MY BOSS SECRET
CHAPTER ONE
-Karen-
“Karen, ano pa ba ang inaantay mo bilisan, mo nga yan at baka maabutan pa tayo ng tiyuhin nating sugarol, alam mo namang mainit ang dugo sa atin ng taong yon kaya please naman bilisan muna yan sa ginagawa mo dahil siguradong hindi na tayo makakatas kung sakali na abutan tayo ng hayop na yon, paki bilisan mo naman yan oh!” Nagammadaling sambit sa akin ni Camille habang nag-aayos ako ng mga pwde kong dalhin sa pag-alis naming ngayon dito sa bahay na aming Tiyuhin na hindi man lang kami tinuring na kamag-anak, sa ngayon isa lang din ang napatunayan ko na mahirap kung lalaki ka sa isang taong hindi ka naman tinuturing na tao din. Pinsan ko si Camille at katulad ko ay wala na rin itong mga magulang, maagang kaming naulila sa mga magulang halos anim na taon palang kami noon ni Camille ng tumira sa poder ng tiyuhin naming na kapatid ng aming mga magulang.
At hindi naging madali ang buhay namin sa poder nito kahit pa kamag-anak itong maituturing, ang totoo ay may naiwan na mga lupain ang aming mga magulang ngunit ang lahat yun ay binenta lang ng aming tiyuhin sa malayong ring kamag-anak at sinabing ang perang pinangbili ay gagamitin nito sa aming pag-aaral, ngunit hindi iyon ang nangyari dahil inubos lang nito sa sugal ang lahat ng perang pinagbilhan ng lupain ng aming mga mga magulang. At ganoon din kabilis na madala kami nito sa bahay nito sa bulacsan. Habang lumalaki kami ay namumulat kami sa isang kahirapan at sa murang edad ay marami na rin kami naranasan na hindi namin maiisp na mangyayari sa aming dalawa ni Camille. Madalas na rin kaming umiiyak dahil sa napapagod na rin kami sa labis na kahirapan na aming pinagdudusahan na alam naming hindi naman talaga dapat.
Nasa grade six lang pareho ang natapos namin ni Camille, dahil wala daw kami mararating at makakpag-asawa ng maaga yun ang madalas sabihin ng aming Tiyuhin na kahit minsan ay hindi na namin pinamsin pa, dahil alam naming may patutunguhan ano man ang aming mga pangarap sa buhay. Subalit sa ngayon ang pangarap naming dalawa ni Camille ay ang makalayo sa aming tiyuhin at sa lugar na masasabi rin naming pugad ng masasamang tao. Nang tumungtong kami ng disi-otso ay pinaghanap buhay na kami nito kahit anong trabaho ay pinasok na namin dahil sa utang na loob daw na kailangan naming bayaran sa kanya. Gusto ko itong subatan sa sinasabi nitong utang na loob, dahil sa pagkakatanda ko ay wala naman itong binigay sa aming masayang buhay dahil mula ng sumama kami dito ay puro hirap at pagpaparusa sa pagpalo nito sa amin ng sinturon ang natatandaan ko kaya naman wala akong makitang utang na loob para sa kanya.
Hanggang sa nalaman namin mula sa isang kapit-bahay na may balak pala ang aming Tiyuhin na ipagbili kami sa isang club na madalas nitong pinupuntahan, at nagkaroon ito ng malaking utang sa may-ari ng club at kami ang gusto nitong ipangbayad, kaya naman kahit hating gabi na ay mas pinili naming umalis sa lugar na yon para hindi kami maibenta ng Tiyuhin naming walang puso. Wala kaming kasiguraduhan kung saan man kami pupunta dahil sa wala naman kaming ibang lugar na alam maliban dito sa bayan na kinalakihan na naming dalawa ni Camille. Mabilis kaming nakalabas ng bahay at nagmamadali din kaming naglalakad sa isang madilim na lugar na kung saan ay magkayakap kaming dalawa at ayaw maghiwalay. Pareho kaming takot at walang gustong bumitaw isa man sa amin. Subalit alam kong kailangan naming maging matapang ngayon dahil walang ibang tutulong sa amin kung di ang aming mga sarili, kami lang dalawa ngayon ang pwdeng magtulungan kaya naman sinabihan ko siyang lakasan rin niya ang kanyang loob dahil sa hindi kami pwdeng mahuli at maibenta lang kung kaninong lalaki.
