bc

Hindi kita Mahal, Asawa

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
contract marriage
HE
opposites attract
friends to lovers
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
actor
like
intro-logo
Blurb

Hawak kamay na ni Belle Deogracia ang tagumpay. Kilala na siya sa industriya bilang isa sa mga beteran na aktres sa bansa. Mapagmahal na kasintahan, matagumpay na mga projects at masayang buhay. ngunit paano kung isang araw ay bigla nalang bumagsak ang buhay na tinatamasa niya at higit sa lahat ay maikasal siya sa taong kinamumuhian niya. Ang tao humihiling na magkanda leche leche ang buhay. Walang iba kundi si Matteo Nyxon Guerrero, isa ring aktor na ka love team ng kasintahan at alam ng lahat na may malalim na paghanga kay Jake. Ngunit bakit nga ba sila itinali sa isa't isa? at paano nila makakaya ang buhay mag-asawa lalo na at galit sila sa isa't isa.

chap-preview
Free preview
Simula
Belle's POV: "Matagal na rin kayo ni Jake, Isipin niyo sampung taon na rin kayong mag kasintahan." Puri ng isa sa mga beterang aktres na kasama ko sa taping. Ngumiti lang ako sa kanya ang pinagmasdan si Jake na kinakausap ang director namin sa front row dahil isa siya mga nominado sa "Best Actor 2026". "Siya na talaga ang nakasama ko mula ng mag simula ako sa showbiz at hanggang ngayon ay nasa tabi ko parin." Pagsisimula ko "Sana ay siya na ang lalakeng mamahalin ko habang buhay at magiging katuwang ko sa pag buo ng pinapangarap ko na pamilya." "Sana nga Belle, Pero hindi niyo pa ba napagisipan ni Jake na mag pakasal? Halos lahat ng kasabayan niyong loveteam ay bumubuo na ng sarili nilang pamilya" Saad ng aktres sa akin. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya a magalang na sumagot sa kanya. "Matagal ko na ring pong gustong magpakasal, ngunit hindi pa rin handa si Jake. Marami pa siyang gustong abutin at nirerespeto ko rin ang desisyon niya dahil mahal na mahal ko si Jake." Saad ko at malamlam naman akong tinanguan ng ginang. Natapos na rin ang aming usapan dahil nabuhay na ang mga musika sa loob, hudyat na magsisimula na rin ang programa. Maraming mga aktor at mga aktres ang dumalo sa event na ito, lalo na ang may mga film entry ngayong taon. Ngunit inilagay talaga sa front row ang mga nominadong aktor para sa parangal na ito. Napabaling ako sa aking kasintahan na napabaling ng ingin sa akin. Matamis ko siyang nginitian at ganon rin siya sa akin. Proud talaga ako sa naabot ng aking kasintahan. Mula sa pagiging extra sa mga small time teleserye hanggang sa maging bida ng isang box office movie na nakapag pasok ng malaikng halaga ng pera sa industriya. Matagal rin ang takbo ng daloy ng programa dahil talagang binigyang pansin ang lahat ng mga pelikula na tampok sa award na ito. Mula trailer casts and short documentaries bawat movies. Mayroon pang mini-interview sa mga direktor upang malaman ang mga bagay bagay sa kanilang mga pelikula. Hindi ko namalayan ang oras at tinawag na ang direktor ngg aming pelikula. Halos mabingi ang mga tao sa lakas ng mga hiyawan ng mga fans. Fans ni Jake, Fans ko, at higit sa lahat ang fans ng JaBe. "TEAM JABE!!" "TEAM JABE!!" Habang nag iingay ang mga fdans ay tinutok naman ang camera sa amin upang makita ang aming reaksyon sa maiinit na suporta nila. Matamis akong ngumiti at nag sabi ng "Thank You Po!" "I really enjoy working with one of the Golden Loveteam" Saad ng aming direktor "Talagang nabigyan ng buhay ang pelikula! Sa end scene yung kinasal yung mga role nila, sinabi ko na dapat totohanin nalang nila yung eksena" Natawa naman ang lahat at tinutok ang monitor sa amin ni Jake upang makita ang reaksiyon namin. Marami pang bagay ang itinalakay at hindi ko malayan na naghihiyawan na ang lahat at naramdaman ko na may kung sino ang yumapos sa akin. Si Jake pala kaya napatingin ako sa kanya na tila nagulat rin ang tila paiyak na "Nanalo ako babe" Anito at parang bumalik na rin ako sa reyalidad. