kasi mas matanda sya sa akin bente dos palang kasi ako, siya bente syhete na .
" haha! Tama ka nga alex pero mas mamangha ka sa bahay na pupuntahan natin " hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ay siguro kinakabahan lang ako , ganon .
Bumaba kami sa malaking tarangkahan tinanong pa kami ng taga bantay kung ano ang kaylangan namin sinabi ni ate anna na gusto nyang makausap si Miss Fortel bayon? para sabihing ako ang nakita nyang kapalit .
Tumingin pa ang bantay sa akin kinausap nya pa si ate na sigurado daw ba na papasok akong katulong e ang ganda ganda ko naman daw , hindi ko naman tuloy mapigilang mahiya , aaminin ko namang may itsura ako ang sabi pa nga ng iba sa probinsya namin may lahi daw akong banyaga pero sinasabi ko na lang hindi naman siguro , hindi ko alam.
Pero maya maya pinapasok nadin kami maghintay na lang daw kami sa loob hanggang makarating ang boss nila .
" halika na alex pasok na tayo "
" sige po ate anna " pagpasok na pagpasok pa lamang namin nakita kona agad ang ibat-ibang uri ng mga bulaklak at ang maliliit na mga damo tapos ang tinatapakan namin gawa sa semento na hugis parisukat hanggang sa makita nanamin ang napakaling bahay ,ang ganda, pinindot naman ni ate ang kulay puti na parang button tapos may -narinig akong tunog na nag mula doon , may nagbukas naman agad dito.
" oh anna ikaw pala ? sino yang kasama mo? halika kayo pasok,pasok, "
" andyan basi manang tes? nakahanap na kasi ako ng kapalit ko dito,,, ay sya nga pala ito sa Alexandra , alexandra ito naman si lolet "
" hello po ate lolet " kasabay ng pag ngiti ko ng malawak ako na mismo ang nakipag kamay dito nabigla pa ito at naka nga nga lang sa akin .
" hoy lolet " yugyug ni ate anna sa kanya
"h-huh? nasa langit naba ako? " natawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi nya pati si ate anna na tawa naman dahil sa kalokohan nya.
" Sigurado ka bang mag a applay kang katulong ?parang hindi kanaman bagay maging katulong . may lahi ka banyaga? "
"u-uhm wala naman po, kasi pinanganak po akong hindi alam kung sino ang nanay at tyaka tatay ko hindi naman kasi sinabi ng umampon sa akin " bigla naman akong na lungkot ni wala nga akong alam kahit pangalan lang naman sana nila.
" hay naku lolet wag mo na nga tanongin na kung ano itong si alex . " saway naman sa kanya ni ate anna.
" Ito naman nag tatanong lang eh . Oh siya sige aalis na ako total hindi naman ako importante sa inyo aalis na lang ako sa pamamahay nato "
" oh sige umalis ka ng mawalan ka ng trabaho dito " sabat naman ni ate anna dito.
" ito naman nag bibiro lang . sige alis na ako mag lilinis pa ako sa second floor . bye anna , bye alex babe " pagkatapos kumindat pa sa akin bago tumakbo papuntang hagdanan kaya natawa na lang ako ng muntik pa siyang ma walan ng balanse .
" sira ulo talaga yang si lolet naku alex mag-iingat ka don "
" ho? bakit naman ate ? mukhang mabait naman po siya "
" naku alex iba ang ibig kung sabihin " nalito naman ako sa sinabi ni ate kaya di ko na lang pinansin.
" alex ? dito ka lang mona huh? hahanapin ko lang si manang tes ang mayordoma ng bahay nato ma upo ka mona dyan "
" sige ate " iniwan nya mona ako sa salas parang nakakahiya naman umupo dito hindi naman ako bisita katulong ang papasokan ko.
Kaya nag tiis akong nakatayo hindi ko namamalayan na nakapunta napala ako sa malaking larawan na nakasabit sa dingding mangha mangha kasi ako sa mga kagamitang nandito at ng matagpuan ko ang isang npakalaking larawan ng isang magandang babaeng may dilaw na buhok at may magagandang pilik mata ang mata nito ay maganda ang kulay parang kulay abo , matangos ang kanyang ilong at maganda ang kanyang labi at ang sarap....
t-teka naman ano ba itong iniisip ko .....
Siguro hinahanap na ako ni ate anna, naku-naku lagot ako nito , aalis na sana ako nang bigla akong nawalan ng balanse, kaya aksidenteng may nabunggo ako at pareho kaming natumba.
Napapikit ako at hinihintay na may maramdaman sakit pero ng masigurado kung wala idinilat ko ulit ang aking mga mata at Isang babaeng nakatingin sa akin ngayon na ang sama sama ng tingin at mag kasalubong ang perpekto nitong kilay ngunit ang masasabi ko lang ay napakaganda nyang tingnan ng malapitan. Ngumiti naman ako ditoang ganda ng mata niya nakatulala lang ako sa kanya at ganon din siya sa akin .
"get of me , you s**t !!! " Nabigla naman ako sa pagalit na boses nito kaya mabilis pasa kidlat akong tumayo at hindi alam ang gagawin kaya iniwan ko sya halos habulin ko ang hininga ko para lang makalayo doon hanggang sa nakita ko si ate anna at may kasama ito.
" oh alex saan ka pumunta ? Diba sabi ko dito ka lang " napatingin naman ako sa kanilang dalawa ng madako ang tingin ko sa may medyong katandaang babae medyo nagulat pa itong makita ako kaya ngumiti ako ng alanganin.
" U-uhmm a-anu k-kasi ate sa~ "
" WHERE's THAT b***h ??!!! " halos atakihin ako sa puso ng marinig ko ang boses nayon pati sina ate at si manang tes napatingin sila sa likod ko at sa akin kaya bago pa ako makita ng babae kanina ay nag tago na ako sa likod ng dalawa.
" h-hindi ko naman po s-sinadaya e . " bulong ko sa kanilang dalawa grabi ang kaba sa dibdib ko parang sasabog na ito kahit anong oras kaya napatingin naman sila sa akin at sabay sabay na pa iling.