Hanggang sa marating namin ang isang terminal ng mga jeep at bigla na lang kami sumakay ng matanaw namin ang mga kalalakihan na kasama ng aming tiyuhin at patungo ngayon sa aming tinitirahan, mabuti na lang at umandar na rin ang jeeop at nakahinga na kami ng maluwag ni Camille. Nangangatog ang aming mga tuhod dala ng takot at pagkabalisa sa pwdeng makita kami o mahuli ng mga ito, napayuko pa kaming dalawa ng huminto sandali ang jeep at hindi pa rin kami nakakalayo, may sumakay na isang Ginang at batang lalaki ng muli ulit umandar ang jeep at muli rin kaming nag-angat ng tingin at nilingon namin ang lugar ung saan kami lumaki, hinawakan ko ang kamay ni Camille dahil alam kong kinakabahan pa rin ito ngumiti ako dito at sinabing magiging maayos na rin ang lahat sa aming dalawa basta ba walang hihiwalay isa man sa amin. Isang mahabang hininga ang aming sabay na napakawalan, ng makita naming nakalayo na kami sa lugar na iyon samantalang saka lang naming na pansin na nasa amin pala ang mata ng mga taong nasa loob ng jeep na sinakyan namin. Isang pekeng ngiti ang aming ginawad para mawala ang attention ng mga ito sa aming dalawa.
“San tayo ngayon pupunta?” mahinang bulong sakin ni Camille halatang ayaw ipaalam sa iba. Hanggang sa maisipan kong tanungin na lang muna si manong kung pwde na kaming ihatid nito sa terminal ng bus papuntang Maynila, doon ko kasi naisipan pumunta ng sa ganoon ay magiging malayo ito sa aming tiyuhin at doon na lang din kami maghahanap ng pwde naming mapasukan kahit na katulong o kasambahay basta magkasama pa rin kaming dalawa ni Camille. Hindi ko kasi naisip na maari kaming magkahiwalay oras na dumating na kami ng Maynila. Sinabi naman ni manong driver na pwde kami nitong idaan sa may terminal ng buss, natuwa na lang naman kami ni Camille dahil kahit papaano ay nagkakaroon na rin ng linaw sa amin ang lahat at ang mas nakakatuwa pa doon ay hindi na kami nito pinagbayad ng pamasahe labis ang naging pasasalamat naming dahil doon.
Dahil sakto lang din kasi ang perang naitabi naming para sa ginawa naming pag-alis. Hanggang sa isang Ginang pa ang nag-abot sa amin ng tulong, nagulat pa ako ng kinuha nito ang kanyang bag at ibinigay sa amin ang five hundred pesos na halaga hindi sana naming ito tatanggapin dahil sa nahihiya kami dito, makikita kasi sa Ginang na hindi naman ito ganon ka yaman at mukhang simpleng pamumuhay lang din ang meron. Subalit sinabi nitong tulong na lang niya ang perang ibinigay nito sa amin, nakikita daw kasi niya ang sarili saming dalawa ni Camille, dati na raw sila ng layas ng kanyag kapatid na babae at sa awa naman ng poong may kapal ay naging maganda ang kanilang buhay kahit na nakagawa sila noon ng pagkakamali. Kaya naman tinanggap na rin namin ang tulong nito dahil ang sabi ni Camille ay magiging malaking tulong ito para samin. Nagpasalamat kami sa Ginang hanggang sa bumaba na rin kami dahil nasa nasa terminal na rin kami ng buss.
Napadpad kami ni Camille sa isang palengke dito sa maynila, hindi naming alam kung saang lugar parte ng maynila kami naroroon, walang rin kami kilala at hindi rin naming alam kung san kami titira ngayon, pero sabi ng iba “basta may buhay ay may pag-asa”, iyon nalang ang pinanghahawakan ko para magpatuloy sa buhay dahil alam kong mahihirapan kami kung ano man ang magiging buahy namin dalawa ni Camille. Kumain muna kami sa isang karenderya dahil talagang hindi na rin namin kinaya ang gutom, malalayo pa ang lalakarin namin kaya naman kailangan namin ng lakas, kasalukuyan kaming kumakain ng marinig ko ang dalawang ale na nag-uusap kaya naman tahimik akong nakinig baka trabho ang kanilang pag-uusapan.