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya at isinama niya ako sa entablado upang makapanayam siya ng mga media. Kaliwa't kanan ang mga camera, at halos mabingi ako sa mga lagabog ng mga tao sa paligid ko. "Ano po ang masasabi niyo na kayo ang nag wagi ng Best Actor ngayong?" Tanong ng isang taga media "Sobrang nakaka proud kase pinaghirapan ko ang pag kilalang ito kaya masasabi ko na deserve ko rin na manalo" Anito na puno ng ngiti sa mga labi niya. "Sino ba ang naging inspirasyon mo para pag--igihan ang iyong karera bilang isang mahusay na aktor?" Tanong isa pang media. Hindi kaagad sumagot si Jake sa halip ay nilingon niya ako bagong matamis na sumagot sa harap ng mga camera. "Wala nang iba, Syempre ang nag iisang Belle Deogracia" Naghiyawan ang mga fans ng maranig ang aking pangalan att ganun nalang din ang pamumula ng aking pisngi dahil sa labis na kilig "Bukod sa pamilya ko na talaga namang suportado ang pagiging isa kong aktor ay nariyan rin si Belle." Pagsisimula niyang sagot "Nagpapasalamat rin ako sa network at kay Belle nila ako i-pinartner, nagkarron ako ng solid na support system, hindi niya ako hinuhusgahan sa mga pagkakamali ko lalo na nung baguhan palang ako." Dagdag pa niya ang unti unti niyang hinawakan ang aking kamay "At higit sa lahat naging isang perfect na kasintahan" Saad nito. Marami pang mga tanong na tinanong sa kanya at sa akin at parte na rin sa amin ngunit isang tanong pa ang nagpa akward ng interview. "May isang dekada na rin kayo ni Belle. Bakit hindi pa rin kayo engaged so kailan niyo plano mag pakasal?"Pati ako ay natahimik rin sa tanong ng isa sa mga media tungkol doon, Dama ng lahat kung paano bumigat ang paligid naging akward at pilit naman tinatawanan ni Jake iyon "Kapag ready na si Belle" Biro pa nito. At bumuntong hininga muna ito bago sumagot sa madla "It is our mutual decision to chase our careers first before we settle down. We are still young" Pilit nalang akong ngimuti. yeah right. A mutual decision. marahan naman na pinisil ni Jake ang kamay ko and he mouthed "I love you" pilit nalang din akong ngumiti. At unti unti nalang din nawala ang tensyon dahil sa unti unti na pag lihis ng mga tanong na binabato sa amin. "May plano ka ba na mag explore pa sa iyong showbiz career?" Tanong ulit ng isang media. "Yes! Gusto ko na ibang genre naman ng industriya, tinanggap ko na ang offer sa akin sa BL industry." Anito at pati mismo ako ay nagulat sa sinabi niyang yung dahil akala ko ay di niya tatanggapin ang offer na iyon "Gusto ko mag explore at saka professional naman angg set-up" Anito at parang yun na ring gusto niyang ipaabot sa akin. "Sino ang iyong makaka pareha?" Tanong ulit ng iilang mga taga media. parang biglang nabuhay ang media sa mga isinawalat ni Jake. "Nagkita na rin kami noong nakaraan at isa rin siya sa mahusay na aktor sa BL industry.." Panimula nito. "Magiging katrabaho ko at magiging ka loveteam ko rin ay si Matteo Guererro."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.2K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.0K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.2K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.8K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.0K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook