Chapter Eleven -Karen- Buong gabi ako hindi pinatulog ng isip ko sa tuwing pipikit ko ang aking mata ay nakikita ko sa aking alaala ang mhkha ni Senyorito Zandro, at kung paano ito ngumiti sa akin dati, gusto ko man mag tanong tungkol dito kila Camille ay hindi ko nagawa nahihiya akong may malamang dito, at parang hindi ko kakayanin na malamang may asawa at anak na ito ngayon. Pero ganoon pa man naisip kung magkaganon man ay gusto ko pa rin maging masaya para dito kahit alam ko sa aking puso na meron akong panghihinayang. Dumating na rin sa punto na nagkaroon ako ng mga “if” sa buhay ko pero alam kong kahit papaano ay may tama pa rin naman akong ginawa sa kabila ng pag-iwas ko sa nakaraan. Siguro dahil may guilt pa rin sa aking puso kaya hindi ko magawang makalimutan ito pati ng nakaraan