"Hay! naku Tasya, wala naman kong kasama sa mansion ng mga De Lana, ewan ko ba dun sa batang yun minsan na nga lang lumabas ng kanyang kuwarto eh, magpapalayas pa ng mga katulong. Ok sana kung mabilis lang kumuha ng katulong sa panahon ngayon.” Salita ng isang Ginang na may edad at mukhang nasa late sixties na rin, habang nagsasalita ito ay napapangiti naman ako dahil posibleng nangangailangan ito ngayon ng katulong kaya naman minadali ko na rin muna ang aking pagkain ng sa ganoon ay kung sakaling umalis ang Ginang ay maari ko itong habulin at kausapin.
“Eh! grabe talaga ang isang yun Tasya, hindi ko na rin alam ang gagawin sa batang yun." Dag-dag pa nito sa kausap na Ginang na isang tendera ng mga gulay, makikita rin sa dalawa na matagal na itong magkakilala ng dahil na rin sa kung paano mag-usap ang mga ito. Sakto namang natapos na akong kumain at inayos ko ang aking sarili, hindi ko na lang muna sinabihan si Camille sa mga naririnig at mukhang pokus pa ito sa kanyang pagkain ganito talaga ito basta pagdating sa pagkain ay hindi mo ito pwdeng abalahin. Tumayo ako at mas lumapit pa sa Ginang na lihim ulit na nakikinig sa mga ito gusto ko kasing matiyak kung kailangan talaga nito ng makakasama sa sinasabi nitong mansion.
"Naku ikaw naman Mila, hindi kana nasanay yan sa alaga mo eh, mula ng mamatay ang buong pamilya eh nawalan na ng tiwala sa ibang tao yang batang yan, magpasalamat na lang kamo at nakaligtas pa siya dahil kung hindi at kawawa ang kanilang pamilya at sayang ang yaman nila, ok sana kung ipapamalagi sa mga mahihirap eh! tiyak lang nakukunin ng ibang kamag-anak lang.” Sagot naman dito ng isang Ginang habang sinasalansan ang mga napabiling gulay ni Aling Mila. Hindi na ako nakatiis at lakas loob na nagsalita sa pagitan ng kanilang pag-uusap. Ngumiti muna ako bago nagsalita sa mga ito, ibig ko na rin kasing malaman kung maaari kaming mag-apply ni Camille bilang katulong dito
"Ahmm,, magandang araw po! narinig ko pong nag-hahanap kayo ng magiging katulong maari po ba kaming mag-aaply ng pinsan kong si Camille, pasensya na po kung nakikinig ako sa usapan ninyo kanina hindi ko naman po intensyon na makinig ang kaso lang kailangan lang po namin ng mapapasukan ng pinsan ko kahit po labandera o tagalinis po ng garden ay ayos lang po sa amin, ok lang din po kahit maliit alng ang sahod namin ang halaga lang po ay magkaroon kami ng matutuluyan at makakain po kami ng tama, Manang." Magalang kong salita dito sa dalawang Ginang, nagkatinginan pa ang dalawa kaya mas lalo akong nanalangin na sana ay makuha kami nito bilang katulong sa kanila. Nakita ko sa mata ng matandang babae na nag-aalinlangan pa itong pumayag sa aking hilig, pero mabuti na lang at sumang-ayon naman sa akin ang isa pang babae na kausap nito.
“Kunin mo na sila Mila mukhang maasahan mo naman ang mga batang yan.” Sambit nito sa aming dalawa ni Camille nasa tabi ko na rin kasi at mukhang nahihiya pa Ginang na nakaharap namin. Tahimik na naman kaming pinagmasdan ng matanda at ilang sandali pa ay napabuga na lang ito ng hangin at saka sumagot sa amin.
“Sige subukan ko kung makakatagal kayong dalawa, tutal naman eh kailangan ko talaga ng makakasama sa loob ng mansion na yon, marami akong dapat naayusin at kailangan ko talaga ng makakatulong sa ngayon. Yung sa sahod ninyo ay wala naman problema, stay-in din kaso at libre ang pagkain ninyo. Kung gusto ninyo ay maaari na kayong sumama sa akin ngayon ng sa ganoon ay makapagsimula na rin kayo bukas ng umaga para sa magiging trabaho n’yong dalawa.” Mahinahon nitong pahayag sa aming dalawa ni Camille. Mabilis naman akong napatango sa Ginang at makikita talaga sa akin ang ngiting tagumpay na sa wakas ay makakapagtrabaho na kami at tuluyan na kaming hindi mahahanap ng aming tiyuhin.
Isang malaking ngiti ang aming nagawa ni Camille at nagtatalon na sa wakas ay hindi kami titira sa lansangan, nagpasalamat kami sa parehong matanda at ilang sandali pa ay umalis na kami para magpunta sa mansion na sinasabi nitong aming pagtatrabahuhan. Lulan kami ng isang tricyle papasok sa isang malawak na subdivision walang gaanong mga bahay at kung meron ay sobrang layo nito sa bawat isa, makikitang napakalawak ng buong lugar at nakakalula ang yaman ng mga taong nakatira dito grabe ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang bahay at lugar. Halatang sobrang yaman ng mga nakatira dito dahil sa ayos ng bawat bahay na aming nakikita na nasa mga tebisyon lang naming iyon napapanood. Ilang sandal pa ay tumigil ang ang tricyle sa isang malaking gate na kulay itim at hindi mo agad makikita ang bahay na nasa loob dahil sa sobrang taas nito, para na rin itong pader dahil sa lapad.
Nagulat ako sa biglang pagkapit sa akin ni Camille na animoy takot sa kanyang nakikita. Hinahawak ko sya sa dalawang balikat at ngumiti dito para iparating na magiging maayos din kami dito. Bumukas ang gate at isang security guard ang lumabas, at maya maya ay isang sasakyan ulit ang aming sasakyan daw dahil malayo kung maglalakad papuntang mansion, grabe talaga ang yaman ng may-ari dahil ganito kalawak ang kanilang bakuran. Sumakay kami sa isang kotse subalit makikita rin ang ganda nito at talagang mamahalin at aamin kong ngayon lang ako nakasakay sa ganitong kagandang kotse, mabango ito at malinis talaga napayuko naman ako at inamoy ko ang katawan naming ni Camille dahil baka maamoy na mga kasama namin na mabaho na pala kaming dalawa ni Camille. Hanggang sa napahinga na lang ako at nagpasalamat dahil hindi pa naman kami ganoon kabaho.
Isang malawak na mansion ang bumungad sa amin dito sa bahay na magiging amo daw namin ang Pamilya De Lana sa labas palang ng unang gate ay mababasa mo ang pangalan ng pamilyang ito. Pagbaba naming at dumarecho agad kami sa likuran dahil bawal daw dumaan sa harap dahil sa mga anong oras ay nagpapahinga sa mga veranda ang amo naming lalaki at ayaw nito makitang meron mga palakad-lakad na malapit sa kanya. Nagbilin na rin si Nanay Mila ng mga dapat at hindi dapat naming pwdeng gawin lahat un ay dapat naming tandan kung gusto daw naming magtagal dito at ng hindi kami sa kalsada tumira. Dahil wala na daw siya magagawa kapag pinaalis naman daw kami ng kanyang among lalaki. Kaya naman dapat talaga naming pagbutihan para magtagal din kami sa aming magiging trabaho.
At ang pinakaimportante dapat tandaan ay huwag daw kami lalabas ng gabi lalo na sa magitang ng alas-nueweba hanggang hating gabi dahil iyon daw ang oras ng baba ng Senyorito Zandro para kumain at maglakad lakad sa bakuran, ayaw nitong may nakikita kaya naman dapat ay sumunod kami dahil iyon ang isang bagay na ayaw ng aming amo. Isang tango at opo ang sagot naming pareho ni Camille dahil kailangan talaga naming ng matutuluyan at para din hindi kami mahanap ng aming Tiyuhin, dahil kung dito kami titira ay hindi na talaga kami mahahanap nito dahil alam naming sa gate pa lang ay mahihirapan na itong pumasok, dahil sa daming bantay nito sa buong paligid ng mansion. Subalit kanina habang binabanggit ni Nanay Mila ang tungkol sa aming magiging amo o boss ay nakakaramdam ako ng awa para dito at bakit niya pa kailangan magtago sa karamihan gayong siya naman ang boss at may-ari ng buong paligid. Pero aaminin kong meron partes sa aking puso na gusto ko itong makita kahit sa malayo lang sana.